DARKNESS - 9

2610 Words
LEONARDO "What the heck?! Leonardo! I don't want to go there!" reklamo ni Aphrodite. Napailing na lang ako sa kanya. She's still a brat. "Aphrodite, we need to make a plan; we need to save the mother and daughter so they can help us get Sheena back to herself," mahinahong sambit ko sa kan'ya. Yeah.. That girl.. Bumalik siya sa pagkabata, halos nga hindi kami kinakausap palagi pa siyang nakabuntot kay Manang Dalia. Ang akin namang mabutihin at gwapo kong kapatid masyado nang nag-aalala do'n sa babaeng nailigtas nila. Mukang umiibig na siya for the first time! "Hmph! I don't want to go back to Carlos! I don't!" Panay reklamo talaga 'tong si Aphrodite at ako ngayon ang kinukulit niya, tsk. "Stop it, little brat! You will not wander around! We're going to save someone's heller!" Inirapan ko pa siya katulad ng palagi niyang ginagawa. "Whatever, brother! Just drive!" Iritang sambit niya na nginisihan ko lang. Hay! Bat ba kasi may mga kapatid akong ganito?! Tsk. Una si Timothy, si tanda! Tsk. Mas gwapo na tuloy ako sa kan'ya, nag-asawa lang, aba! Nawili na sa honeymoon! Takte naunahan pa'ko, amp. Pangalawa syempre ang gwapong ako. Mawawala pa ba ako? No way! Okay, proceed tayo sa pangatlo Ang aking kapatid na ubod ng bait. Yeah, baka kasi marinig niya ang sinasabi ko sa isip ko aba mahirap na. Ayokong mabigwasan ang gwapo kong mukha. Maraming chics na iiyak hehehe. Siya ang pinaka mabait, pero siya rin ang pinaka halimaw kapag nagalit, pero sa ngayon kalma-kalma muna. Mas iniisip niya ngayon si Sheena babes. At ang pang huli ang bunso naming ubod ng spoiled! Unica iha kasi kaya gan'yan, lahat ng bagay kailangan nasusunod. Aba ni hindi nga ako ginagalang ng batang 'yon. Makotongan nga minsan, hehe. See the difference guys, ako lang ang pinaka matino at pinaka gwapo. Tsk.Tsk. hirap maging gwapo, hehe. "Brother, we've arrived!" "Yes! Get out of the car first!" Iritang sambit ko sa kanya. Hindi ba niya alam na marami pa akong sasabihin?! Tsk. This.. Little brat! "Gosh! Brother, it's so creepy!" nakangiwing sambit niya habang parang tuko kung makakapit sa'kin. Natatawang inakbayan ko naman. "That's how handsome I am," bulong ko sa kanya at tumawa ng makita ang epic niyang mukha. "Gosh! What's the connection? Brother Vanni is even more handsome than you!" Inirapan niya ako at sumunod na siya kayla Gaze papasok sa loob. Napakamot naman ako sa ulo at sumunod na rin sa kanila pero bago pa ako makahakbang ulit nakarinig ako ng kalabog. Napasilip pa ako sa loob ng sala pero hindi naman do'n nanggagaling ang ingay. Pinakinggan ko pang mabuti at palakas ng palakas ang ingay. Hindi! Isa yung hampas, parang hinahampas ng malakas ang pader. F*ck! Aphrodite's right! Masyadong creepy ang lugar na 'to. "Kuya Leon!" Napalingon ako kay Aphrodite na salubong ang mga kilay habang nakapameywang. "Ano?! D'yan ka na lang?!" Iritang tanong niya sa'kin. Nagpilit naman akong ngumiti at umiling sa kanya bago naglakad papasok sa loob pero napasulyap pa ako sa isang madilim na parte may mataas na pader akong nakita. Ngayon ko lang napansin, kung bakit hindi pantay ang bahay ng mga Karlos. Dahil sa bandang dulo ng bahay, may mataas na pader parang pa-slide ang korte niya. Ano pabang tinatago ng mga Karlos? Bukod kay Sheena? That family! Paano nila naatim na ganunin nila ang sarili nilang anak? Pigil na pigil lang kami ng buong pamilya ko na hindi gumawa ng gulo dahil hinding hindi nila maiintindihan kapag Ezrael na mismo ang nanggugulo. Kung demonyo kami, ano pa sila? Tsk. Kasi kung sa bunso namin gagawin ang ginawa kay Sheena, baka pinaglalamayan na ngayon yung taong 'yon pero magka-iba si Sheena pati si Aphrodite. Si Sheena mayaman at buo ang pamilya pero hindi siya masaya. Si Aphrodite naman mayaman at buo ang pamilya pero masaya siya at kuntento na sa buhay. Yun ang pinagkaiba nilang dalawa. Nung mapanood ko yung scandal na nilagay ni Shanna sa isang site halos madurog ko ang phone ko sa pagtitimpi ng galit. Si Sheena na inosente.. Ginanun nila? Like, what the f*ck? Walang magulang ang gagawa no'n sa sariling anak. "Oh, my gosh! Babe! You're here! I miss you!" Salubong ni Shanna kay Gaze na blanko ang mukha. Umirap naman si Aphrodite sa kaniya at umupo na lang siya sa tabi ko. "Hello, Leon!" Bati sakin ni Shanna na tinanguan ko lang siya. Ano, close ba kami?! Tsk. Parehas nga sila ng kaibigan niya mukhang pera at desperada, tsk. "Take a seat mga balae," nakangiting sambit ni Mr.Karlos. Samantala si Mrs.Karlos uneasy siya dahil para siyang galing sa marathon sa ayos niya. Hinihingal at pawis na pawis. Pasimple kaming nagkatinginan ng pamilya ko at iisa lang nasa isip namin. May nangyari bago pa kami makarating dito. Hmm.. Mukhang interesting 'to. "Balae kailan ang kasal? Wala pabang exact date?" Nakangiting tanong ni Mr.Karlos kay dad na napalunok naman bago nagpilit na tumawa sa harap ni Mr.Karlos na parang kinakabahan. I know you too well dad. Hindi ka kabado kundi nagpipigil ng galit. "I'll move their wedding first, Sheño; is that okay with you?" Hindi naman halatang sarcastic si dad? Hehe. Sa kanya talaga kami nag-mana pwera kay Gaze dahil kay lolo yan nag-mana, lalo na sa ugali tsk. Sorry lo, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Mahal kita lo! Hehe.. "What, tito daddy?!" Gulat na tanong ni Shanna. Yuck. Tito daddy?! b***h, please?! Haha! "Pfft. Feel na feel ah," natatawang bulong ni Aphrodite sa'kin. Sinaway naman siya ni Gaze mukhang narinig niya, haha. Napaubo na lang ako para pigilan ko ang pagtawa ko. Tito daddy? ISANG WHAT.THE.FVCK! Haha! "Wait, what are we hearing? Do you have a personal assistant who stole money from you?" Natahimik sandali dahil sa tanong ni mom sa kanila. Mas lalo silang hindi mapakali Gotcha! "Yes, tita mommy! That b***h! Ninakaw niya ang iba naming pera tapos tumakas! But don't worry po pinaghahanap na po namin siya!" Nakangiting sagot ni Shanna. Nawala naman ang ngisi naming lahat at napalitan ng galit. Don't lie, Shanna. We know that girl, and she's with us now. "Paanong nagnakaw?" Tanong ni mom ng makabawi sa galit. "Hay nako mare, ewan ko ba sinuswelduhan naman namin ng maayos pero nag-nakaw parin. Balak pa nga niyang magpabili sa isa naming kasosyo sa negosyo para lang umangat sa buhay tsk.tsk." sambit naman ni Mrs.Karlos. Napasinghap kaming lahat at nakita ko kung paanong unti-unting kumuyom ang mga kamao ni Gaze at binaba niya ito para walang makakita. "F*ck them!" Gigil na sambit rin ni Aphrodite dito sa tabi ko. Nobody ever lies to us. Carlos, Tsk.Tsk, tsk. Natapos ang Lunch namin, at nagpatuloy sa kwentuhan sila dad habang si Gaze inoobserbahan ang buong bahay. So, kailangan na pala naming umpisahan ang plano namin dito. This is so interesting. "Ahm.. Shanna, pwede mo ba akong i-gala sa buong bahay? Syempre dadalasan nanamin ang dalaw dito at magiging sister-in-law na kita, kaya kailangan kabisado namin ang buong bahay niyo, right?" Nakangiting sambit ni Aphrodite kay Shanna. Pustahan nasusuka na yan sa pagbanggit ng sister-in-law, haha. "Oh! Sure, sissy! Tara itotour kita!" Nakangiting sambit naman ni Shanna at ngiting tagumpay naman ang kapatid ko. Ako naman nagtingin tingin ng mga picture sa sala at napansin ko ang malaking portrait ng buo nilang pamilya without Sheena. Ngumisi ako at inilabas ko ang isang maliit na cctv at idinikit ko sa bandang gilid ng malaking frame. Kalmado akong naglakad ulit hanggang sa may nakasalubong akong katulong. Kanina pa rin kami nakakahalata na wala ang mag-ina dahil dapat sila ang umaasikaso sa'min. "Ah.. Hello, miss!" Bati ko sa mas batang edad na nadaanan ko. Napatigil naman siya at nakayuko lang. "May iilang lang akong itatanong sayo," akamang hahawakan ko siya ng mapadaing siya. Kumunot naman ang noo ko sa kan'ya. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. "O-okay lang ho, Sir. Sige po mauuna na po ako," nagmamadaling sambit niya at mabilis na umalis sa harapan ko. Hindi ko na nahabol at talagang nagmamadali siyang umalis. Tsk. Sayang.. Ano naman kayang nangyari do'n? Napasulyap ako sa mga magulang namin at napansin ko si Mrs.Karlos na masama ang tingin sa babaeng kausap ko. Mukhang hindi ko na kailangan pang itanong malamang may ginawa ang witch na 'yon do'n sa babae kaya ganun na lang ang reaction no'n. Ibang klase.. Siguro lahat ng katulong nila dito ay sinasaktan nila kapag lumalabag sa rules nila tsk. Nagpatuloy na lang din ako mag-obserba sa buong bahay at hindi ko namalayan napunta nako sa ibaba. Wait.. ibaba? Underground? Nagpalinga linga ako sa paligid at sakto wala masyadong tao rito napatingin ako sa paligid at napa 'woah' pa ako dahil may tatlong pintuan dito pero halos magkakahiwalay. May pinto sa pinaka dulo ng hallway, may pinto rin sa bandang gitna at may pinto rin sa may unahan. Nagkibit balikat naman ako at binuksan ko ang unang pinto, akala ko basement pero hindi.. Isa siyang kwarto. May dalawang higaan, yung isa medyo malaki ang kama, yung isa naman single bed at may mga gamit din dito. Tuluyan na akong pumasok at tumingin sa mga gamit hanggang sa may mahagip akong isang litrato na naka-frame. Kinuha ko ito at laking gulat ko na si Sheena ang isa sa mga larawan, at may kasama siyang dalawa sa litrato, siguro ito yung tinutukoy ni Harry na si Nanay Esme at yung Tina. So.. Kwarto nilang tatlo 'to? Where have those two gone? Mukhang wala sila rito sa kwarto. Kailangan ko silang mahanap. Akmang lalabas na'ko ng may malaglag na papel na nakatupi kaya kinuha ko ito, bago isinilid sa bulsa. Napabuntong hininga naman ako at lumabas na ng kwarto nila at nagpatuloy ako sa ikalawang silid. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng may mahagip ako isang butas sa pinto na pwede mong silipan kaya sumilip ako at laking gulat ko rin na.. Hindi yun isang kwarto, Damn it! Kaya ba sila yumayaman dahil dito? Nabigla naman ako ng makarinig ulit ako ng kalabog. Napaatras ako sa ikalawang pintuan at nilingon ko ang ikatlong pintuan. Isang katok ang narinig ko at mahihinang sigaw. Shit! Hindi kaya.. Tinakbo ko ang ikatlong pintuan at mahina akong kumatok, sinubukan ko lang kung may sasagot at laking tuwa ko may sumagot ng isang katok din. "T-tulong.." rinig kong sambit sa may likod ng pintuan na 'to. Shit! May tao rito! Agad kong pinihit at hindi ako nagkamali nakabukas at hindi ito naka-lock. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan at umalingasaw agad ang isang masangsang na amoy. Napatakip ako sa ilong ko at luminga ako sa paligid at may nakita akong dalawang bulto ng tao. Nagmadali naman akong naglakad palapit sa kanila pero napahinto rin ako ng mapagtanto ko kung anong room ang napasukan ko. F*ck. This is a torture room! Maraming mga gamit ang ginagamit din namin! s**t! "T-tulong!" Napalingon ako sa isang babae na umiiyak habang may yakap siya. Agad ko naman tinungo ang pwesto nila. "Holyshiz!" Gulat na sambit ko ng makita ko isang bangkay ang yakap niya at isang pamilyar.. "Nanay Esme.." Napalingon sa'kin ang babae ng mabanggit ko si nanay esme! Siya nga yung bangkay, F*ck! Nahuli kami ng dating. "P-paano mo nakilala ang nanay ko?" Lumingon ako sa babae at napaiwas ako ng makitang hubo't-hubad siya. Huminga ako ng malalim at hinubad ko ang jacket na suot ko at inabot ko sa kanya. Nanginginig naman niyang inabot ang jacket ko at isinuot niya sa katawan niya kaya nakahinga nako ng maluwag. "Tulungan mo ako, please? Itakas mo kami ni nanay dito. Papatayin nila ako.." Umiiyak na sambit niya. Umigting naman ang panga ko sa sinabi niya. Sh*t lang talaga! Sarap pagbabarilin sa ulo ng mga Karlos! Kung hindi lang may plano kami, Baka ako na mismo tatapos sa mga 'yon. Sobra na ginagawa nila. Hindi na makatao. Oo, marami na rin kaming napatay pero hindi ang katulad nilang wala namang mga kasalanan. They are so innocent! "Itatakas kita, may alam ka pa bang exit dito? Maliban sa entrance?" Mahinang tanong ko sa kan'ya. Tumango naman siya sa'kin. "Oo, napansin ko lang 'yan nung isang gabi," Napabuntong hininga naman ako. "Sige, susundan kita at bubuhatin ko si Nanay Esme," tumango ulit siya sa'kin at maluha luha nanaman siyang nakagtingin kay Nanay Esme. "N-nay.." Napatalikod ako at napasapo ako sa noo. Tinawagan ko na si Gaze. "Did you find them?" Napairap naman ako dahil 'yan agad ang bungad niya, amp! "Yep, I found them; let's meet outside and lend me your coat—" What the f**k is this? I'm not finished yet! What a brilliant sibling you are! Napaharap na'ko ulit kay Tina, right? Aish! Bahala na si superman Gaze! "Makaalis ka na rin dito at mabibigyan natin ng maayos na libing si Nanay Esme, okay?" Pagpapakalma ko sa kan'ya. Tumango lang siya sakin. Bumuntong hininga ako at nilapitan ko si Nanay Esme. Malungkot kong pinikit ang mga mata niya. Paano na 'to? Lalo na't hindi pa bumabalik sa katinuan si Sheena. Masyado na siyang nasasaktan tapos malalaman pa niyang namatay na si Nanay Esme niya, hindi ko alam kung ano pang pwede niyang gawin sa sarili niya. Nakarinig kami ng ilang mga yabag kaya agad kong sinarado ang pintuan at ni lock ito, napansin ko rin na natataranta na rin si Tina. F*ck naman oh! Nagmamadali kong dinikit ang maliit na cctv with recorder sa may poste at agad kong binalikan ang mag-ina at dali dali kong binuhat si Nanay Esme at hinila si Tina sa may dulo ng silid. May sinipa siyang plywood at parang may pintuan doon, binuksan niya at bumungad samin ang isang hagdan. Nauna akong bumaba at sumunod naman siya atsaka niya hinila ulit ang plywood para matakpan ito at sinarado niya ang pintuan pagkatapos ay ini lock niya na ito. "T-tara na malalaman na nilang wala na kami sa taas," bulong niya at hinila na niya ako. Medyo mahaba-haba ang nilakaran namin bago kami nakalabas, natanaw ko na rin yung kotse ko sa hindi kalayuan dito. "Ayun yung kotse ko, kunin mo yung susi sa bulsa ko," sambit ko sa kanya. Tumango naman siya at kinapa ang susi ko sa bulsa. Shit! Kapatid walang kalaban! Stayput ka na muna d'yan! Fvck! "Hala, sorry! Nakuha ko na!" Mahinang sambit niya at iwinagayway niya ang susi sa harap ko kaya tinanguan ko lang siya at pilit na naglakad ako. Kapatid calm down! H'wag ngayon! Nang makarating kami sa kotse ko binuksan niya ang backseat at inihiga ko na do'n si Nanay Esme at sumakay na rin si Tina, maluha luha siyang nagpasalamat sa'kin. "Nanay nakalaya na'ko! Mahahanap ko na si Sheena! Maipapalibing na rin kita!" Maluha-luhang kausap niya kay Nanay Esme. Napaiwas naman ako ng tingin at sinarado ko na ang pintuan sa backseat. Mabuti na lang tinted 'tong dala ko ngayon. "Leon, Anong nangyari? Nahanap muna daw yung mag-ina?" Nagaalalang tanong ni mom sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. "Yes, pero sa kasawiang-palad patay na si Nanay Esme ng madatnan ko," pagkasambit ko non napasinghap naman sila mom. Si Gaze naman ayun mas lalo atang nagalit. "Yes, wala na siyang buhay ng pumasok ako sa silid. Si Tina naman she's okay pero marami rin siyang pasa sa katawan at.." Napapikit ako at napahagod sa buhok ko. "May dugo sa maselang parte ng bahagi ng kan'yang katawan.." Oo, napansin ko yun, una palang at alam ko na kung anong nangyari malamang pinagsamantalahan din siya. Damn it. "Ipapalibing natin si Nanay Esme at tutulungan natin si Tina," sambit ko sa kanila at sumakay nako sa kotse ko. Mas lalo niyong ginagalit ang mga Ezrael. Matitikman niyo rin ang bangis ng mga Ezrael. F*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD