Manok At Lumpia

1462 Words
Wala pa sana akong balak na umalis sa lupa ng itay ko ngunit pinagtutulakan na ako ng babae. Nagtataka rin ako papaano napunta kay Mrs.Chua ang lupa ng tatay ko. Agad ko na lang itinago ang isang libo lalo at kailangan ko ito. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ngunit pinilit kong hindi maiyak. Naisip ko tuloy kung swerte ba ako o baka talagang malas lang ako sa buhay. “Maxelyn!” Napalingon kay Gloria nang lumapit sa akin. Napansin ko agad ang dala-dala nitong bag. Bigla tuloy kumunot ang aking noo. “Aalis ka ba, Gloria?” Malungkot itong tumingin sa akin. Mahigpit din nitong hinawakan ang aking kamay. Tumingin ako sa mga mata nito at kitang-kita ko ang lungkot doon. Parang bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya sa akin. “Maxelyn, patawad, ngunit kailangan ko nang umalis para umuwi sa bahay namin may sakit ang aking Ina. Sana balang araw ay magkita ulit tayo…” Bigla aking niyakap nito nang mahigpit. Naramdaman akong umiiyak din ang babae. Hanggang sa kumalas ito sa akin. Naramdaman kong may inilagay ito sa aking kamay. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Nasundan ko na lang ng tingin ang aking kaibigan. Nag-iisa na lamang ako rito sa kalye. Bumalik na si Gloria sa tunay na nitong pamilya. Simula nang maging pulubi ako ay ito ang palagi kong kasama. Ngunit sinabi naman nito sa akin na naglayas lang daw ito sa kanila. Pero hindi ko alam kung bakit siya naglayas. Ayaw naman nitong sabihin sa akin. Napatingin naman ako sa binigay nito. At nakita ko ang wallet nito na palaging dala-dala niya. Hanggang sa buksan ko. Ngunit biglang lumaki ang aking mga mata dahil may lamang pera ang wallet. Gusto ko tuloy maiyak. Kaya naman dali-dali ko itong itinago dahil kailangan ko ito. Muli akong tumingin sa dinaanan ni Gloria. Kahit umalis na ito ay naalala pa rin ako ng aking kaibigan at iniwanan pa rin ako ng pera. Gusto ko tuloy maiyak. Hanggang sa humakbang ako papalapit sa isang malaking bato. Malungkot akong naupo. Ngunit biglang kumalan ang aking tiyan tanda na ako’y nagugutom na. Bigla kong naalala ang manok na sa aking bag. Dali-dali ko itong kinuha. Agad kong binuksan ang tupperware box. Lalo akong ginutom nang naamoy ko ang bango ng pritong manok. “Uy! Pritong manok, akin na lang ito!” Nagulat ako nang biglang nawala sa kamay ko ang hawak-hawak kong tupperware box na may lamang manok. Mabilis akong tumayo para kuhanin ang aking manok lalo at gutom na gutom na ako. “Akin na 'yan!” Sabay kuha ng tupperware box sa babaeng pulibi rin. Ito ang matapang dito sa kalye. “Gago ka!” At muling kinuha sa mga kamay ko ang tupperware box. Subalit nagulat ako nang bigla akong itulak nito kaya bumangga ang likod ko sa puno. Nagmamadali pa itong lumapit sa akin at buong lakas akong pinagsasampal sa mukha. Pero hindi ako nagpatalo rito. Kahit na sabihin na mas malaki ito sa akin. Inangat ko ang aking kamay para sampalin din ito. Buong lakas ko rin itong itinulak papalayo sa akin. Kitang-kita ko ang pagbagsak nito sa lupa. Dahilan kaya nahulog sa lupa ang manok at ang lumpiang itinago ko kagabi. Ngunit napatingin ako sa tatlong kasamahan nito na nagmamadaling lumapit sa akin. Agad akong hinawakan ng isang matabang babae at pinagtulungan nila. Sampal, sabunot at suntok sa aking tiyan ang natamo ko sa mga babaeng pulubi rin sa kalye. Wala man lang umawat sa aming mga tao. Parang tuwang-tuwa pa sila na nahihirapan ako. Ang pag-agos lamang ng luha ang aking naramdaman. Lalo at hindi ko talaga maigalaw ang aking katawan. Malaking babae kasi ang may hawak sa akin. “Hoy! Bitawan ninyo siya!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Agad naman nila akong binitawan at nagtatakbo sila papalayo sa akin. Tumingin ako sa tao na umawat. Nakita ko isang may edad na lalaki. “Ayos ka lang, Ineng?” tanong pa nito sa akin. Agad ko munang pinahid ang luha sa aking mga mata baga ko tumango rito at nagpasalamat. “Ador, dalhin mo siya rito sa kotse!” Agad akong napatingin sa boses ng isang babae. Hanggang sa mapatingin ako pinagmulan ng tinig at ito’y nanggaling sa isang mamahaling kotse. Bukas ang bintana kaya nakita ko agad ang mukha ng babae. Alam na alam talaga na isa itong mayamang tao. “Halika na, ineng. Gusto kang makausap ni Madam Mona,” anas ng lalaki sa akin. Kahit may pag-aalangan sa aking puso ay lumapit pa rin ako at pumasok sa loob ng kotse. Sumiksik ako sa gilid lalo at nahihiya ako dahil sobrang dumi ng aking katawan. “Ano’ng pangalan mo, hija?” tanong ng matanda sa akin. “Maxelyn Espinosa po, Ma’am,” nakayukong sabi ko rito. “Nasaan ang mga magulang mo? Bakit hinahayaan kang nasa kalye lamang?” “Patay na po ang Itay ko. Ang Inay ang mga kapatid ko ay hindi ko alam kung na saan. ‘Yung bahay naman po naman ay nasunog. Tapos ‘yung lupa ng itay ko ay kinuha ni Mrs. Chua, binigyan niya ako ng isang libo dahil mura lang daw po ang bentahan ng lupa ngayon!” Muli na namang umagos ang aking luha dahil sa kamalasan na aking natamo. “Gusto mong sumama sa akin?” Hindi ka agad ako nakapagsalita. Para kasing nag-aalala ako at baka kung saan ako dalhin nito. “Huwag kang mag-alala, hija. Wala akong gagawin sa ‘yo. Gusto lang kitang tulungan. Bigyang ng matutulyan at makakain.” Ngumiti pa ng matamis sa akin. “Madam Mona, heto na po.” Anas ng lalaking tumulong sa akin para pahintuin ang mga babaeng na nanakit sa akin kanina. Nakita ko ang laptop yata ‘yun at inabot nito sa babae. “Maxelyn Espinosa, labing limang taong gulang. Totoo ngang namatay ng itay mo sa isang hit in run. Ang Inay mo ay sumama sa ibang lalaki at kanina lang ay nasunog ang bahay ninyo at napunta na kay Mrs. Chua ang lupa sa hindi malamang dahilan---” Tumango-tango pa ang matanda. “May binabasa ba siya sa harap ng laptop nito?” tanong ko sa aking saliri at natataka tuloy ako nang tumingin sa babae. “Ador, let’s go,” anas ng babae. Hala, seryoso nga na tutulungan niya ako. Parang iiyak ako. Totoo ba ito? Hindi kaya panibagong kamalasan na naman ito? “Maxelyn, tawagin mo na lang akong lola Mona. At simula ngayon ay ako na ang magpapaaral sa ‘yo. Sa bahay ko ikaw titira. Huwag kang mahiya sa akin hija. Minsan lang akong tumulong kaya swerte mo,” anas nito. Maluha-luha naman akong nagpasalamat sa babae. Ngumiti lamang ito sa akin. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mala-palasyo nitong bahay. Agad kaming bumaba ng sasakyan. Parang naiilang ako na umapak sa bahay nitong sobrang ganda dahil ang dungis-dungis ng paa ko. May mga lumapit sa aming mga babae at pari-pariho ng kasuotan. “Bigyan siya ng maayos ng damit. Dalhin sa magiging kwarto niya---!” utos nito sa may edad na baba. Dali-dali namang lumapit sa akin ang babae at dinala ko sa isang kwarto. “Maligo ka na, Ineng. Dadalhin ko na lamang ang mga damit mo rito." Agad na umalis ang babae. Balak ko naman sanang magtanong dito kung ano’ng pangalan nito. Napahinga na lamang ako na pumasok sa loob ng magiging silid ko raw. Manghang-mangha ako sa kama. Alam kong sobrang lambot nito. Parang nahihiya tuloy akong humiga. Agad naman akong pumasok sa loob ng banyo at ang laki rin nito. Teka paano ako maliligo? Hanggang sa tumingin ako sa pinto ng banyo at pumasok ang babae. Nakahinga ako ng maluwag nang ituro sa akin ng matanda kung papaano gamitin ang shower. Agad naman akong nag-thank you rito bago ito lumabas ng banyo. Ngunit bigla kong natapik ang aking noo dahil hindi ko na naman na tanong ang pangalan nito. Sayang! Tuwang-tuwa ako habang nasa ilamin ng shower. Unang beses akong maligo rito. Grabe, iba talaga kapag mayaman. Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang tuwalya. Ibinlot ko ang buhad kong katawan. Tuloy-tuloy na akong lumabas dito sa banyo. “Senyorito, hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob ng kwarto niya. Baka po nagbibihis pa siya---” Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ng matandang nag-asikaso sa akin kanina. Hanggang sa napatingin ako sa pinto ng silid na ito dahil bumakas ‘yun at pumasok ang isang lalaki. “Senyorito---” Hindi na natapos ng matanda ang sasabihi dahil basta na lang isinara ng pinto. Tumingin ako sa mukha ng lalaki. Wala akong nababakas na katuwaan doon. “Get dressed! Dahil Ihahatid na kita sa pinanggalingan mo! I will never accept you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD