SALOT KAYO SA KO, Maxelyn!

1329 Words
Laylay ang mga balikat ko na humakbang para sana umalis na sa lugar na ito. Ngunit muli akong tumingin kay Inay na nagmamadaling naglalakad papalayo sa akin. Iwan ko ba, ngunit may nag-uutos sa akin na sundan ko ang aking Inay at ‘yun nga ang aking ginawa. Malalaki ang hakbang ko para sumunod sa Nanay ko. Gusto ko lang alamin kung saan ang bahay ng bagong asawa nito. Ingat na ingat ako habang naglalakad upang hindi ako marinig nito. At kapag lilingon siya sa akin ay mabilis akong nagtatago. Tapos kapag naglalakad ulit ito ay saka naman ulit ako susunod sa aking magaling na Ina. Hanggang sa muli akong nagtago sa likod ng malaking poste. Dahil biglang huminto ito sa gate na kulay green. May sumalubong din dito na mga tao na pari-parihas ang suot ng damit. Kitang-kita kong nagbigay galang sila sa aking Ina. Hanggang sa bumukas ang malaking gate. Dali-daling pumasok ang Ina ko sa loob ng gate. Nang alam kong nakapasok na silang lahat sa loob ng gate ay saka naman ako lumabas sa pinagtataguan ko at nagmamadaling lumapit sa malaking gate. Mataman kong tinitigan ang malaking gate. Kahit hindi ko pa nakikita bahay sa likod ng malaking gate na ‘yan ay alam kong maganda ang bahay o baka masiyon pa. Sobrang nakakasama ng loob si Inay. Ang mga kapatid ko na walang katiyakan kung kumakain pa ba sila o kung buhay pa ba? Samantalang ito nakahiga sa malambot na kama, kumakain ng masarap na pagkain at may aircon pa. Lahat nang gusto nito ay nabibili niya. Ngunit kaming mga anak niya nagdurusa at nagugutom dito sa lansangan. Hanggang sa naramdaman kong may luha sa aking mga mata at mabilis ko naman itong pinahid. Sobrang sakit nang ginawa ng Inay ko sa aming magkakapatid. Sobrang naaawa rin ako kay Itay dahil namatay ito na masama ang loob sa aking Ina. Kahit gusto kong pagbabatuhin ang malaking gate ay nagtimpi pa rin ako. Naalala ko pa rin ang palaging sinasabi sa amin ng tatay ko na huwag magtamin ng galit sa kapwa. At kung puwede ay umiwas sa gulo. Hindi raw kaduwagan ang pag-iwas. Pinapahiwatig lang daw nito na kung ano’ng puwedeng mangyari kung kami raw ay magpadalos-dalos sa mga maling desisyon sa buhay. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Ngunit bigla akong nangamba nang bumukas ang gate at iniluwa noon si Inay. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito habang nakakuyom ang mga kamao. Bigla naman akong napaurong dahil napansin kong malalaki ang hakbang nito papalapit sa akin. Ngunit halos tumalsik ang aking panga nang buong lakas niya akong sinampal. Itinulak din ako ng aking sariling Ina dahilan kaya bumagsak ako sa ibaba. Hanggang sa yumuko ito at mahigpit niyang hinawakan ang aking panga. “Kahit sariling anak kita. Kayang-kaya kitang ipapatay, Maxelyn. Hayop ka! Ilang beses na kitang sinabihan na lubayan mo ako. Ngunit panay pa rin ang sunod mo sa akin. Tingin mo ba ay maaambunan ka na kung ano’ng mayroon ako ngayon. Doon ka sa iyong Amang inutil. Dahil mula ng saktan niya ako sa maraming tao ay halos isumpa ko siya kasama kayo. Ngayon ako nagsisi kung bakit isinilang ko pa kayong magkakapatid, samantalang salot kayo sa buhay ko. Kung nakinig ako sa aking mga magulang noon hindi sana ako naghirap sa puder ng Ama mo! Ngayon din ay umalis ka sa aking harapan Maxelyn at baka mapatay pa kita!” At muli akong sinampal nito sa aking pisngi. “Ano’ng nangyayari rito, sweetheart?” Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Natandaan ko agad ang tono ng pananalita nito. At siya lang naman ang lalaking kalaguyo ng aking Ama. “Wala ito sweetheart, isang barusang pulubi lang na gustong umakyat sa gate upang pasukin ang ating tahanan. Sige sweetheart, hayaan mo na sa akin ang batang ito---” anas ng aking Ina sa bagong asawa nito. “Hayaan mo na lang siya sweethear. Saka bata ‘yan! Kaya siguro umakyat sa gate ay para manghingi ng pagkain.” Agad na lumapit sa akin ng lalaki. Nagulat pa nga ako nang inalalayan niya ako na tumayo. Hanggang sa kumuha ito ng pera sa wallet nito at agad na inabot sa akin. Lumaki ang aking mga mata nang makita ko ang limang libong piso ang inabot niya sa aking kamay. “Sige na umalis, hija. Bumili ka ng pagkain mo. Umuwi ka na rin sa inyo,” anas ng bagong asawa ni Inay. Hinawakan pa nga nito ang aking ulo at ngumiti ng matamis. “Sweetheart, huwag mo nga siyang hawak ang dumi-dumi kaya niya. Sige na pumasok ka na sa loob at kakausapin ko lang siya. Hihingi rin ako ng tawad sa kanya dahil sa pagbibintang ko.” Humawak pa si Inay sa kamay ng kalaguyo nito at agad na ipinasok sa loob ng gate. HANGGANG sa muli akong binalikan ni Inay. Kitang-kita ko ang gigil sa mukha nito. Mas nagulat ako ang kuhanin nito ang pera sa aking kamay at ang ipinalit ay halagang sampung piso. “Hindi ka nararapat na bigyan ng aking asawa ng ganito kalaking pera Maxelyn. Doon ka humingi sa Tatay mong walang silbi! Umalis ka sa aking harapan ngayon din at baka ipakulong pa kita!” Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. “Inay, wala ka man lang bang pagmamahal sa amin ng mga anak mo?!” “Wala dahil salot kayo sa buhay ko ay ganoon din ang ama mo. Umalis ka sa aking harapan Maxelyn at huwag na huwag ka nang babalik pa rito. Dahil kinalimutan ko nang may anak ako! Dahil simula ng isilang ko kayo at naging malas na ang aking buhay at hindi ko hahayaan na guluhin mo pa ang maayos kong buhay ngayon kasama ng aking pamilya!” Parang hinihiwa ang aking puso dahil sa masasakit na salita ni Inay. “Patay na si Itay! Kahit katiting na pagmamalasakit ay hindi mo man lang maibigay sa amin ng anak mo. Pagkatapos mong magpakasarap sa puder ni Itay tapos basta mo na lang kaming itatapon na parang basura. Wala kang kwenta Ina. Sana hindi ka na lang binigyan ng Diyos ng Anak---!” Ngunit muli naman akong bumagsak sa lupa nang magkakasunod akong sinampal ng Nanay ko. Umagos din ang masaganang luha sa aking mga mata. Kasabay ng pag-agos ng dugo sa aking labi. “Mabuti na lang patay na ang ‘yung Ama. Oh! Hindi na niya hahabulin ang lupang ibeninta ko. Siguro naman ay nakuha mo na ang isang libong iniwan ko kay Mrs. Chua. Mabuti pa nga naawa pa ako sa inyo at nag-iwan pa ako ng isang libo. . . Ito ang tandaan mo Maxelyn, huwag na huwag ka nang babalik dito. Dahil baka mapatay pa kita!” At buong lakas din akong sinipa nito sa aking paa bago umalis. Dali-dali naman akong umalis sa mula sa pagkakasalampak ko sa lupa. Punong-puno ng luha ang aking mga mata at halos hindi ko makita ang daan na aking tinatakbuhan. Ang tanging gusto ko lang ay makaalis sa lugar na ito. Galit na galit ako sa aking Ina ng mga oras na ito. Sinusumpa ko talaga siya. Ngunit bigla akong napahinto sa pagtakbo ko nang makita ko ang kotse na mabilis ang takbo. Ngayon ko lang nalaman na nandito na pala ako sa gitna ng kalye. Parang nanigas ang buong katawan ko at talagang hindi ako nakakilos. Nakita ko namang umiwas ang kotse upang hindi ako masagasaan. Ngunit nahagip pa rin ako ng gilid ng sasakyan. At talagang sumalsik ako at tuloy-tuloy na nagpagulong-gulong sa lupa. Manhid na nga ang aking puso ay sumabay pa ang aking katawan. Tumingin ako sa kalangitan. Ngunit nanlalabo na ang aking paningin. Ito na siguro ang aking katapusan. Ang sakit dahil hindi ko man lang nahanap ang aking mga kapatid bago ako tuluyang namatay. Naramdaman ko rin ang luha sa aking mga mata. “Bilisan ninyo! Tumawag kayo ng ambulance!” Huling narinig ko bago ako lagutan ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD