Para Naman May Silbi Ka

1664 Words
Tumingin ako sa bente pisos na hawak ko. Pagkatapos ay muli kong sinundan ng tingin ang aking Ina na ngayon ay akay-akay ng mayamang lalaki na ‘yon. Habang papasok sa kotse. Bigla akong nanlumo dahil sa sinabi ng Inay ko na ginawa nito sa tatlong kapatid ko. Diyos ko po! Saan ko sila hahanapin? Naluluha na umalis na lamang ako rito. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad at muling lumingon kay Inay. Malalaki ang hakbang ko para muling lapitan ito dahil gusto kong alamin kung saang lugar o anong pangalan ng bus ang pinag-iwanan nito sa aking mga kapatid. Subalit bigla akong napaluhod sa lupa nang makita kong tuluyan nang umalis ang kotse. Saan ko sila hahanapin? Labis akong nag-aalala sa aking mga kapatid, lalo sa bunso kong kapatid na pitong taong gulang lamang. Grade five at Grade six ang dalawang kapatid ko. Naisip ko rin kung kumakain pa ba sila? “Hoy, bata! Magpapakamatay ka ba, huh?!” Agad akong napalingon sa lalaking sumigaw sa akin. Nakita ko ang driver ng jeep. Ngayon ko lang din nakita na nasa gitna pala ako ng kalye. “Pasensya na po.” At dali-dali na akong umalis dito. Ngayon ay ayaw ko pang mamatay dahil kailangan pa ako ng mga kapatid ko. Kailangan ko silang makita. Hanggang sa buksan ko ang aking bag na dala-dala. Agad kong kinuha ang picture ng mga kapatid ko. Kailangan ko silang makita. Kaya naman dali-dali akong lumapit sa mga tao na ngayon ay naglalakad upang magtanong kung nakita nila ang talong bata sa picture. Ngunit ang palaging sinasabi ay wala silang nakita. Halos papadilim na ngunit wala pa ring makapagturo sa akin kung nasaan ang mga kapatid ko. Nanglulumo na naupo na lamang ako sa malaking bato. Tumingin ako sa aking katawan nakita kong natuyo na lang ang aking damit na suot. Pati ang buhok ko ay natuyo na rin. Hanggang sa bigla kong hawakang aking tiyan. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain. Simula kaninang umaga. Kaya naman dali-dali akong tumayo para bumili ng pagkain. May natanaw naman akong karenderya kaya agad akong lumapit dito. “Bawal ka rito, baka dahil sa ‘yo mawalan ako ng customer!” tataboy sa akin ng isang babae. “Bibili lang po ako ng pagkain,” magalang na sabi ko sa babae. Ngunit nakikita ko sa mga mata nito ang pandidiri sa akin dahil sobrang dumi ko. “Sige sabihin mo kung ano’ng bibilhin mo ngunit bawal kang kumain dito!” singhal ng babae sa akin. Isang order na kanin at gulay lang ang aking binili. Nang makuha ko ang pagkain na inorder ko ay agad din akong pinagtabuyan ng babae. Naghanap na lang ako ng lugar ng puwede kong makainin. Bumili rin ako ng tubig lalo at uhaw na uhaw na ako. May nakita akong bangketa kaya roon akong pumunta. Medyo madilim dito kaya hindi ako basta makikita. Dali-dali akong kumain at baka may makakita pa sa akin na mga batang kalye. Ilang saglit pa’y natapos na rin ako. Ang problema ko na lang ngayon ay kung saan ako matutulog. Siguro ay babalik ako sa plaza. Doon ako matutulog. May nakita ako roon na mga malalaking halaman. Agad akong umalis sa lugar na ito. Nagmamadali ang mga hakbang ko hanggang sa maraming ako sa plaza. Pumunta ako sa pakay kong malagong halaman. Puwede na ako rito. Ngunit naghanap din ako ng kahit lumang karton na puwede kong maisapin. Kaya naman naglakad-lakad muna ako. May nakita akong lumang sako na puwede namang gamitin kaya agad ko itong kinuha. May dala-dala naman akong kumot sa aking bag kaya hindi ako basta lalamigin. Ang aking bag ang ginawa kong unan. Hanggang sa mahiga na ako lalo at malalim na rin ang gabi. Sana lang ay hindi bumuhos ang ulan at tiyak na mababasa ako. Mayamaya lang ay tuluyan na akong nakatulog. Nang magising ako kinabukasan ay naririnig ko ang ingay ng mga sasakyan. Kaya naman dali-dali akong bumangon. Itinago ko rin ang sako upang magamit ko ulit mamayang gabi. Nagmamadali akong naglakad para pumunta sa lupain ng tatay ko. Puwede naman siguro akong makiligo roon. Alam kong hindi nasunog ang banyo. Sana lang ay nandoon pa. ILANG saglit pa’y natatanw ko na ang lupain ng tatay ko. Napangiti ako dahil nakatayo pa ang banyo at naroon pa rin ang poso. Sana ay hindi pumunta rito sa Mrs. Chua. Nagmamadali akong naligo. May sabon at shampoo pa naman dito sa loob ng banyo. Nang matapos akong maligo at magbihis ay nilabhan ko muna ang aking mga damit. Isinampay ko sa tagong lugar, mamayang hapon ko na lang kukuhanin kapag natuyo na. Sana lang ay hindi ito makita ni Mrs. Chua. Balak ko na sanang umalis nang makita ko si Mrs. Chua. Kitang-kita ko rin ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa akin. “Ano’ng ginagawa mo sa aking lupa? Hindi ka na rito puwedeng umapak? Teka, ginamit mo ba ang tubig ko?!” Sigaw nito sa akin. Gulat na gulat ako ng bigla akong sipain nang makalapit ito sa akin. Ramdam ko ang sakit ng aking pang-upo nang bumagsak ako sa lupa. “Gusto ko lang pong maligo, Mrs. Chua. Patawarin mo ako kung basta na lang akong pumunta rito---” Ngunit isang malakas na sampal ang aking natamo mula sa babae. “Sinabihan na kita na bawal ka nang pumunta rito sa aking lupa. At ginamit mo pa talaga ang tubig ko?!” Hinawakan din nito ang aking buhok at talagang pinaghihila, kaya ramdam ko ang sakit. Mahahaba rin ang kuko ni Mrs. Chua kaya alam kong nagkasugat-sugat ang ulo ko. “Maawa ka po, Mrs. Chua. Kaunting tubig lang po ang ginamit ko. Hindi ko naman po inubos ang tubig sa poso!” umiiyak na turan ko sa babae. “Sinabihan na kita kahapon na bawal ka nang pumunta sa lupang ito dahil akin na ito. Ngunit makulit ka? Sige tingnan natin. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay nangingialam sa mga pag-aari ko!” Nagulat ako nang may dalawang lalaki ang lumapit sa akin. Hanggang sa narinig kong pinag-uutos ni Mrs. Chua na ibuka ang aking bibig at patingalain ako. “Maawa ka po sa akin Mrs. Chua---” HINDI ko na natapos ang aking sasabihin nang tuluyan ibuka ang bibig ko nang mga tauhan ng babae. Kitang-kita ko rin ang isang timba. Hanggang sa ibuhos sa aking bibig ang tubig. Hindi ko alam kung lulunokin ko ba ang tubig lalo at umaawas ito sa aking bibig pati yata ilong ko ay nalagyan na rin. Kahit ano’ng papupumiglas ko ay hindi ako makawala mula sa pagkakahawak sa dalawang lalaki. Halos hindi ako makahinga dahil punong na ng tubig ang aking bibig. “Mrs. Chua! Itigil mo ‘yan!” Huminto sa ginagawa si Mrs. Chua. Naramdaman kong lumuwag din ang pagkakahawak sa akin ng mga tauhan nito. Kahit naghahabol ako nang hininga, tumingin ako sa lalaking nagsalita. Nakita ko ang isang pulis. Natatandaan ko siya. Ito ‘yung pulis na tumulong sa akin kahapon nang pagtulungan akong saktan ng mga batang kalye. “Sir, may kasalanan siya sa akin, dahil basta na lang siyang pumasok dito sa aking lupain---” “Mrs. Chua, lupain pa rin ito ng aking ama at hindi ako naniniwala na isang libo lang ang halaga ng lupa ngayon!” sigaw ko sa babae. Mabilis itong lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa akin. “Masyado kang sinungaling bata. Ang laki ng binigay ko sa ‘yo at pumayag ka na bilhin ko ang lupang ito? Ikaw pa nga ang nagbigay sa akin ng titulo ng lupa ng tatay mo? Baka gusto mong ipakita ko sa ‘yo ang kasunduan at kasulatan natin. May pirma ka rin! Sige ibabalik ko sa ‘yo ang lupa ng tatay mo pero ibalik mo rin sa akin ang dalawang daang libong piso!” At dinuro-duro pa ako ng babae. Gulat na gulat ako sa mga pinahayag ng babae. Paanong naging dalawang daang libong piso ang binayad nito? Samantalang isang libo lang ang ibinigay nito sa akin kahapon? Maluha-luhang tumingin ako sa pulis. Nakita kong umiling-iling ito sa akin. “Sir, kilala mo ako. Kayang-kaya kong sirain ng buhay mo. Mas mabuti pang ikulong mo na ang basurang ‘yan!” Pagbabanta ng babae sa pulis. Wala akong narinig nasalita mula sa pulis. Ngunit lumapit ito sa akin at agad akong inalalayan. Medyo natatakot din ako at baka ikulong nga niya ako. Nang tuluyan kaming makalayo kay Mrs. Chua ay saka ako binitawan ng pulis. “Huwag ka nang babalik sa lugar na ito. Hindi mo kilala si Mrs. Chua. Puwede ka niyang ipapatay. Heto kuhanin mo ito upang may pambili ka ng pagkain!” Agad din itong umalis sa aking harapan nang mailagay sa kamay ko ang limang daang piso. Mabilis ko ring pinahid ang luha sa aking nga mata. May mga tao pa rin na handang tumulong sa katulad ko. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang makita ko si Inay. Naglalakad ito habang may buhat-buhat na baby. Dali-dali akong lumakbo para lang makalapit dito. Mabilis ko itong hinarang. Nagsalubong ang kilay nito nang makita ako. “Kahit kailan bobo ka talaga Maxelyn. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na inalis ko na kayo sa buhay ko! Nagbagong buhay na ako kasama ang aking asawa at anak! Kaya puwede ba umalis ka sa aking daraanan!” Halos matumba ako nang banggain ako ng sarili kong Ina. “Gusto ko lang malaman kung saan papunta ang bus na sinasakyan ng mga kapatid ko!” “Talagang hahanapin mo nga sila? Sa aking pagkakatanda ay papuntang Sta. Almanya. Ngunit baka patay na rin sila. Sige hanapin mo ang mga bangkay nila para naman may silbi ka bilang kapatid nila.” Nagmamadali na itong umalis sa aking harapan. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Ngunit nangangako ako na hahanapin ko ang mga kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD