Episode 5

1167 Words
NANGINGINIG na napailing-iling si Anna habang nakatingala sa batang nakatayo lang sa harapan niya. Napakurap-kurap siya at sa huling kurap niya ay nawala ang nakikita niyang kulay dugong mga mata nito nang bigla itong humakbang papalapit sakaniya at napalunok siya. Halata naman na mas matangkad siya sa batang lalaki ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay parang nakaramdam siya ng takot. Ni hindi siya makatayo nang biglang dumukwang sa harapan niya ang bata. Hindi na niya makita ang mukha nito ngunit ramdam niyang malapit na malapit ito sakaniya. “You— *sniffs* you smell like my blood, but you’re not the one who hurt me. I can hear your heartbeat, it’s so weak.” Hindi niya natindihan ang sinabi nito. “S-Sandali lang, hindi ako masamang tao.” Mahinang usal niya nang sa isang iglap ay lumayo sakaniya ang bata. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong mapalinga-linga sa paligid. “Nasaan ako? Sino ka? Kailangan kong makaalis rito. Lagot ako sa mga kapatid ko,” Biglang naglakad ang batang lalaki sa paligid ng silid kaya naman kinuha na niya ang pagkakataong iyon para makatayo mula sa pagkakaupo sa sahig. “Sandali lang, ‘yung sugat mo. Hindi na ba dumudugo? Wala ka na rin naman magagawa, imposibleng makatakas ka sa lugar na ito. Hindi mo ba alam na dinukot ka?” Kausap niya rito nang maaninag niyang lumapit ang batang lalaki sa may gawing pintuan. “Dinukot ako? Ibig bang sabihin nito nasa lugar ako ng mga taong bumaril sa’kin?” Nagulat siya at muling mapasinghap nang biglang sa isang iglap ay nasa harapan niyang muli ang batang lalaki. Anong nangyayari? Namamalikmata ba ako? Ang bilis niyang gumalaw. May pag-aalinlangang napatango siya, “P-Parang gano’n na nga.” Sagot niya rito. Hindi umimik ang bata pero ramdam niyang nakatingin ito sakaniya. “You’re not one of us. It means, I’m in a place where humans are. Naasan ako? Anong lugar ito? Kailangan ko nang umalis.” Napahinga siya ng malalim, “Alam ko ang nararamdaman mo. Kahit magsisigaw ka rito ay walang makikinig sa’yo. Maaaring natatakot ka pero wala akong magagawa para pagaanin ang loob mo. Iyang sugat mo nalang ang alalahanin mo, namumutla at nanlalamig na ang temperatura ng katawan mo. Nasa malayong lugar tayo panigurado.” “Kaya kong tumakas rito— “Huwag. Hindi mo kaya. Bata ka palang kaya imposibleng makatakas ka rito kahit anong gawin mo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Milagro nalang ang magliligtas sa’yo. Nakakandado ang pintuan at sa labas ay maraming nagbabantay puro mga armado. Wala kang laban at pahihirapan ka lang nila. Ilang taon na ako rito sa silid na ito, katulad mo ay dinukot rin ako. Wala akong nagawa, hindi ako makatakas. Kapag nahuli ka nila, pahihirapan ka lang nila. Kaya makinig ka sa’kin, huwag mo nang tangkain at isa pa ay sugatan ka rin, marami nang dugo ang nawala sa’yo.” Mahabang sambit niya. Kailangan niyang maging kalmado dahil bata pa lamang ito. Maaaring natatranta na ito at pinangungunahan ng takot pero nakakapagtaka lang na hindi ito umiiyak. “Dinukot ka at ikinulong rito ng ilang taon?” Kapagkuwa’y dinig niyang ulit nito sa sinabi. Tumango siya kahit alam niyang hindi nakikita ng bata. “Kung kaya lang kitang tulungan ay ginawa ko na. May mga magulang ka ba? Kamag-anak na maaaring naghahanap sa’yo— “Ikaw— ikaw ba ang nagtali rito sa sugat ko?” Biglang salansan nito sa pagsasalita niya. “O-Oo— “Tinulungan mo ako?” Muling ani nito. “Hindi ko masasabing tulong na ‘yon dahil wala naman akong magagawa sa sitwasyon mo ngayon— “Gusto mo bang makatakas?” Napatigil si Anna at tila napatulala nang kumabog ang puso niya dahil sa narinig. Bata lang naman ang kausap niya at maaaring naiisip nitong tumakas ng gano’n-gano’n nalang pero bakit sa sinabi nito ay ganoon siya kaapektado? Imposibleng umasa siya dahil lang sa sinabi ng batang ito. Tumakas? Hindi niya alam. Hindi, imposible! Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi siya nakaimik. “Kaya kong tumakas rito. Dahil tinulungan mo ako, tutulungan kitang tumakas rito— “Hindi naman ‘yon ganoon kadali. Masyadong imposible ang sinasabi mo. Bata kalang, kumpara sa mga taong nasa labas at puro mga armado. Matangkad pa ako sa’yo pero wala naman akong magawa laban sakanila. Alam kong natatakot ka lang— “Seryoso ako. Tatakas ako. Hindi ako takot mamatay rito, mas takot ako sa galit ng mga kapatid ko. Hinahanap na nila ako panigurado.” Natahimik si Anna. Bakit ganito? Bakit nadadala siya sa pagsasalita ng batang lalaki? Bata lang ito at wala itong magagawa katulad niya, maaaring desperado lang ito ngayon kaya’t nasasabi niya ang ganitong bagay. Ganito rin siya dati. Huwag mong sabihin namamag-asa ka pang makatakas sa lugar na ito Anna. Ani niya sakaniyang isipan. Bahagyang umiling at napasulyap sa bintanang nasisinagan ng maliwanag na buwan. “Naiintindihan ko ang desperasyon mo.” Malungkot na saad niya at napababa ng tingin. “Maniwala ka sa’kin. Kahit na takot ako sa b***l ay pwede tayong makatakas rito ng hindi nila napapansin.” Napailing-iling siya nang biglang sumagi sa isipan niya ang nakita kanina na alam niyang guni-guni niya lang. Iyong kulay dugong pares ng mga mata nitong batang lalaki. “Imposible ‘yang sinasabi mo. Ano bang pangalan mo?” “Ayaw mong maniwala sa’kin kasi tao ka. Ang pangalan ko ay Nixon, ikaw? Anong pangalan mo?” Sagot nito na pawang hindi ito tao katulad niya kung magsalita. “Nixon...” Mahinang bulong niya. Pansin niyang may itsura iton batang lalaki at maging ang pangalan ito ay magandan sa pandinig, napangiti siya, “Ang pangalan ko ay Anna,” “Anna.” Ulit naman nito sa pangalan niya kaya napatango siya. “Kailangan ko nang umalis at nasa sa’yo kung sasama ka o hindi. Ang hina ng t***k ng puso mo at ang bagal na rin ng daloy ng dugo mo sa katawan.” Nangunot ang noo niya, “A-Anong sinasabi mo—“ “Wala. Ayaw mo ba talagang sumama?” Hindi siya nakaimik. Bakit parang seryoso talaga ito? Pero kahit gano’n ay hindi pa rin siya naniniwala rito. Umiling siya at napahinga ng malalim. “Hindi ka naman rin makakatakas,” Mahinang bulong niya. “Sige ikaw ang bahala kung susunod ka o hindi. Aalis na ako— *metal clicking* Kapwa napalingon silang dalawa ni Nixon sa pintuan nang biglang mag-ingay ang kandado ito. Muli siyang napatingin sa gawi nito ng may pag-aalala. “Shh. Huwag kang maingay! May tao.” Senyas niya rito. “Aalis na ako— “Pumunta ka sa sulok o kaya ay magpanggap ka ulit ng walang malay!” Mahinang sambit niya rito. “Pero— *door opens* Nahigit ni Anna ang hininga nang biglang pumasok ang isang bulto ng tao sa loob ng silid. Naaninag niya ang mukha nito anng dumaan ito sa may sinag ng buwan kaya’t kaagad siyang natigilan. “M-Marjorie,” Sambit niya sa pangalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD