EPISODE 3 - THE GOOD NEWS

1575 Words
EPISODE 3 THE GOOD NEWS OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Oh? Anyare diyan sa mukha mo, girl? Kumusta naman ang concert na pinuntahan mo?” tanong ng kaibigan kong si Koline nang makapasok ako sa loob ng apartment namin. Huminga ako nang malalim at hinang napaupo sa couch at muli siyang tinignan. “Okay lang naman, masaya. Muntik na akong mawalan ng boses kakasigaw ko kanina at kakatili,” sagot ko sa tanong ni Koline sa akin. Nagsalubong ang kanyang kilay at umupo siya sa aking tabi at hinarap ako. “Weh? Masaya ka talaga? Bakit parang hindi mukhang masaya iyang nakikita ko sa mukha mo ngayon? Nako, Olivia Noelle! Kapag talaga nalaman kong nagsasayang ka lang ng pera diyan sa concert na iyan, patay ka sa ‘kin! Wala akong pakialam kung galing ‘yan sa inipon mo! Ang mahal-mahal ng ticket na binili mo, inday!” bulalas ni Koline. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. “Nagkita kaming dalawa ni Cole,” sambit ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Tapos? Anong nangyari next? Nakilala ka niya ba? Magpapakasal na ba kayong dalawa?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Umiyak ako nang malakas sa harapan ni Koline na parang inagawan ako ng candy. “H-Hoy, gaga! Bakit ka umiiyak diyan?! Gaga!” natataranta niyang tanong sa akin. Nagmadali siyang maghanap ng pang punas sa aking luha at nakita kong nakahanap siya ng damit ko na nakasampay malapit sa may upuan ay agad niya itong kinuha at muling naglakad papalapit sa akin at pinunasan ang luha kong pumatak sa aking mga mata. Binigyan din ako ng tubig ni Koline upang ako ay kumalma at agad ko rin na kinuha ang tubig na binigay niya sa akin at ininom ito. Humihikbi pa rin ako ngayon pero hindi na kagaya kanina ang iyak ko at medyo kumalma na rin ako dahil hinahagod ni Koline ang aking likuran. “Magsalita ka lang kung ready mo nang sabihin ang totoo sa akin. Okay lang naman kung hindi ka pa handa basta huwag ka lang umiyak ulit diyan dahil baka hikain ka,” alalang sabi ni Koline sa akin at pinunasan niya rin ang butil ng pawis na nasa aking noo. Huminga ako nang malalim at seryosong tumingin sa kanya. Wala naman akong ibang pagsasabihan sa mga problema kundi si Koline lang. May tiwala ako sa kanya at ilang beses niya na rin akong tinulungan sa mga problema ko at pinapakinggan niya palagi ang mga ka-oa-han ko sa buhay. “H-Hindi na ako kilala ni Cole,” mahina kong sabi at bahagyang apayuko at pinilit ang sarili kong hindi na naman maiyak. “Oh, God…” rinig kong sabi ni Koline. Hinawakan niya ako sa aking balikat at tinapik ako. “Sinabi mo ba ang buo mong pangalan? Diba hindi Olivia ang tawag niya sa iyo at Elle iyong nakasanayan niya?” Tumango ako sa sinabi ni Koline at nag angat ng tingin sa kanya. Nangingilid na naman ang aking mga luha at gusto ko na namang umiyak nang umiyak. “O-Oo, sinabi ko sa kanya iyon kanina, pero… pero hindi niya pa rin ako nakilala, Koline. Habang sinasabi ko ang buo kong pangalan sa kanya ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa ekspresyon sa kanyang mukha at wala akong nakikita rito na kilala niya ako o narinig niya sa iba ang pangalan ko, wala talaga. Hindi na siya ang Cole na nakilala ko,” mahina kong sabi at tinakpan ang aking mukha dahil sa sobrang hiya. Muli na naman akong umiyak at ngayon ay niyakap na talaga ako ni Koline at hindi na rin siya nagsalita pa at hindi niya rin muna ako pinagalitan dahil sa pag gastos ko ng 17 thousand para lang sa isang ticket ni Cole. “Sandali, itigil mo muna iyang pag iyak mo,” sambit ni Koline at bahagyang lumayo sa akin at tumayo. Nagpunas naman ako ng aking luha at napatingala sa kanya habang nakakunot ang noo. “H-Huh? Bakit?” tanong ko sa kanya. “Dapat may alak tayo rito! Mas maganda umiyak kapag may alak kaya bibili na muna ako,” nakangiti na sabi ni Koline. Nataranta ako sa kanyang sinabi at mabilis na tumayo. “S-Sandali! Hindi ako mahilig uminom ng alak, Koline! You knew that!” sabi ko sa kanya. Kinindatan niya ako. “Kaya nga maglalasing ka! Nandito naman ako kaya no worries. Dito ka lang muna, bibili muna ako ng redhorse sa 7/11 na malapit lang dito!” sabi ni Koline at mabilis na lumabas sa apartment ko. Muli akong napasalampak sa couch at napatingala. Mas maganda ba talaga na mag lasing kapag nasasaktan ka? Kasi noong nalaman kong na link si Cole sa kasamahan niya sa isang palabas ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapaiyak at ang ginawa ko lang nun ay nag kulong ako sa aking kwarto at natulog. Hindi pa ako nakakainom ng alak at medyo kinakabahan din ako ngayon dahil baka ito ang ikamatay ko. “Olivia! Nandito na ang alak!” rinig kong sigaw ni Koline sa labas at binuksan na niya ang pintuan at pumasok sa loob. May dala siyang supot at nandoon nga ang sinabi niyang redhorse at may mga junkfoods din siya na binili. Napangiwi na lang ako dahil hindi ako mahilig sa mga binili niya ngayon pero dahil kinukulit ako ni Koline at gusto ko rin muna makalimutan ang sakit na nararamdaman ko, kakainin ko itong mga junkfoods at iinom ako ng alak. “Go na, girl! Mag lasing ka nang mag lasing ngayon!” sabi ni Koline at binigyan ako ng baso na may laman ng alak. Napangiwi ako dahil hindi ko nagustuhan ang amoy ng alak at amoy pa lang nito parang gusto ko na kaagad sumuko. “Koline, pwedeng mag juice na lang ako?” naiiyak kong tanong sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Ano ba! Hindi ka naman mamamatay diyan eh. Isa pa, kailangan mo rin na masanay na uminom ng alak ‘no! Paano na lang kung may gumawa ng masama sa ‘yo tapos malaman nilang hindi ka pala umiinom ng alak kaya nilasing ka nila at pinagsamantalahan?! Gusto mo ba iyon?!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Koline sa akin. Sunod-sunod akong umiling. “A-Ayoko,” mahina kong sabi. “Ayaw mo naman pala eh, inumin mo na ‘yan,” sabi niya at tinuro ang baso na may lamang alak na hawak ko ngayon. Huminga ako ng malalim at ininom ko na ito at inubos kaagad. “Tangina!” rinig kong sabi ni Koline. Mabilis akong kumuha ng tubig at ininom ito. Nang hindi pa rin mawala ang pangit na lasa ng alak ay kumuha ako ng isang chocolate bar na binili rin ni Koline kanina lang. Kinain ko ito upang mawala ang kaunti ang pait. “Bakit mo inubos kaagad?!” hindi makapaniwalang tanong ni Koline sa akin. Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. “H-Huh? Bakit? Hindi ba iyon inuubos kaagad?” taka kong tanong sa kanya. Napahawak siya sa kanyang noo at hindi sinagot ang aking tanong sa kanya. “Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman kong parang nahihilo na nga ako at humihilab din ang aking tiyan. Napasandal ako sa may couch habang nakahawak sa aking noo. “Nahihilo na ako, Koline,” naiiyak kong sabi. “Nako! Isang baso ng alak pa lang ang naiinom mo pero knockout ka na kaagad! Sige, dalhin na kita sa kwarto mo. At least nakainom ka na ng alak, next time na lang ulit,” wika ni Koline at tinulungan na niya akong makapasok sa aking kwarto. Nang makahiga na ako sa aking kama ay agad din akong dinalaw ng aking antok at nakatulog na dahil mabilis akong nalasing. -- “Ang ingay!” Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko ngayon. Napakusot ako sa aking mga mata at napamulat. Hinanap ko kung ano iyong maingay na nagpagising sa akin at nakita kong cellphone ko pala ito. Mabilis ko itong kinuha at unregistered ang tumatawag sa akin na numero pero sinagot ko pa rin ito dahil baka importante. “Hello?” inaantok kong pagsagot nito sa tawag. “Hello, Miss Rivera?” boses ng isang babae ang narinig ko sa kabilang linya at para siyang call center agent. “Yes, ako nga. May kailangan ba kayo?” Hindi ko na kailangan pang mag sinungaling dahil kilala niya na rin naman ako at baka goodnews nitong tawag sa akin at sayang naman. “This is Jenny, the personal manager of Cole Griffin. The agency agreed that they would give you a day with Cole Griffin today. We will send the full details to your email account. See you!” Nanlaki ang mga mata ko at natulala sa aking narinig. Na off na ang tawag pero ang cellphone ay nasa may tainga ko pa rin. Totoo ba iyong narinig ko o nananaginip pa ako? Napakurap ako sa aking mga mata at binuksan ko ang aking email account sa aking cellphone. Napatakip ang aking bibig nang makita kong may email nga galing sa agency ni Cole. Oh my Gosh! Mag da-date kami ni Cole ngayon! “Kyah!” Hindi ko mapigilan na mapatili sa kilig. Worth it ang paglalasing ko kagabi! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD