[ASHLEIGH'S P.O.V.]
Narito ako ngayon sa room kasama si Mello. Yes, ang aga ko pumasok dahil wala si Blaine sa bahay at ayoko nang magtagal sa mansiyon kasama ng mga katulong. Ang aga nga rin pumasok nito ni Mello ngayon. Hindi ko inaasahan na mabilis lang siyang papasok. I mean, kilala siya bilang siga rito sa Alston University. Pero mukhang hindi rin naman siya lakwatyero.
"Yo, Xen and Miss Nerdy Ash! May chika ako!” Napatingin kami sa lalaking pumasok sa room. WTF? Kalalaking tao, CHIKA?! And guess who's that? It's Mearl.
"What now, Dylan?" walang ganang tanong ni Mello. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya, "May isang babaeng maganda doon sa cafeteria. Transferee, and guess what? Binubully ng mga mean girls dito sa Alston. Kawawa nga eh," sabi niya habang umiiling-iling. May binubully? Tsk. Baka kung ako ang papalag sa kanila ay hindi nila ako malabanan.
"So?" walang gana na tanong muli ni Mello. Nag-pout naman si Mearl. Puro kabaklaan naman ang isang ‘to. Ganito pala in real life ang mga kaibigan ni Silvestri. Tumayo ako at naglakad palabas, "Hey, Autumn. Where are you going?" tanong ni Mello sa akin.
“Cafeteria,” tanging sagot ko saka nagpatuloy sa paglabas.
Naramdaman ko na may sumusunod sa akin pero ‘di ko na nilingon. Baka sina Mearl at Mello lang 'yon. Pagkapasok ko sa cafeteria ay may nagkukumpulan doon sa gitna kaya roon ako pumunta. Gusto ko lang naman manood kung ano ba ang kaganapan doon. Boring pa naman sa room dahil wala pa namang Prof. Kung sa Italy noon, hindi ko naman ugaling pumasok sa bawat klase. Pero dahil nagkukunwari nga pala ako na isang nerd at kawawang babae rito, kailangan kong gawin ang mga gawain ng isang nerd.
"Matapang ka pa rin? I pity you!" sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay ang leader ng isang grupo ng mga babae o ang mga mean girls dito. Nakipagsiksikan ako sa kumpulan hanggang sa napunta ako sa unahan. Nakita ko ang isang babae na nakaupo na sa sahig at nakatingin lang ng walang emosyon sa babaeng nagsalita sa harap niya.
"Hindi ka man lang ba magsasalita? My, my.. Kawawa ka naman,” ani pa nito. Inirapan lang siya ng babae na mas lalong kinainisan nitong ‘mean girl’ na tinatawag nila rito. Mga ugaling basura, in short. Mga feeling maaangas sa isang university, wala namang mga utak. That’s why I don’t want to study here in the Philippines. Kahit na may dugo akong Pinoy, kinalakihan ko ang bansang Italy.
"WHAT THE HELL?! GINAGALIT MO AKO HA!" Kumuha 'yong leader ng isang baso ng juice at itinapon iyon sa babaeng nakaupo sa sahig. Wala pa ring reaksiyon ang babae at marahas na tumayo. "Matapang pa rin, sis,” bulong noong alipores sa leader. Kahit na rinig naman namin ang kaniyang sinabi. Sinampal niya ang babaeng transferee at wala pa rin itong reaksiyon. What the hell is wrong with her? Dapat ay lumalaban siya. Sa tingin ko naman ay kaya niyang lumaban sa mga babaeng nang-aapi sa kaniya ngayon.
Hindi ko akalain na ganito kababa ang mga tao na nag-aaral dito sa Alston University. This university is built here in Elysian Island. This island is not open for everybody. Not anyone can enter this place and live here. Hindi ito basta lamang isang isla, mas malaki pa ito kumpara sa mga normal na isla lamang. Pagmamay-ari ito ng aming pamilya, ngunit hindi alam ‘yon ng mga kalaban namin. Ang Silvestri ay walang kaalam-alam na tumira sila ngayon sa lupain na pagmamay-ari namin. Mga mayayaman ang lahat ng mga tao na nakarita sa isla na ‘to, at pati na rin ang mga nag-aaral dito sa pinakamagandang unibersidad na Alston University. Kaya naman nakakainis dahil ganito ang mga ugali ng mga estudyante rito. Gusto kong gamitin ang kapangyarihan ko rito bilang anak ng may-ari ng Elysian Island, para mapaalis ang mga ganitong kabasurang mga tao.
"Hey, stop that.” ‘Di ko na napigilan at sumingit na ako sa usapan nila. Napatingin sa akin ang mga chismoso at chismosa; pati na rin ‘yong mga mean girls. ‘Di naman ako tiningnan noong transferee na babae. "Oh, the nerdy transferee girl,” maarteng ani nito. Ngumisi lang ako. Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na sumali sa kanila. I can’t stand their trashy attitude. Isipin na lang nila na isa akong kakaibang nerd dito.
*PAK*
"Oh my gosh!" maarteng sigaw ng mga alipores niya dahil sinampal ko ang kanilang leader. Nakita ko naman sa pheriperal vision ko sina Mello at ang mga kaibigan niya.
"Kung hindi mo kayang mag-sorry sa isang tao, nararapat lang na bumalik ang ginawa mo sa kanya,” seryosong sabi ko. Ewan ko ba kung bakit ko tinutulungan ang babaeng 'to. Hindi ko masasabing mahina siya dahil sa palagay ko naman ay hindi. Naiirita kasi ako sa kanya dahil sinaktan na siya at binuhusan ng juice, wala pa rin siyang reaksiyon. Baka naman ‘di niya lang trip na labanan ang mga 'to?
Sinamaan naman niya ako ng tingin, "How dare you slap my beautiful face?! You f*****g nerd!" galit na galit na sigaw niya at akmang sasabunutan ako nang may humawak sa kamay niya, "Don't you dare hurt her,” malamig ng sabi ng isang lalaki at si Mello iyon. Takot na takot naman ang mga babae at biglang tumakbo palayo.
"Tapos na ang palabas! You may go now, schoolmates. Kukunin ko mamaya 'yong mga bayad niyo sa panonood-- aray!" Binatukan naman ni Mearl si Ryu dahil sa sinabi nito.
"Bakit ikaw lang ang kukuha? Dapat tayong dalawa. Business partners tayo-- aray!" Binatukan naman ni Lowell si Mearl.
Tiningnan ko ang babae sa gilid ko. Yung transferee ay nakatingin siya sa akin at wala pa ring emosyon. Tapos dumako ang tingin niya kay Mello. Tiningnan ko naman si Mello at nagtitinginan silang dalawa. Anong meron? Magkakilala ba sila?
"Stupid," sambit ni Mello. Teka... AKO BA ANG STUPID NA SINABIHAN NIYA?!
"I'm not stupid!" inis na sigaw ko. Lumapit naman sina Mearl sa amin.
"Miss, ayos ka lang ba?" Dave asked. ‘Di naman siya pinansin no’ng babae at tumingin sa akin. "What?" I asked too.
"Di ko naman kailangan ng tulong mo,” malamig na sabi niya. Napataas naman ang isang kilay ko. ‘Di na lang siya magpasalamat? Tsk. I admit that she's beautiful, pero mas maganda ako. She's sexy, but I'm sexier and hotter.
"So? I'm not asking anyway… You’re welcome,” sarkastiko kong sabi at napairap na lang.
"What's your name, beautiful?" Lowell asked and playfully smiled at her. "Why do you care?" tanong din niya.
"Okay. Pwede ko naman itanong sa Dean,” nakangising sabi pa ni Lowell at akmang lalakad na palabas ng cafeteria nang magsalitang muli 'yongn babae.
"I'm Annaise Deville."
What?! Deville?! Gulat na gulat ang reaksyon ko at hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tama ba ang rinig ko? Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang may apliyido ng gano’n dito. Sinigurado ko na ‘yon noon pa bago ako magpunta rito.
"Deville? Teka... ‘di ba Leigh--" Hindi ko na hinayaang pang matapos ang kung ano man ang sasabihin niya.
"Ah! Let's go! We’re late on our class!" sigaw ko at hinila na si Mello palabas ng cafeteria.
"Waaaah! Baka pagalitan ako ni Ma'am!" rinig ko pang sigaw ni Ryu at nagtatatakbo na rin silang apat.
Deville?! Ibig sabihin-- ka-apilyido ko siya?! Pero ‘di ko naman siya kaano-ano. Tsaka isa pa, inimbento lang naman ni Blaine 'yong surname na ‘yon. What the f**k! Paano kapag nalaman ng babaeng 'yon ang pangalan ko? Baka mag-isip at magtanong iyon. Ugh! I need to know her background.
Lumipas ang oras at break time na. Tumunog naman ang cell phone ko at pagtingin ko, si Blaine ang tumatawag. Napa-kunot ang noo ko kung bakit siya tumatawag.
"Mauna na kayo. Susunod na lang ako sa cafeteria," sabi ko kina Mello. Malayo ang inaasahan ko sa kung ano ang nangyayari ngayon. Ang akala mo ay bubully-hin ako nina Mello. Pero ngayon ay sinasamahan pa nila ako.
“Mauna na kayo, susunod kami,” ani Mello. Lumayo na lang ako sa kanila at pumunta sa dulo ng room. Kami na lang naman ang tao rito. Saka ko sinagot ang tawag ni Blaine.
"Why?"
["Wala man lang bang Hello? Tsk."]
"Just get straight to the point, Blaine. Why did you call?"
["I have a mission."]
"Oh,breally? What is it?"
["Annaise Deville. That's her name."]
"WHAT?! What the f**k, Blaine-- ugh! I'll talk to you later at home."
["What's the problem--"]
Pinatay ko na agad ang tawag at inis na tumingin kay Mello na seryosong nakatingin sa akin. Hindi naman niya narinig ang usapan namin ni Blaine. “Kilala mo ba 'yong babae kanina?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya, saka ako lumapit. "Hindi," seryoso kong sagot.
"Pero parehas kayo ng apilyido. Kaya mo ba siya tinulungan kanina?"
"Hindi ko siya kilala. Maraming magkaka-surname rito sa mundo at ‘di lahat magkaka-kilala,” paliwanag ko.
"I think she's familiar…”
"What do you mean?" nagtataka na tanong ko. Parang pamilyar daw sa kanya 'yong Annaise na 'yon? Saan naman niya kaya nakita? Pero bakit siya ang misyon ngayon ni Blaine? Bigla na lamang magkakaroon ng misyon ang isang ‘yon.
"Nevermind. Let's go.” Hinila na niya ako papuntang cafeteria. Hindi ko alam kung ano ang purpose niya at ginagawa niya ito. Kalat na rin na nakikipagkaibigan sa akin sina Mello, kahit na isa akong nerd. Pero mukhang wala siya at silang pakialam.
***
Nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko si Blaine na nagla-laptop sa kwarto niya. "Blaine,” seryosong tawag ko. Napatingin naman siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"What do you want to talk about?"
"That Annaise Deville. Hindi ba inimbento mo lang naman 'yong surname ko na 'yon?" tanong ko. Tiningnan niya ako ng seryoso. "Actually, si Mom ang nagsabi sa akin no’n. Iyon daw ang ipagamit ko sa ‘yo na surname. And that Annaise Deville, kanina lang sinabi sa akin ni Mom na magiging misyon ko siya,” paliwanag niya naman sa akin.
"Nakita ko na kanina ang Annaise Deville na 'yon. Transferee siya sa Alston. Ano na? Hahayaan ko bang makilala niya ako?" tanong kong muli. Ibig sabihin ay hindi pa ako nalalaman at may hindi pa sinasabi sa amin si Mom.
"Yes..."
"Sino ba talaga siya? Anong kailangan mo sa kanya?"
"Ang pamilyang Deville ay isa sa pinaka-mayamang pamilya rito sa Pilipinas. Si Annaise Deville ay may isang kumpanya at magiging business partners kami. Kailangan ko ein siyang paibigin."
"But why? Ano bang kasalanan ng pamilya niya sa atin?"
"Kailangan nating makuha ang kumpanya niya... at siya ay ang half-sister ni Mello Silvestri.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "WHAT?! May kapatid si Mello sa labas?" gulat na gulat na tanong ko. Kaya ba mukha daw pamilyar si Annaise kay Mello? Kaya ba sila nagkatitigan? Ugh! Mukhang hindi alam ‘yon ni Mello.
"Yes, you heard me. Nakabuntis ang tatay ni Mello sa ibang babae at iyon ay ang nanay ni Annaise,” sabi niya. Mas matanda pa si Annaise kaysa kay Mello kung tutuusin.
Pilit ko pa ring ipinoproseso sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon. Sigurado ako na magagalit si Mello sa oras na malaman niya ang kalokohan ng kaniyang ama.
"Papasok ako sa Alston at magsisimula ako bukas,” sabi pa ni Blaine.
What. The. f**k. Ugh! Ang dami kong nalaman sa araw na ito! Hindi ako makapaniwala. Huwag lang sanang masira ang mga naging plano ko para kay Mello. Hindi rin naman kami magkamukha talaga nitong si Blaine. Kaya wala ring makakapansin na magkambal kami. Sigurado naman ako na hindi ako kakausapin ni Blaine sa Alston University. Isa pa, ibang-iba naman ang mukha ko ngayon dahil nagdi-disguise ako bilang isang nerd.
Mukhang marami pa ang mga mangyayari sa susunod sa Alston University.