Halos magmura ako sa nangyari sa amin ni Waxwell. Kitang-kita ko rin ang kawawang kotse ng lalaki at nilalamon na ito ng apoy. “Maxelyn!” Narinig kong boses ni Senyorito Waxwell. Naramdaman kong inalalayan niya akong tumayo. May huminto ring kotse sa tabi namin kaya agad kaming sumakay rito. Nakita kong si Roge ang sakay ng kotse. Hanggang sa marinig ko ang sinabi ni Senyorito Waxwell na sa hotel raw kami ihahatid. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak ni Waxwell sa aking palad. Nakita kong nakapikit ang mga mata nito. Hindi ko alam kung ano’ng nilalaman ng utak ng lalaki. Nag-aalala rin naman ako rito. Tiyak na gagawin ng Wild Biniki Syndicate ang lahat upang mapatay ang lalaki. Ngunit kahit ano’ng mangyari ay pipigilan ko sila. Pagdating namin sa loob ng hotel ay agad k