Dali-dali akong bumaba ng jeep at mahigpit kong hinahawakan ang limangpung piso na bigay sa akin ng driver ng jeep. Pumunta ako sa tindahan upang makabali ng kahit kalahating kilo ng bigas. Mabuti na lang at agad akong pinagbilhan ng matandang tindera.
“Maxelyn, may ulam ka na ba? Teka lang at bibigyan kita ng ulam mo ngayon gabi. Birthday kasi ng anak ko kanina. Saka kanina pa kita hinihintay na dumaan para bigyan ng kaunting handa ng aking anak.” Dali-dali namang umalis sa aking harapan ang matanda para kuhanin ang pagkain na ibibigay nito sa akin.
Mabait naman ito, minsan ay inaabutan talaga ako ng pagkain. Ngunit nakakahiya rin naman kung palagi akong bibigyan nito. Mayamaya pa’y nakita ko ang matanda na nagmamadaling lumapit sa akin. Agad nitong inabot ang dalawang tupperware box na naglalaman ng pagkain.
Agad kong kinuha at labis-labis akong nagpapasalamat sa matanda.
“Sige na, ineng. Umuwi ka na sa bahay mo at nang makakain ka na. May kanin at ulam na rin ‘yan. Kahit bukas mo na lang lutuin ang bigas na binili mo sa akin ngayon---” Ngumiti pa ang matanda sa akin. Ngunit nababanaag ko sa mga mata nito ang awa sa akin.
“Marami pong salamat,” anas ko rito. Nagmamadali akong naglakad para makauwi na lalo at gutom na gutom na talaga ako. Kahit papaano ay may mga tao pa rin na handang tumulong sa akin. Parang gusto ko na namang maiyak.
Pagpasok sa loob ng bahay ay agad kong binuksan ang gasera upang kahit papano at may kaunting liwanag dito sa malungkot kong bahay. Agad kong binuksan ang dalawang tupperware box. Nakita ko ang dalawang pirasong prito ng manok. Mainit pa nga ito. May kanin din. Parang gusto kong maiyak dahil may ulam na ako hanggang bukas.
Napatingin naman ako sa isang tupperware box. Ang laman nito ay pansit ar at sa gilid at lumpia at cake. Dahil sa katuwaan ay talagang tuluyan na akong napaiyak. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng pansit, manok, lumpia at cake. Ngunit ang pritong manok itinago ko muna upang may ulam ako sa bukas. Tiniyak kong hindi na ito makukuha ng magnanakaw na ‘yun! Nagtabi rin ako ng lumpia at iinitin mo lang bukas. Sampung pirasong lumpia ang binigay sa akin ng matanda kaya sobra akont nagpapasalamat dito.
Parang naluluha ako habang kumain ng pansit. Ito ang aking ulam at dalawang apat na pirasong lumpia lang ang aking kinain. Dahil sa tindi ng gutom na aking nararamdaman ay talagang halos maubos ko ang pansit. Nag-thank you naman ako sa Diyos dahil muli na naman akong nakakain ng hapon.
Matapos kong iligpit ang aking mga pinagkainan ay agad akong nahiga sa lumang banig. Malungkot akong napatingin sa sa dingding ng bahay ko. Ilang taon pa lang ako ngunit puro pahirap na agad ang aking nararamdaman. Wala ring katiyakan kung sa mga susunod na araw may magbigay pa sa akin ng limos baka wala dahil nagsawa na sila sa aking pagmumukha.
Dahan-dahan ko na lang ipinikit ang aking mga mata. Ang kapalaran ng aking buhay sa ipagpasa-Diyos ko na lamang at bahala na siya sa akin. Dahil sa pagod ng aking katawan ay agad akong nakatulog.
Ngunit nagising ako dahil sa init at hindi ko alam kung saan galing. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit mabilis akong napabangon nang makita kong nag-apoy ang bahay ko. Napatingin ako sa gasera at doon ko napagtanto na natumba pala ito. Baka nasipa ko ito kanina habang natutulog ako. Mabilis akong bumangon. Dali-dali kong kinuha ang lumang bag ko at doon ko inilagay ang ibang gamit ko.
Lumapit din ako sa pinagtataguan ko ng pritong manok at lumpia. Agad ko itong kinuha. Balak ko pa sanang kunahin ang bigas na binili ko kagabi. Ngunit nilalamon na ito ng apoy. Kinuha ko rin ang isang kumot ko. Pagkatapos at dali-dali akong sumampa sa bintana at agad tumalon.
Naiiyak ako habang tinitingnan ang bahay namin na nilalamon ng apoy. Ang tagal din naming tumira riyan. Ngunit sa isang iglap lang ay biglang naging abo ang bahay namin na dating masaya. Naramdaman kong may luhang umaagos sa aking mga mata. Para akong tinakwil ng panahon.
Subalit bigla akong napatingin sa kalangitan nang maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan. Dali-dali tuloy akong tumakbo papunta sa waiting shed upang hindi mabasa ang ulan. Napansin kong madilim pa ang pagilid. Hindi ko naman alam kung ano’ng oras na. Wala pa kasing mga tao ang dumadaan upang mapagtanungan ko ng oras.
Agad akong naupo rito sa waiting shed. Tumingin ako sa bahay namin na ngayon ay unti-unti nang tinutupok ng apoy. Ngunit dahil malakas ang ulan ay unti-unti na ring sinusugpo ang apoy. Kaya lang medyo na huli ang ulan kaya halos mag-abo ang bahay namin. Naisip ko rin kung saan na ako matutulog ngayon dahil wala na akong bahay na matutulugan.
Dati ang problema ko lang ay ang kakainin ko. Ngunit ngayon pati ang aking tutulungan ko ay problema ko na rin kung saan ako hihiga. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hanggang sa magdesisyon na akong nahiga dito sa upuan sa waiting shed. Dito na lang muna ako matutulog.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Mayamaya lang ay tuloy-tuloy na akong nilamon ng antok.
“Arayy!” malakas na sigaw ko dahil tumama ang aking puwet sa matigas ng semento.
“Tama lang sa ‘yo ‘yan! Hindi naman tulugan ito waiting shed! Umalis ka nga rito ang baho-baho mo!” Napatingin ako sa babaeng galit na galit. Walang iba kundi si Mrs. Chua. Bigla tuloy akong natakot at baka saktan na naman ako. Ngunit hindi pa ako halos nakakatayo nang hawakan ako sa aking buhok at basta na lang hila paalis dito sa waiting shed.
“Mrs. Chua, tama na ‘yan!” Agad akong hinala ni Gloria mula sa pagkakahawak ni Mrs. Chua sa akin buhok.
“Alcohol nga---!” pasigaw na sabi nito sa kasama nitong alalay.
“Bagay kayong magsama dahil parihas kayong basura!” Bigla naman naming natakpan ni Gloria ang aming mukha dahil binuhas din kami ng alcohol ni Mrs. Chua.
Hanggang sa lumampas ito sa amin ni Gloria. Nasundan ko ito ng tingin at nakita kong papunta sa lupain ng tatay ko. Dali-dali tuloy akong lumapit dito. Iba kasi ang kutob ko sa kinikilos ng babae.
“Ano pong ginagawa ninyo rito? Lupa po ito ng akin Itay!” anas ko sa babae.
“So what? Simula ngayon ay lupa ko na ito. Huwag kang mag-alala, dahil bibigyan naman kita ng pera!” Agad nitong binuksan ang bag niyang dala-dala. Pagkatapos ay kumuha ng pera roon. Hanggang sa inabot sa aking ng isang libong piso.
Diring-diri pa ito na hinawakan ang aking kamay at inilagay roon ang isang libong piso.
“Mrs. Isang libo na lang po ba ang lupa ngayon?” tanong ko sa babae.
“Oo, mura lang ang bentahan ng lupa ngayon. Mabuti nga't nagbayad pa ko sa ‘yo ng isang libong piso--- Sige na umalis na dahil na iinis ako sa pagmumukha mo!” pasinghal na pagtataboy sa akin ng babae.
Napatingin na lamang ako sa isang libong piso na aking hawak-hawak na pinagbentahan ng lupa ng tatay ko.