DARKNESS - 8 - WARNING CONTENT!

1975 Words
THIRD PERSON Gaya ng inaasahan, nakakulong sa isang madilim na silid ang mag-inang nag-alaga at nag-aruga kay Sheena mula noon hanggang ngayon, dahil pinagbibintangan sila na sila mismo ang nagpatakas kay Sheena. "W-wala t-talaga kaming a-alam, m-madam! aaahhh!" malakas na sigaw ng matandang si Esmerald habang sinasaktan ng mga Karlos. Punit-punit ang suot nito at halatang hinang-hina na dahil ilang araw na rin silang nakakulong magmula nung tumakas si Sheena. Walang tulog, walang kain at walang inom ng tubig dahil oras-oras silang pinapahirapan at pinagmamalupitan. "Nasan si Sheena?!" Gigil na tanong ni Mr.Karlos sa matanda. Umiiyak na umiling ang matanda. "W-wala t-talaga a-akong a-alam.." nanghihinang sambit ni Esme. "Nanay!" Umiiyak na sigaw ni Tina, wala siyang magawa kung hindi ang umiyak at magpumiglas sa tali. Kitang-kita niya ang mahinang katawan ng kan'yang ina. "Sinungaling! Alam ko kayo may dahilan kung bakit siya nakatakas! Ito ang bagay sa'yong matanda ka!" Galit na sambit ni Mr. Karlos at sinaktan muli siya. "Darling enough. Hindi yan magsasalita unahin natin ang anak niya," sambit ni Sheila Karlos ang ina ni Shanna at demonyo itong humalakhak. "H-h'wag.. A-ako n-na l-lang.. 'w-wag a-ang a-anak k-ko.." pagmamakaaw nung matandang si Esme. Tumawa lang ang tatlo at lumipat sila kay Tina na umiiyak habang nagpupumiglas. "You, b***h! Alam kong alam mo kung nasa'n ang malanding Sheena na 'yon!" Gigil na sambit ni Shanna kay Tina at sinampal n'ya ito ng malakas. "Wala akong alam! Kung nakatakas man si Sheena, kagagawan niyo 'yon! Mga demonyo kayo! Mga walang puso!" Sigaw ni Tina sa kanila na nagpainit lalo sa ulo nung tatlo kaya sinaktan din nila si Tina na parang balewala lang sa kanya dahil ang gusto lang niya makaalis sa impyernong lugar na 'to. "Shut up, b***h!" sigaw ni Shanna sa mukha ni Tina na dinuruan lang siya. "Ikaw ang b***h dito! Hindi si Sheena! Walang hiya ka! Pakawalan niyo kami rito! Tulong! Tulungan niyo kami!" Nagsisigaw si Tina habang gigil na gigil naman si Shanna na sabunutan s'ya. "Shut up! Shut the f*ck up!" Gigil niyang hinampas si Tina sa likuran nito. "Yan ang bagay sayo!" Tumatawang sambit ni Shanna habang pinaghahampas niya si Tina. Napapikit lang si Tina at pinilit na hindi sumigaw. "Baliw ka.." mahinang sambit n'ya, "Baliw ka na!" Dagdag pa niya. "Hindi ka bagay kay Sir Giovanni! You're a w***e!" Dagdag pa niya na mas lalong nanggigil si Shamna kaya mas lalo niyang pinaghahampas si Tina. "Sinabi kong tumahimik ka!" Tinawanan lang siya ni Tina na parang hindi iniinda ang hapdi ng likod niya. "Isa kang baliw! Kayo ng pamilya mo! MGA BALIW! Mas mabuti ng makatakas si Sheena para makulong kayo, MGA HALIMAW!" sigaw ni Tina, kasabay ng paghampas muli sa likuran niya. "What did you say, b***h?" Walang emosyong tanong ni Mrs.Karlos at lumapit sa kinaroroonan ni Tina at hinawakan niya ito sa panga. "Hindi kami makukulong. Naiintindihan mo? Pwede naming palabasin sa lahat na isa kayong magnanakaw! Walang maniniwala kay Sheena. Wala! Kaya manahimik ka!" Gigil na sambit ni Mrs.Karlos at pabato niyang binitawan ang panga ni Tina. "Ayaw nilang magsalita. Patayin na lang sila! Mga walang silbi!" Galit na sambit ni Mr.Karlos na nagpakaba sa mag-ina. 'Hindi maaari! Kailangan kami ni Sheena!' Usal ni Tina sa isip niya. Mga demonyo sila! Mga baliw! 'Ganito ang dinanas ni Sheena sa mga kamay nila' usal muli ni Tina sa isip niya. Hindi niya lubos maisip na mararanasan din nilang mag-ina ang lahat ng dinanas ni Sheena. Ito ang kinakatakutan ni Sheena ng tangkain nilang itakas si sheena pero wala silang alam na magagawa ni Sheena ang tumakbo palabas ng mansion. Masaya na rin siya dahil hindi na muling mararanasan ng kaibigan niya ang impyerno. 'Kung nasan ka man Sheena, mag-iingat ka hahanapin ka nila' sa isip ni Tina. Taimtim siyang nagdasal na sana mawakasan na ang kabaliwan ng pamilyang Karlos. - T I NA Hinang-hina na'ko habang nakalupaypay kami ni nanay sa sahig. Iniwan nila kami na parang hayop. Ginawa nila kaming hayop! Ang sama nila! Ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ni Sheena sa t'wing pinaparusahan siya ng pamilya niya dahil ngayon dinadanas na rin namin ang kalupitan nila. "T-Tina.." Napalingon ako kay nanay na nakatulala lang sa dulo habang lumuluha kaya mas lalo akong napaiyak sa kalagayan niya. Matanda na si nanay at alam kong pati siya nanghihina na rin pero wala kaming magawa dahil nakakulong kami rito. Kinulong nila kami na parang aso! Ilang araw na kaming nandito hindi ko alam kung naka isang linggo na ba kami o higit pa dahil wala na kaming kaalam-alam kung anong nangyayari sa labas. "S-sana n-nakalayo n-na s-si Sheena.. Jusko.. S-sana h-hindi niya magawang magpakamatay.." Tulalang sambit ni nanay kaya napayuko ako. Tama siya sa karanasan ni Sheena baka nga maisip niya 'yon, pero sana naman hindi. Sana nakalayo nga siya o hindi kaya sana may tumulong sa kan'ya. "Kapag nawala na ako, ikaw na bahala kay Sheena. Lumayo kayo rito at mabuhay ng mapayapa," umiiyak na sambit ni nanay na nagpailing sa'kin. "Nay! Hindi ka mamamatay! Makakatakas tayo rito. Makakatakas tayo!" Pursigidong sambit ko sa kan'ya pero nginitian lang niya ako. "Hanggang kailan, anak? Hindi natin alam kung ano pang gagawin nila sa'tin. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang makaranas ng paghihirap kaysa ikaw, mas okay na ako ang mahirapan kaysa ikaw anak. Alam mong masakit para sa isang ina na makitang nahihirapan ang kan'yang anak," Napahagulgol na kaming dalawa ni nanay. Hindi! Hindi siya mamamatay, kailangan kami ni Sheena. Kapag nakatakas kami rito lalayo kaming tatlo at mabubuhay ng mapayapa. Hindi niya kami maaaring iwanan. Paano si tatay sa probinsya na naghihintay sa pag-uwi namin? "Nay, naghihintay sa'tin si tatay kaya hindi ka maaaring mawala." umiiling na sambit ko sa kanya pero ngumiti lang siya. "Pakisabi sa tatay mo mahal na mahal ko siya, baka hindi na'ko makakaabot sa birthday niya. Alam kong hindi ako bubuhayin ng mag-asawa kaya mangako ka sa'kin na kapag nakatakas ka, hahanapin mo si Sheena at lumayo na rito," Umiling-iling lang ako sa sinabi niya Ayoko! Hindi ko kayang wala si nanay! "Nanay, please? Hindi matutuwa si Sheena kapag sumuko ka.." Pahina na pahinang sambit ko sa kanya at humagulgol na lang. Paano na kami ni tatay at ni Sheena? Kapag nawala siya? Hindi ko kakayanin! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nagising na lang ako na makarinig ako ng hagulgol kaya papungas-pungas pa akong lumingon sa kinaroroonan ni nanay Gano'n na lang ang gulat ko na nakapatong sa kan'ya si Mr.Karlos. F*ck. "Nanay! Itigil mo 'yan!" Sigaw ko pero tila walang naririnig si Mr.Karlos at patuloy lang siya sa pagsasamantala kay nanay. "Uhm! You're so good!" Walang hiya siya! "No! Itigil mo 'yan! Nanay!" Umiiyak na sigaw ko at nakatulala lang na nakatingin sa'kin si nanay at lumuluha habang pinagsasamantalahan siya ni Mr.Karlos. "Itigil mo 'yan! Maawa ka kay nanay, Mr.Karlos!" Pagmamakaawa ko sa kan'ya at panibagong luha nanaman ang lumabas sa mga mata ko. Napayuko ako at napapikit puro hiyaw ni Mr.Karlos lang ang naririnig ko. "Masarap ka pa rin," rinig kong sambit ni Mr.Karlos at nakarinig ako ng yabag na papalapit sa pwesto ko kaya napaangat ako ng tingin at nanlalaki ang mga mata ko ng tumambad sakin ang wala sa wisyong si Mr.Karlos. "Ikaw naman! So, young," wala sa sariling sambit niya habang pinapalandas niya ang mga kamay niya sa katawan ko at napaiwas naman ako sa kan'ya. "I-itigil mo 'yan!" Nanginginig na sambit ko sa kanya pero ngumisi lang siya at lumapit s'ya sa'kin. Napatikom ang bibig ko at nilingon ko si nanay na nakatulala lang sa kisame habang lumuluha. "B*tch!" Nandidiri ako sa kanya! Kadiri siya! Halos mangilabot ako sa kanya! Napaka demonyo niya! "Gagawin mo ang gusto ko kung ayaw mong patayin ko ang nanay mo!" Sigaw niya sakin at hinablot niya ang buhok ko at pinatingala sa kanya. "Hayop ka! Ang baboy mo! Walang hiya ka!" Pagpupumiglas ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako at pinunit ang suot kong damit na todo iwas naman ako sa kanya. Ang iniingat-ingatan ko ay wala na. - Nakatulala lang ako sa sahig habang yakap ang sarili ko. Kinuha niya ang pinakainiingat-ingatan ko! Nandidiri na'ko sa sarili ko! Alam ko na kung ano ang nadarama ni Sheena nung pagsamantalahan siya, at yun ang nararamdaman ko ngayon! Mga baboy! "Walang hiya ka! Pagbabayaran niyo 'to!" Gigil na sambit ko sa kanya at masama ang tingin ko sa lalaking amo namin na nagbibihis sa harapan ko. Nginisihan lang niya ako "Next time ulit, dear," napaiwas ako nung haplusin niya ang mukha ko at dinuruan ko siya. "Nakakasuka ka! Mas baboy ka pa sa baboy!" Galit na sambit ko sa kan'ya pero hindi niya ako pinansin at lumabas na siya ng silid. Nang mawala na siya, do'n na lang bumuhos ang mga luha ko at habang nakahiga ako sa sahig. Ang dumi ko na! Wala ng tatanggap sa'kin dahil isa na'kong maduming babae! Ang ilang taong iningatan ko ay wala na! Pagbabayarin ko siya! Magbabayad sila! "Patawad anak, wala akong nagawa," rinig kong sambit ni nanay, umiling ako sa kanya. "Hindi mo yun kasalanan, nay! Kasalanan niya 'yon! Kasalanan nila yon! Mga adik sila! Pagbabayarin ko sila!" Galit na galit na sambit ko sa kan'ya. Hindi ko hahayaan na hindi sila magbabayad sa lahat ng ginawa nila! Lalo na kay Sheena KINABUKASAN, nagising ulit ako sa naririnig kong sigaw at impit na hagulgol kaya napalingon ako at nanlalaki ang mga mata ko ng makitang sinasaktan ni Mrs.Karlos si nanay. "Walang hiya kang malandi ka! Nilandi mo ang asawa ko! Walang hiya ka!" Gigil na sambit ni Mrs.Karlos habang sinasaktan si nanay sa pader na nakatulala na lang. "Tumigil ka! Walang kasalanan si nanay! Asawa mo ang may kasalanan dahil baliw siya! Pinagsamantalahan niya ang nanay ko!" Sigaw ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa'kin kaya nilapitan niya ako at sinampal. "Isa ka pa! Inakit mo rin ang asawa ko! Malandi kayo ng nanay mo!" pinagsasampal niya ako pero hindi ko ininda. "Pinagsamantalahan niya rin ako! Alam mo ba yun, huh?! Pinagsamantalahan niya ako katulad ng ginawa niyo kay Sheena! Napaka walang hiya niyo! Magbabayad kayo!" Galit na sigaw ko sa kanya pero sinampal lang niya ako at napansin ko si Shanna na tumatawa lang sa tabi habang naninigarilyo. "Tumigil ka!" Sigaw niya at tinadyakan niya ako kaya napadaing na lang ako sa sakit. Sumigaw lang ng sumigaw si Sheila na parang nababaliw at nakita kong bumunot siya ng baril at tinutok ito kay nanay na nanlalaki ang mga mata ko. "H'wag! Itigil mo yan! Wag mong gagawin 'yan!" natatakot na sigaw ko pero huli na dahil kinalabit na niya ang gatilyo at saktong tumama ito sa dibdib ni nanay at gulantang akong napatingin sa kaniya na unti-unting bumagsak sa sahig. "Hindi! Nanay! H'wag kang pipikit! Nay! Hindi!" umiiyak na sigaw ko sa kanya pero nginitian lang niya ako at unti-unti ng pumikit. "Hindiiiii!!" Nanay.. "M-mom napatay mo siya," gulantang sambit ni Shanna sa nanay niya. "HAHAHA! mabuti 'yon! Malandi kasi siya! Wahahaha!" Parang nababaliw na sambit niya. Ngumisi lang si Shanna at nilingon ako. "Tumahimik ka kung ayaw mong sumunod sa nanay mo! Hahaha" Kumuyom ang kamao ko at tinignan ko sila ng masama. "Pagbabayaran niyo 'to!" Sigaw ko sa kanila at pagapang akong lumapit kay nanay. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "Nanay!" Umiiyak na sigaw ko habang yakap ko siya. Wala na, wala na ang nanay ko. Sheena, wala na si Nanay Esme mo. Wala na ang nanay natin, pinatay siya sa harap ko mismo. "Nay, pangako hahanapin ko si Sheena." bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo at muling niyakap. "Madam, nand'yan po ang mga Ezrael," balita ng isa sa mga tauhan nila. "A-ano? F*ck!" Nagmamadali naman silang lumabas ng silid kaya malaya kong niyakap si nanay habang humahagulgol. Nanay, pinapangako ko sayo pagbabayarin namin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD