Idikit Ng Kanin

1658 Words

Magkakasunod akong napalunok, hindi ko akalain na shooting lang pala ito. Diyos ko nakakahiya! Bakit ba hindi ko man lang tiningnan ang buong paligid upang alamin kung sino-sinong tao ang nandito. Mabilis tuloy akong napaurong at alanganin din akong ngumiti sa mga taong kaharap ko. “Pasensya na po mga kuya, akala ko kasi ay masasamang tao kayo.” Hindi ko na hinintay na magsalita sila. Mabilis akong tumakbo pa palayo sa mga tao, baka bigla rin akong batuhin nila. Kahit lumingon ay hindi ko talaga ginawa dahil hiyang-hiya ako sa aking sarili. Nang may dumaang tricycle ay dali-dali akong sumakay rito. Ngunit magkakasunod akong napahilamos sa aking mukha. Ang tanga-tanga ko talaga, dahil pati shooting ay nasira ko dahil sa kabobohan ko. Naisip ko rin na baka nakuhanan ako ng video nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD