Patay Gutom!

1217 Words
Malungkot akong nakatingin sa mga taong nandito ngayon sa plaza. Hawak-hawak ko rin ang aking tiyan dahil kahapon pa ako hindi kumain. Parang gusto kong maiyak dahil sa nangyari sa akin. Labing limang taon palang ako ngunit puro kamalasan na ang aking nararanasan. Ang masasabi ko ang ay ang hirap pa lang mawalay sa mga magulang. Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Wala akong makain dahil halos ayaw magbigay ng limos ng mga tao rito sa plaza. Pasimple ko ring pinahid ang aking mga luha na lumabas sa aking mga mata. Noon mga nakaraang buwan lang ay okay naman ang pamilya namin. Masaya at parang walang darating na problema. Ngunit parang ipo-ipo sa bilis nang mga pangyayari. Nalaman kasi ng Itay ko na may ibang lalaki si Inay. Kaya ayon galit na galit ang Itay ko at halos mapatay sa bubog ang aking Ina. Kung walang mga kapitbahay na umawat baka patay na ang Inay ko. Dahil sa pangyayaring ‘yun. Nagdesisyon si Inay na iwan ang Itay ko. Kasama nito ang aking tatlong mga kapatid, isasama rin sana ako ni Inay ngunit ayaw pumayag ng Itay ko. Kaya ako ang naiwan sa puder ng aking Ama. Hindi ko sinumbatan si Itay sa mga nangyari sa aming pamilya. Kung tutuusin ay labis akong naaawa rito. Simula kasi ang maghiwalay sina Inay at Itay ay naririnig kong umiiyak si Itay sa gabi. At sa tuwing Naririnig ko ang hagulhol ng Itay ko ay hindi ko rin maiwasan ang hindi maiyak. Ang sakit-sakit ng dibdib ko lalo na kapag alam akong labis na nasasaktan ang aking Ama. Wala naman akong ibang magawa kundi ang makinig at yakapin lang si Itay. Ano bang magagawa ng katulad kong labing limang taong gulang lang. Ngunit patuloy pa rin si Itay sa pagtatrabaho. Hindi niya ako pinabayaan. Ngunit ang sakit na aking nararanasan ay mas lalong tumindi nang isang umaga ay ginulat ako nang nakakagimbal na balita, na na-hit and run ang tatay ko. Walang makapagturo kung sino ang sakay ng kotse. Halos gumuho ang mundo ko dahil sa nangyari. Malaking pasasalamat ko rin sa aking mga kapitbahay dahil sila ang nag-asikaso ng libing ng Itay ko. Nagtulong-tulong sila. Ngayon ay pakiramdam ko ay napulutan ako ng pakpak. Sobrang sakit at ang hirap ng nag-iisa sa buhay. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ikabubuhay ko sa araw-araw. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang pagtangis sa umaga at sa gabi. Muli na naman akong napangiwi nang maramdaman ko naman ang sakit ng aking tiyan, dahil gutom na tugom na talaga ako. Hanggang sa bigla akong napatingala sa taong lumapit sa akin. Isang lalaking nakasuot ng shade sa mga mata. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 22 years old na ito. Mukhang mayaman ito. Ibang-iba ang kinis ng balat nito kumpara sa akin na sobrang dungis. Nabigla ako nang abutan ako ng limang daang piso. “Take this,” walang ka ngiti-ngiti ito nang sabihin ‘yun sa akin. Dali-dali kong kinuha ang pera sa lalaki “Maraming salamat po---” Ngunit agad itong tumalikod sa akin. Nasundan ko na lang ng tingin ang lalaki habang naglalakad ito palayo sa akin. Hanggang sa nakita kong sumakay ito sa isang mamahalin sasakyan. Gusto kong maiyak ng mga oras na ito. Panay rin ang pasasalamat ko sa Diyos dahil may mabuting puso pa rin ang nag-abot sa aking ng tulong. Kaya naman dali-dali akong umalis sa aking pwesto para pumunta sa tindahan upang bumili ng bigas at delata. Pagdating sa tindahan ay agad akong bumili ng tatlong kilong bigas na mumurahin lamang. Bumili din ako ng sardinas at noodles. Bumili rin ako ng gas at posporo para masindihan ko na ang gasera sa bahay namin. Sa totoo lang ay ilang araw na akong nagtitiis sa dilim. Nang mabili ko na ang mga kailangan ko ay dali-dali akong umuwi para makapagluto lalo at sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. Pagdating sa munti namin bahay ay agad akong nagluto. Napansin kong nanginginig na ang aking mga kamay sa gutom. Gusto ko sanang bumili ng tinapay. Ngunit kailangan kong magtipid. Walang katiyakan kung may pagbibigay pa ba sa akin ng limos bukas. Nang makapagluto ay dali-dali akong nagsandok para sa aking sarili. Nang lumapat ang kanin sa aking bibig at tuloy sa aking tiyan ay parang biglang nabuhay ang lamang loob ko. Bigla tuloy akong napaluha habang kumain. Kahit may kasungitan ang lalaking nagbigay sa akin ng 500 ay labis talaga akong nagpapasalamat dito. Pinahid ko ang luhang umaagos sa aking mga mata. Hindi nagtagal ay natapos na rin akong kumain. Salamat sa panginoon dahil may isang tao itong isinugo upang bigyan ako ng tulong. Agad kong iniligpit ang aking mga pinagkainan. May kakainin pa ako mamayang gabi. Kaya agad ko itong itinago. Tumingin ako sa labas ng bahay at nakita kong maaga pa. Kaya puwede pa akong mamalimos sa kalye. Bago umalis sa munti naming bahay ay ini-lock ko muna ang pinto. Habang naglalakad ay palinga-linga ako sa buong paligid. Hanggang sa mapatingin ako sa kaliwa ko. Dahil napansin ko ang mga batang papasok sa isang malaking gate. Kung tama ang aking hinala ay may nagdiriwang ng kaarawan sa bahay malaking bahay na ‘yun. Kaya naman agad akong humakbang papalapit sa gate. Baka suwertehin ako at maambunan kahit isang lumpia. Hindi naman siguro masama ang humingi ng pagkain doon dahil birthday naman ‘yun. Hindi naman nakasara ang gate kaya maingat akong sumilip. Nakita kong nagkakatuwaan sila. Habang maraming pagkain ang nakalagay sa isang mahabang lamesa. Ilang pirasong letchon din ang nandoon. “Hoy! Ano’ng ginagawa mo riyan sa harap ng gate ko? Huwag ka ngang humawak sa aking gate?” Napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot sa aking harapan. Natatandaan ko ang babaeng ‘to. Ito ‘yung may-ari ng bahay. Masyado itong matapobre at madamot. Nagulat pa nga ako nang basta na lang akong itinulak niya, dahilan kaya nabitawan ko ang gate. “Puwede po ba akong makahingi kahit isang pirasong lumpia? Gusto ko lang po kasing makatikim, Ma’am,” anas ko sa babae. At nagbabakasakaling mabigyan ako. Kitang-kita kong nagsalubong ang kilay nito. Hanggang sa bigla itong tumalikod at lumapit sa harap ng mahabang lamesa na punong-puno ng pagkain. Ngunit nagulat ako ng ilagay nito sa lupa ang isang lumpia at inapak-apakan pa nito. Pagkatapos ay agad ding kinuha ang maruming lumpia. Malalaki rin ang hakbang nito papalapit sa akin. “Hawakan ang babaeng basurang ‘yan. Kailangan niyang mabigyan ng leksiyon ng madala sa kakahingi sa mga tao. Hindi magbanat ng buto!” galit na sabi ng matapobreng babae. Napaurong tuloy ako dahil sa takot sa babae na parang dragon ang tabas ng pagmumukha. Balak ko na sanang tumakbo nang mahawakan ako ng dalawang security guard. “Mrs. Chua, ano’ng gagawin mo sa akin?” umiiyak na tanong ko sa ginang. Ngunit mabalasik pa rin ang tingin nito sa akin. “Kahit kailan talaga ay kinasusuklaman ko ang mga katulad mong basura at patay gutom! Sige na, ibuka ang bibig niya. Tutal naman sanay siyang kumain ng galing sa basurahan!” Halos maiyak ako nang sapilitang ibuka ang aking bibig ng dalawang security guard at basta lang inilagay ang lumpiang madumi sa bibig ko. “Iyan ang nababagay sa mga katulad mong mahilig manghingi ng pagkain!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD