Ilang minuto lang dumating na ang family doctor namin.
Si Mr.Raymond Deguzman.
Nung nabubuhay pa si lolo, siya na ang doctor namin at siya ang pinaka magaling na doctor pang international siya kaya hindi siya mabitawan ni dad.
Meron siyang anak na kasing edad ni Kuya Timothy.
Si Kuya Rayzon Deguzman.
"Tito," bati ni kuya Rayzon kay dad na kasama pala siya.
Yeah, isa rin siyang doctor.
"Dis oras ng gabi. Bakit nagpatawag ka? Kailangan ba ulit mapatignan si Vannessa?" Mahinahong tanong ni Tito Raymond.
"No."
Napalingon kami kay kuya Vanni na blanko ang mukha habang nakatayo sa itaas ng hagdan.
"Yes, Raymond, may gusto kaming ipatingin sa'yo,"
"Sorry, kung matagal kami, ang daming pulis na nagiikot," napapailing na sambit ni Tito Raymond.
Nagkatinginan naman kaming lahat mukhang pinahahanap nga si Sheena.
Umakyat na kaming lahat patungo sa kwarto ni Kuya Vanni ng makarinig kami ng kalabog.
Shit!
Nanggagaling 'yon sa kwarto ni Kuya Vanni kaya natataranta kaming pumunta at binalibag ni Kuya Vanni ang pintuan-
Holyshit!
Nanlalaki pa ang mga mata ko habang nakatuptop ako sa daliri ko.
Si Sheena, na sinasaktan ang sarili.
"You're useless, Sheena! Madumi ka na! Madumi ka nang babae! Wala ng tatanggap sa'yo! Wala na! Wala na!" Umiiyak na sigaw niya habang napaupo sa sahig at sinasabunutan ang sarili.
Nagdudugo na rin ang ilang mga sugat niya na sariwa pa.
"Ahhhh! Tama na! Hindi na po ako lalabag! Parang awa niyo na! Patayin niyo na lang ako! Aaahhhh!" Sigaw niya habang nakatakip sa dalawang tenga niya.
Napatakip ako sa bibig at napaiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ko kaya siyang makitang ganito.
"Oh my gosh!" umiiyak na bulong ni mom habang nakayakap kay dad.
I can't blame her, napagdaanan din niya 'to.
"F*ck!" Sigaw ni Kuya Vanni kaya napalingon ulit ako at halos magulantang ako sa sunod niyang ginawa.
Sinugatan niya ang mukha niya.
"Aaahhh! Tama na!! Aaaahhh!" Sigaw ulit niya kaya napatakbo na si kuya Vanni sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ssshhh, stop it. No one will hurt you," pagpapahinahon sa kanya ni kuya Vanni pero nagpupumiglas siya sa yakap ni Kuya Vanni at tumakbo sa sulok habang yakap ang sarili niya.
"No, please? H'wag niyo po akong gagalawin! Sirang-sira na po ako! Madumi na po ako! Parang awa niyo na, palayain niyo na'ko.." umiiyak na sambit niya habang nakayuko at yakap ang sarili niya.
"F*ck." bulong ni kuya Leon at kumuyom ang kamao.
I'm sure, may nangyari sa kan'ya kaya gan'yan ang reaction niya.
"Pinag-samantalahan siya,"
Nanghina ako sa narinig ko kung hindi lang ako nasalo ni Kuya Leon baka tuluyan na akong natumba sa narinig ko.
Oh gosh!
Kaya pala, ganun ang reaction niya.
"At ang mga Karlos ang may gawa," dagdag pa ni harry na nagpagulantang sa'ming lahat.
"A-ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Iho?" Unti-unting kumuyom ang kamao ni mom at nanlilisik ang mata na tumingin kay harry.
Oh no!
Ngayon ko lang nakitang ganito si mom.
"Ang mga karlos ang may gawa, may binayaran sila para galawin si Sheena," ulit niya kaya napaupo na si mom at napahagulgol ng iyak.
Mga halimaw!
Nagawa nila yun sa sariling anak?!
Paano nila naatim yon?!
"Nakakuha ako ng scandal na yun dahil inilagay ni Shanna Karlos sa isang site," dagdag pa niya.
Oh my god!
"What? I'm going to make them suffer." galit na galit na sigaw ni kuya vann at napasuntok sa pader.
Napasapo ako sa noo at napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Kuya Leon.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay Sheena.
Grabe na ang dinanas niya,
Mga walang hiya.
"Karlos?"
Natahimik kami ng biglang sumingit si Tito Raymond.
"You mean... Ms.Shanna Karlos has twins? Isn't she Gaze's fiance?" Nalilitong tanong niya at tumango si dad.
"How did that happen? The Karlos are well-known, but they only include one daughter, and they're friends with the Imperials." He looked at Harry blankly.
"How come she still has twins? Isn't she supposed to be an only child?"
I can't blame him.
Biktima rin sila ng panloloko ng mga Karlos.
"I'll explain everything, Raymond, but for now, please heal her," sambit ni dad sa kan'ya at kunot noong tumango si Tito Raymond sa kan'ya at pumasok na siya sa loob sumunod naman sa kanya si Kuya Rayzon.
Tahimik kaming pinapanood na lapitan ni Tito Raymond si Sheena na nakasiksik sa dulo at bubulong-bulong.
"How did they do that?" Napapailing na tanong ni Tito Raymond pero halatang may gigil.
Nilapitan niya si Sheena.
"Iha," tawag niya kay sheena na hindi manlang siya pinansin.
"A B C D! Ano ba kasunod no'n? Ah! E F G! Nanay esme! Hindi ko po alam ang kasunod!"
Napatakip ako sa bibig at naluluha akong nakatingin sa kanya.
Bumalik siya sa pagkabata.
"1 2 3 4" nagbibilang siya sa mga kamay niya at ngingiti bigla.
"Iha," tawag ulit ni Tito Raymond sa kan'ya at napalingon siya rito at biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Naku po! Nakita niyo po ang mukha ko?! Paparusahan po ulit nila ako! Kailangan ko na pong umalis!" Natatarantang sambit ni Sheena at nagtago siya sa ilalim ng kama ni Kuya Vanni at nakarinig kami ng iyak.
"Nanay esme, paparusahan nila ako! Nakita nung bisita ang mukha ko! Nanay esme!" Hagulgol na sambit niya.
Napayakap na ako kay kuya leon at unti-unti na'kong napaiyak.
"Rayzon, injection," utos ni Tito Raymond kay Kuya Rayzon na agad namang inabot kay tito.
"Iha, nandito na si Nanay Esme," sambit ulit ni tito kay Sheena na unti-unti namang lumabas sa ilalim ng kama.
"Nanay Esme?"
Bigla namang dumating si Manang Dalia na may dalang planggana na may tubig.
"Vannessa, saan 'to?" Tanong niya at nagulat kami ng yakapin ni Sheena si Manang Dalia.
"Nanay esme! Tago niyo po ako nandyan nanaman sila," bulong niya dito na nagulantang naman si manang.
Nalilito naman siyang tumingin samin kaya tinanguan siya ni mom.
Iniisip niya siguro si Nanay Esme niya si Manang Dalia.
Kinuha naman ni Kuya Leon ang dala n'ya.
"Iha, sinong sila?" Mahinahong tanong ni Manang Dalia.
Sumiksik siya kay manang dalia.
"Sila mom po sasaktan nanaman po nila ako. Itago niyo po ako! Ayoko na po nung ginagawa nila sa'kin, tignan niyo po.."
Nabigla kami nung naghubad si Sheena at natitira na lang ang underwear niya.
"s**t!" Akmang lalapitan ni Kuya Vanni si Sheena nung pigilan siya ni Tito Raymond at umiling dito.
"Jusko po anak!" Gulantang ni manang at nakita ko ang awa niya rito.
Miski kami nagulantang sa nakita.
Puro pasa ang buo niyang katawan at may iilang paso pa siya sa katawan.
Tao pa ba ang gumawa nito sa kan'ya?!
"Ayoko na po rito," umiiyak na sambit niya.
At mas lalong yumakap kay Manang d
Dalia.
"Hindi ka na nila malalapitan. Magpahinga ka na muna anak," pagpapakalma niya rito at tinignan si tito at tinanguan niya ito.
Lumapit naman si tito at tinurukan niya si Sheena kaya unti unting nawalan ng malay.
Nasalo naman siya ni Kuya Vanni at binuhat pahiga muli sa kama niya.
"As you can see, she was traumatized by what happened to her; it's better that you don't take your eyes off her, because she could do what she did earlier, and it's better that Dalia be by her side. Who's Esme?" Tanong niya bigla.
"Esmeralda Montano took care of her when she was little until now, and she has one child, Cristina Montano, who is Sheena's only friend," paliwanag ni Harry.
"And I'm sure they'll go through what Sheena went through, because they may be tortured right now because they're accused of fleeing Sheena," dagdag pa niya.
F*ck! Ano ba talaga ang gusto nila?!
May karapatang lumaya si sheena sa mga kamay nila.
Dahil kung hindi siya nakatakas baka hindi nanamin siya naabutan na buhay pa.
"Proceed to my plan. Papaikutin natin ang mga Karlos sa mga kamay natin. Tutal madali silang mauto dahil mukha silang pera. Tuloy ang engagement party namin ni Shanna and please.. Kapag nagpunta sila dito um-acting kayo na parang wala tayong alam hayaan natin sa mismong bibig nilang manggagaling ang lahat at ililigtas natin ang mag-ina sa mga kamay nila." kalmadong sambit ni Kuya Vanni sa'min kaya napangisi kaming lahat.
Muntikan pa akong maubo sa pagtatagalog niya.
It was now our turn.
You will be held responsible for your actions.
No one can escape the Ezraels; if you do, you will perish.
Nobody can ever mess with us.