EPISODE 2

1611 Words
EPISODE 2 THE CONCERT OLIVIA’S POINT OF VIEW. Ito na ang araw na makikita ko ulit si Cole. Nasasabik na rin ako sa mangyayari pagkatapos ng concert dahil ako ang maswerte na napili na makita at makausap si Cole sa loob ng 30 minutes. Alam kong ang bilis lang ng oras na iyon para makausap ang iyong idol, pero para sa akin ay ang haba na ng oras na iyon para makausap ko si Cole. “Wow! Ang ganda mo ngayon, ah? Ano ba iyang suot mo?! Cole Griffin’s property?!” gulat na sabi ni Koline habang nakatingin sa aking damit. Ngumiti ako sa kanya at umikot sa kanyang harapan. Nakasuot ako ngayon sa aking pina-print na damit na may nakalagay na Cole Griffin’s property. May suot din akong headband na may mukha ni Cole. Ang cute kong tignan at fangirl na fangirl talaga ang dating ko ngayon. Buti na lang talaga at day off ko sa aking mga trabaho ngayong araw kaya malayang malaya ako na makapunta sa concert ni Cole. Sayang naman ang binayad ko sa ticket kapag hindi ako pumunta sa concert, diba? “Maganda ba ang ayos ko, Koline?” tanong ko sa aking kaibigan. Nag thumbs up siya at ngumiti sa akin. “Mas lalo kang gumanda, Olivia! Nako. Ewan ko na lang talaga kung hindi ka mapansin ng idol mo!” wika ni Koline. Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi. Nagpaalam na kaagad ako sa kanya dahil pipila pa ako sa labas ng araneta para makapasok sa loob ng venue. Maaga akong pumunta sa venue at nakita ko kaagad ang iba pang fans ni Cole na nakapila sa labas. May iba’t iba silang mga dala na may mukha ni Cole, kagaya ng banners, mga pamaypay at may nakita rin akong tarpaulin. Labis ang pagkamangha ko habang nakatingin sa mga ibang fans ni Cole. Proud na proud ako sa kanya dahil marami na ang nagmamahal at nakakakilala sa kanya. Naghintay ako ng ilang oras dito sa labas ng araneta kasama ang iba pang mga fans ni Cole. May mga nakausap na rin ako at naging kaibigan lalo na sa mga kalapit ko lang na upuan sa loob. Malaki rin ang nagastos nila rito para sa concert ni Cole pero hindi sila pinalad na makita at makausap si Cole sa personal. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na ako ang maswerteng fan girl na makakausap at makakakita sa personal ni Cole mamaya, pero hindi ko pwedeng sabihin iyon dahil iyon ang bilin ng staff na nakausap ko sa phone noong isang araw. Sa ilang oras naming pagpila sa labas ay nakapasok na rin kami sa loob ng venue. Tuwang-tuwa ako dahil ang lapit ko lang sa stage at ang linaw ng mga videos ko mamaya dahil ang lapit ko lang ni Cole. Nag ready talaga ako rito sa concert at dalawang phone ang dala ko, nag dala rin ako ng powerbank incase na ma lowbat ako sa kalagitnaan ng performance ni Cole. “Excited na talaga akong makita si Cole!” rinig kong sabi ng aking katabi. Ngumiti ako at napatingin na rin sa stage. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Excited na rin ako na makita si Cole. Ito iyong unang beses na concert na pinag gastusan ko talaga. Ilang buwan ko rin pinag iponan ang pambayad ko ng ticket dito at alam kong worth it naman lahat ng ginawa ko. “COLE!” sigaw ng ibang mga fan girls dito sa venue. Biglang dumilim ang paligid at nang biglang tumugtog ang instrumental ng isang kanta ni Cole ay nagsigawan na kaming lahat dito sa aming mga upuan. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at binuksan ang video recorder upang ma-video ko ang paglabas ni Cole. Ramdam ko na talaga na paparating siya. “HELLO, ARANETA!” Naghiyawan kami nang marinig ang malakas na boses ni Cole. Muling bumalik ang ilaw at nakita kaagad namin si Cole sa stage na nakasando lang na puti at may dala na rin siyang mic. Ang kinanta niya ay ang kanyang single album na teach me how to love. Nagsimula nang kumanta si Cole at mas lumakas ang hiyawan ng mga fans at pati na rin ako. Naiiyak ako habang nakatingin kay Cole na kumakanta. Ang ganda ng kanyang boses at nakikita mo talaga sa kanyang ekspresyon ngayon na nag e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Nagsimula na siyang mag lakad habang patuloy pa rin sa kanyang pagkakanta. Bahagya rin siyang sumayaw at may kinikindatan din siya na mga fans. Kinanta na ni Cole ang chorus at nakisabay na rin kami dahil memoryado namin ang lyrics nito. “Teach me how to love!” pag kanta rin namin at sinabayan si Cole. Napapasayaw na rin kami dahil masyadong hyper si Cole at nakakadala ang kanyang energy. WORTH IT. Iyan ang masasabi ko sa buong concert ni Cole na dinaluhan ko ngayon. Ang saya-saya ko dahil kinanta lahat ni Cole ang mga paborito kong kanta at nagpatawa rin siya sa amin kanina. Pinakita rin ni Cole ang ibang clips sa kanyang bagong palabas at ang swerte namin dahil kami pa ang unang nakakita no’n. Nakaupo ako ngayon sa isang couch at nasa loob ako ng isang kwarto rito sa backstage ng araneta. Ito na iyong oras na makikita ko si Cole at makakausap. Hawak-hawak ko ang singsing na binigay ni Cole sa akin noon. Hindi na ito mag kasya sa aking kamay kaya ginawa ko na itong kwentas para kahit hindi ko na ito suot sa aking daliri ay dala-dala ko pa rin ito. “Ano ba, Cole! May fan ka na kikitain ngayon. Pwede bang maging professional ka muna saglit?!” Natigilan ako at napakunot sa aking noo nang marinig kong may sumigaw na isang babae. Kung papakinggan mo ang kanyang sinabi ay kausap niya si Cole at galit siya rito. Bakit siya galit kay Cole? “Come on, Lolita! Kanina pa ako sa stage nagiging professional! Ayokong mag perform kanina pero pinilit ko pa rin dahil iyon ang gusto niyo! Hindi ko ginustong mag perform ngayon dahil masama ang loob ko!” rinig kong galit na sigaw ni Cole. Napalunok ako sa aking laway. Mukhang bad mood si Cole. Mali ata ang timing ko ngayon. “For God sake, Cole Griffin! You’re a performer! Ito ang pinili mong trabaho kaya deal with it!” rinig kong sigaw no’ng babae na kausap ni Cole na ang pangalan ay Lolita. Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil sila sa kanilang pagsisigawan. Wala na rin akong narinig na nag-uusap. Kumalma na ba si Cole? Pwede ko naman sabihin sa staffs na okay lang na hindi ko makausap si Cole. Tatayo na sana ako sa aking inuupuan nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Naestatwa ako sa aking kinauupuan nang makita ko si Cole Griffin sa aking harapan. Para akong kinakapos ng hininga at ang lakas din ng t***k ng aking puso. Seryoso siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay para ipatayo ako. Mabilis din akong tumayo habang nakatitig pa rin sa kanya at hindi makapaniwala na nandito na siya sa aking harapan. “So, you’re the lucky fan?” wika ni Cole at ngumisi sa akin. Napalunok ako sa aking labi at tumango. Hindi ako makapagsalita! Natameme ako! “What’s your name, Miss?” he asked. Napakurap ako sa aking mga mata at binuka ang aking bibig. “A-Ako… A-Ako… si… si… O-Olivia… Oli—” Pinutol ni Cole ang aking pagsasalita. Napakagat ako sa aking labi sa sobrang hiya dahil labis ang kaba ko ngayon at parang hindi na ako marunong magsalita, nauutal ako! “That’s enough, Olivia. Let’s take a picture and let me sign your things,” sabi ni Cole na para bang nainip na sa akin. Mabilis kong nilabas ang aking cellphone at binigay sa kanya. Binuksan niya ang camera at hinarap ito sa amin. Na-estatwa ulit ako nang bigla akong akbayan ni Cole at hinalikan niya ang aking pisngi. Naka ilang click na si Cole sa camera sa aking cellphone pero iisa pa rin naging reaksyon ko sa mga litrato at ito ay ang gulat. Para akong tanga sa pictures! “Saan ang ipapapirma mo sa akin?” tanong ni Cole nang tapos na kaming mag picture dalawa. Nataranta ako at mabilis na kinuha ang mga dala kong merchandise na may mukha ni Cole. May kinuha siyang marker pen at mabilis na pinirmahan ang mga binigay ko na merchandise sa kanya. Nang matapos na si Cole ay binigay na niya ito sa akin at seryoso akong tinignan. “Thank you for supporting me. Mag ingat ka sa pag uwi mo at salamat sa iyong oras,” sabi niya at tumalikod na sa akin at nagsimulang maglakad paalis. Napakurap ako sa aking mga mata at muling nataranta. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ako si Olivia Noelle! “C-Cole, sandali!” tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa kanyang pag hakbang at lumingon sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Yes?” Napalunok ako sa aking laway. “C-Cole, ako ‘to, si Olivia Noelle Rivera,” pakilala ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo na para bang hindi maintindihan ang aking sinabi. “I’m sorry? Kilala ba kita?” tanong niya sa akin. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig ko iyon galing kay Cole. Ang kaninang pananabik ko ay napalitan ng panghihinayang at lungkot. “Sorry, Miss, pero hindi kita kilala,” sabi ni Cole at bahagyang ngumiti sa akin bago lumabas sa kwarto at sinirado ito. Hina akong napaupo sa may couch at napatulala. Hindi na ako kilala ni Cole, kinalimutan na niya talaga ako. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD