Susuko Na Ba Ako?

1926 Words

Bigla akong napangiwi nang makita ko ang galit sa mukha ng lalaking kaharap ko. Akala ko talaga ay magagalit ito sa akin dahil sa mga pinagsasabi kong kalukuhan, iwan ko ba ngunit parang hindi na ako natatakot sa lalaking ‘to o dahil siguro sa malapit na itong umalis kaya bumawi lamang ako rito sa mga pang-aapi niya sa akin. . “Ano bang nangyayari rito? Waxwell, inaaway mo na naman ba si Maxelyn? Naku! Ikaw na bata ka! Hindi ka pa rin nagbabago, aalis ka na nga rito sa bahay, ngunit hindi ka pa rin nagiging mabait sa kapatid mo!” palatak ni lola Mona sa apo nito. Dali-dali itong lumapit sa akin at agad na hinawakan ang aking kamay, nakikita ko rin sa mukha ng matanda ang pag-aalala sa akin, dahil inaway na naman ako ng apo nito. “La, hindi mo ba nakikita ang ginawa ng ampon mo sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD