MS. BuK????????

1823 Words

Subalit narinig kong pilit nilang binubuksan ang pinto ng bahay na inuupahan ko. Kaya naman mabilis akong bumangon at agad na tumalon papunta sa likuran ng pinto. Agad kong kinuha ang aking baseball bat. Naghintay ako sa pagpasok nila rito sa loob. Titiyakin kong may paglalagyan sila oras na pumasok sila rito sa loob ng bahay. Mayamaya pa’y tuluyan na ngang bumukas ang pinto. Nakita ko agad ang kamay ng isang kalaban ko may hawak ng baril. Hinintay kong makapasok sila sa loob ng aking bahay. Hanggang sa mabilis kong isinara ang pinto. At basta ko na lang pinaghahampas ng baseball bat ang mga hayop na umataki sa akin. Wala akong pakialam kung saan ko sila tamaan. Mabilis akong umikot sa ere. Sabay angat ng aking paa at buong lakas kong hinampas ang leeg ng isang lalak gamit ang paa koi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD