Gigil na gigil ako habang patuloy ko silang pinauulanan ng putok ng baril. Nakita ko rin si Waxwell. At nakikipagpalitan na rin ng putok ng baril sa mga kalaban. Nakatapis nga lang ito ng tuwalya. Hanggang sa mabilis akong gumulong papunta sa likod ng kama. Inayos ko ang pagkakabuhol ng kumot sa aking katawan. Hanggang sa mabilis akong tumayo sabay damot ng isang upuan at buong lakas kong hinampas ang batok ng isang lalaki, dahil balak niting saksakin si Waxwell. Mabuti nga at nakita ko agad. Lumingon pa nga sa akin ang lalaking hinampas ko ng upuan sa likuran niya. Hanggang sa mabilis na umangat ang aking kamao papunta sa nguso ng isa pang lalaki. Kitang-kita ko ang pagdugo ng ilong nito nang tumama ang kamao ko. Hanggang sa mahigpit kong hinawakan ang leeg nito. “Sinong nag-utos sa