Ano Bang Ginawa Mo?

2025 Words

Nagising ako na masakit ang buong katawan ko at para akong pinaghahampas sa pader. Dahan-dahan ko ring inilibot ang mga mata ko sa buong paligid na kung saan ako naroon. Ang tanging nakikita ko ay puro puting kapaligiran. Hindi ko tuloy matiyak kung nasa langit na ba ako? Lalo at ako lang ang nandito sa kwarto at nakahiga sa isang kama. Ngunit bigla akong napatingin sa pinto ng kwarto na ito nang marinig kong bumukas ‘yun. At pumasok ang isang doctor, may kasunod din ito na isang matandang babae at walang iba kundi si lola Mona. “How are you, hija? May masakit ba sa ‘yo? Sabihin mo agad sa akin,” anas ng matanda at nasa mukha nito ang pag-aalala. Lumapit din ito sa akin at mahigpit din niyang hinawakan ang aking kamay. Ang ganiyang mukha na sobrang pag-aalala ay never kong nakita sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD