Kahit Kaunting Limos Lang Po

1316 Words
Panay ang tulo ng aking luha habang nakatingin kay Mrs. Chua. Galit na galit ito sa akin at kulang na lang ay ihampas ako sa pader. Hinawakan ko rin ang aking bibig at doon ko naramdaman na may dumikit ng lupa at maliliit na buhangin. Awang-awa ako sa aking sarili. Siguro kong nabubuhay pa si Itay ay hindi ganito ang mangyayari sa akin na hindi ako sasaktan ng mga tao. Agad kong pinahid ang luha sa aking nga mata, pati yata sipon ko’y nagkalat na rin. Ngunit wala akong pakialam dahil gusto kong umiyak. Ngunit muli na naman itong lumapit sa akin at agad akong itinulak dahil kaya bumagsak ako sa lupa. Ramdam ko ang sakit ng pang-upo ko. Ngunit sa edad kong ito ay wala akong laban kay Mrs. Chua. “Umalis ka na rito sa harap ng gate ko palaboy na babae. Dahil nasusuka ako sa pagmumukha mo!” Naramdaman kong sinipa rin ako ng babae sa aking binti. Kaya napadaing ako sa sobrang sakit lalo at matigas ang suot nitong pangsapin sa paa nito. Lalo namang nag-unahan ang aking luha. Balak ko na sanang tumayo mula sa pagkakaupo ko nang muling bumukas malaking gate. Dali-daling lumapit sa akin si Mrs. Chua, nakita ko rin ang dala-dala nitong timba. Ngunit halos manginig sa lamig ang buong katawan ko nang ibuhos nito sa akin ang laman ng timba na punong-puno ng yelo. Naramdaman ko rin ang pagbagsak ng yelo sa aking ulo. “Yan, nararapat iyan sa ‘yo babaeng patay gutom! Sinisira mo ang araw ko!” At muli na naman akong sinipa, sapol na sapol ako sa beywang ko, halos mamilipit ako sa sobrang sakit. “HUWAG ka nang bumalik dito at baka hindi lang iyan ang abutin mo sa akin!” pagbabanta ni Mrs. Chua. Nagmamadali rin itong umalis sa aking harapan. Sinusundan ko na lang ng tingin ang likod ni Mrs. Chua. Pinilit kong tumayo para makaalis na ako rito. Baka kasi bigla itong bumalik at kung ano na naman ang gawin sa akin. Naghalukipkip din ako dahil ramdam ko ang lamig. Lalo at damang-dama ko pa rin ang malamig na tubig na binuhos sa akin. Para akong basang sisiw ng mga oras na ito. Naramdaman ko rin ang tinginan ng mga tao sa akin, kaya halos magpakatungo-tungo ako dahil sa hiya na aking nadarama. “Maxelyn, ano’ng nangyayari sa ‘yo? Bakit ganiyan ang itsura mo?” Nag-angat ako ng ulo upang tingnan ang babaeng biglang sumulpot sa aking harapan. Nakita ko si Gloria ang babaeng kasama ko sa tuwing manghihingi ako ng limos sa mga tao. “Binuhusan ako ng tubig na malamig ni Mrs. Chua. Gusto ko lang namang tumikim ng lumpia! Pero nagalit na siya sa akin!” umiiyak na sumbong ko kay Gloria. “Maxelyn, ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag kang lalapit o hahawak sa gate ni Mrs. Chua. Ang kulit ko rin. Alam mo naman na ayaw na ayaw noon na may humahawak sa gate nila. Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo!” sermon sa akin ni Gloria. “Nagbabakasakali lang naman ako at baka bigyan ako ng lumpia. Lalo at may handaan sa kanila.” Hindi ito nagsalita ngunit naramdaman kong umakbay ito sa akin. Kahit paano ay nagkaroon ako ng kakampi sa pamamagitan ni Gloria. “Mas mabuti pa ay umuwi ka na Maxelyn upang makapagpalit ka ng damit mo baka magkasakit ka pa.” “Sige,” maikling sagot ko sa aking kaibigan. Agad na akong tumalikod dito. Malalaki ang hakbang ko para makauwi. Pagdating sa tapat ng bahay ay bigla akong napahinto dahil nakita kong bukas ang bahay ko. Dali-dali tuloy akong pumasok sa loob. Gusto kong manlumo nang makita kong nawawala ang bigas, sardinas at ang noodles na binili ko. Pati ang kaldero na may lamang kanin ay wala nang laman. Diyos ko! Sinong nagkanaw ng mga pagkain ko? Dahan-dahan tuloy akong napaluhod at muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata. Kinapa ko ang aking bulsa upang tiyakin kong nandito pa ang pera ko. Ngunit para akong binagsakan ng langit ang lupa nang makapa ko na butas pala ang aking bulsa. Kaya ang sukli sa limang daang piso na binigay sa akin ng lalaking ‘yun ay nahulog. Isang marahas na paghinga ang aking ginawa. Hindi puwedeng basta na lang akong iiyak. Kailangan kong kumilos para muling mamalimos sa kalye. Nagmamadali akong pumunta sa likod bahay na kung saan na roon ang maliit na banyo. May poso naman dito kaya hindi ako hirap sa tubig. Nang makaligo ay nagmamadali na akong naglagay ng damit. Kung alam ko lang na mawawala ang mga pagkain ko ay hindi na sana ako umalis. Wala tuloy akong makakain mamayang gabi. Muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata dahil sa sobrang sama ng aking loob. Hanggang sa tuluyan na akong lumabas ng bahay. Nagtataka rin ako kung bakit nabuksan ang pinto samantalang ay ini-lock ko ‘yun kanina bago ako umalis? Hay! Bahala na nga! At kung sino man ang nagkanaw ng mga pagkain ko ay huwag sanang magsakit ang tiyan niya dahil galing sa kanaw ang kinakain niya. Nang matiyak kong naka-lock na ang pinto ng bahay ko ay tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa pwesto ko kung saan ako nagpapalimos. Tumingin ako sa latang hawak-hawak ko. Hindi na ito mawala sa aking katawan. Simula nang mamatay si Itay ay dumating naman sa buhay ko ang lata na ito. Minsan nga ay humihiling pa ako rito sa loob ng lata na sana ay maraming magbigay sa akin ng limos. Alam kong hindi naman ako papakinggan ng lata. Ngunit naniniwala ako sa isang himala. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa aking pwesto dito sa may gilid ng kalsada. Maraming dumadaan ng mga tao ngayon. Sana lang ay maawa sila sa akin. Hanggang sa matanaw ko ang isang babae. Dali-dali akong lumapit dito. “Ate, kahit pambili lang po ng pagkain?” Sabay lahad ng latang hawak-hawak ko. Ngunit bigla nitong kinuha ang lata kong hawak-hawak at basta na lang ibinato sa malayo. Halos matumbad din ako nang basta na lang niya akong binangga. Iiling-iling na humakbang ako para kuhanin ang lata na ibinato ng babae. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Lahat nang makita kong mga tao ay lumapit ako at nagbabakasaling mabigyan ako ng kahit kaunting limos. Ngunit walang naawa sa akin. Itinutulak pa nga nila ako dahill nandidiri sila sa aking itsura. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. May nakita akong pamilya na masayang naglalakad at bakas na bakas sa mukha nila ang ligaya habang kausap ang dalawang anak nila. Hindi na ako nahiyang lumapit sa kanila. “Kahi piso lang po, bambili ng candy,” anas ko. Ngunit nilampasan lamang nila ako. Laylay ang balikat ko nang bumalik ako sa aking pwesto. Swertehan na lang talaga kung may magbigay sa akin. Puwede na kahit candy lang mabili ko pantawid gutom. Sumapit ang alas otso ng gabi ngunit nandito pa rin ako sa kalye. Muli ko na namang naramdaman ang gutom. Ngunit paano ako makakakain dahil wala naman lang nagbigay ng limos sa akin kahit piso. Hanggang sa may dumaang jeep. Dali-dali akong sumakay rito. Agad akong yumuko upang punasan ang mga sapatos ng mga pasahero. “Kahit kaunting limos lang po,” anas ko sa isang babae matapos kong punasan ang suot nitong sapatos. Ngunit hindi ako pinansin. Kaya nagulat na lamang ako nang bigla akong sipain ng isa pang babae nang punasan ko ang suot nitong sapatos. “Dinudumihan mo lang ang satapos ko!” sigaw nito sa akin habang nanlilisik ang mga mata nito. “Lumabas ka na Ineng. Heto, oh! Kuhanin mo!” Napatingin ako sa driver ng jeep. Nakita kong inabotan ako nito ng halagang limangpung piso. Dali-dali kong kinuha ang perang inabot nito sa akin. Halos maiyak ako habang magpapasalamat sa driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD