Chapter Five: Game Fight

2000 Words
[MELLO'S P.O.V.] It's weekend and I'm so bored here. Wala naman akong magawa dahil tinatamad akong kumilos. Pati ang mga kasama ko rito sa dorm ay may kanya-kanyang ginagawa. Si Dylan ang kasama ko sa dorm dahil medyo matino pa ito sa ibang mga kaibigan ko. Sina Ace, Brown, at Kiel ay magkakasama sa dorm sa first floor. Narito kasi ang dorm namin sa second floor ng building. Si Dylan, kasama niya si Ace at naglalaro ng PSP. Tapos si Brown naman ay nakikipag-lampungan na naman siguro sa ibang babae. Tsk. He's really a manwhore. Like me, of course. While Kiel? As usual, he just want to lay on his bed during weekends. Walang trippings ngayong araw, boring! Naisipan kong tawagan ang nerd na si Autumn. Tsk. Ewan ko ba, but I found her interesting. She is like a mysterious girl. Behind those big eyeglasses of her, those beautiful eyes, I feel darkness there and I don't know why. Weird though, I like her personality. Gusto kong pagtripan ang mga gano’ng pag-uugali. Nagmamatapang pero ang totoo ay mababait naman talaga. Hindi ko pa siya ganoong kilala. At isa pa, I tried to search her profile pero wala man lang lumabas. Ang ipinagtataka ko ay kaano-ano niya kaya ang Annaise Deville na iyon? Noong una ko siyang nakita, tinitigan ko siya 'cause she looks familiar, pero ‘di ko matandaan kung saan ko ba siya nakita o nagkita na ba talaga kami. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala na hindi talaga niya kilala ang babae na ‘yon. Ewan ko ba kung bakit ako napapaisip. Ganito na talaga ang nagagawa ng boredom sa akin. Naka-tatlong ring pa lang ang tawag ko nang sagutin na iyon ni Autumn, "Hey." ["What?"] Mukhang bagong gising lang siya, a? Based on her voice, kakagising niya lang at wala sa mood. But it's already lunch time. "Tsk. Do you have something to do later night?" ["I'm busy. Why?"] Siya lang ang nakakapag-salita sa akin ng ganyan. Cold. Tsk. Pero kailangan kong makuha ang loob niya. Para naman magawa ko nang ayos ang naisip kong pantitrip sa kaniya. Sa oras na mahulog na siya sa patibong ko ay saka ko siya sasaktan ng sobra. Mabilis naman na masaktan ang mga nerds. Wala na akong ibang mapagtripan sa Alston, kaya siya naman. "Nah. I just want to invite you for a dinner." ["Is that so?"] "Yes, bakit? Ano bang gagawin mo?" ["It's none of your business, Mello."] "Whatever, badass nerd. Tsk." ["Hindi ako pwede, kaya ibababa ko na 'to."] "Bye--" *toot* What the f**k?! No one dares na babaan ako ng tawag! Ugh! Siya lang talaga ang may malakas na loob na gawin ang mga bagay na wala ni sino man ang nakakagawa sa akin! Marahil hindi niya siguro talaga ako kilala. Kaya ko lang naman tinatawagan 'yon dahil may gusto akong malaman sa kanya; e. Bukod sa nag-s*x na kami, parang napakarami niyang tinatago and I'm curious about those things. Tumayo ako at lumabas ng dorm. Nakita ko naman na may babae na papalapit sa akin. She's sexy and beautiful. Ngumiti siya sa akin at paglapit niya ay hinalikan niya ako sa labi. Napangisi naman ako at tinugunan siya ng halik. This is what I like. Ako ang nilalapitan ng mga babae. Ako ang hinahabol, 'cause I'm hot and handsome. Hinawakan ko ang boobs niya and I massage it. Mabuti na lang at madilim sa parte ng dorm namin na ito, kaya walang makakakita sa amin. Hindi rin masiyadong dinaraanan ng tao. She let out a moan pero napatigil kami dahil may nagsalita, "Bro! Get a room, please." Tiningnan ko ng masama si Dylan. Tsk. Binitawan ko ang babae at iniwan na siya. Nairita rin ata siya dahil nabitin siya. Akala ko pa naman ay walang makakakita sa amin roon! "Asshole. Why did you disturb us?" iritableng tanong ko. Nag-peace sign naman siya. "Sorry na. Nasa daan kasi kayo, e ‘no?" sarkastino na niyang sagot. Napailing na lang ako, "I'm bored,” ani ko. "I don't care. Gusto mo gumaya ka rin kay Brown na nakikipag-lampungan. Pero please, make it in private. Ge bro, kita na lang tayo mamaya," sabi niya at pumasok sa dorm namin. Naisipan ko na lang na maglakad-lakad at pumunta sa Mall sa loob nitong Alston University. *** [ASHLEIGH'S P.O.V.] "Ash! Come here!" Narinig ko ang sigaw ni Blaine mula sa salas kaya inis akong bumaba at pinuntahan siya. Kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw. Bakit ayaw niyang siya ang lumapit? Naisip ko na batukan siya pagbaba ko pero nakita kong seryoso ang mukha niya. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi niya. "Why?" "A-attend ka ng Game Fight mamaya." Naalerto ako sa sinabi niya at agad akong napalingon sa gawi niya. "Game fight? With whom?" takang tanong ko. May naghahamon ba sa akin sa Game Hall? Pero bakit wala naman akong natatanggap na tawag mula sa Supreme? "Yes. Silvestri ang makakalaban mo mamaya." "Silvestri? Who the hell? Is it Mello?" Pero umiling siya, "Not him. Malalaman mo naman mamaya, e. My secretary called me earlier at nalaman kong hinahamon ako noong Silvestri na 'yon sa Game fight." "Oh. Ikaw naman pala ang hinahamon, bakit ako ang papapuntahin mo?" "Ang sabi lang naman niya 'I want to have a fight with Griffin.' Griffin lang ang sinabi niya though, sa secretary ko tumawag. Pero since ikaw naman ay Griffin, ikaw ang aattend,” paliwanag nito. ‘Di na ako aangal pa. Tutal naman ay ang Silvestri naman talaga ang misyon ko. "Fine, what time?" tanong ko. Hindi ko pa rin kilala kung sino ang kakalabanin ko mamaya, pero sabi nga ni Blaine ay isa itong Silvestri. "10:00 PM.” *** 9:00 PM pa lang ay umalis na ako sa bahay. Dumeretso ako sa Griffin's Building. Pagkarating ko roon ay nagbibigay daan ang mga nagtatrabaho at nagbibigay ng galang sa akin. Hindi ko naman sila pinagtutuunan ng pansin. As if I fuckin' care. Sumakay ako ng elevator at pumunta sa 8th floor kung saan nakalagay ang office ko. Sinalubong naman agad ako ng secretary ko. "Good evening, Miss,” bati nito. I just looked at her boredly. She is Maxine. Ibang-iba ang itsura ko ngayon kaysa sa itsura ko kapag nasa Alston University. Ang Griffin’s Building naman ay tinatawag na Gryphon Building. Hindi pwedeng malaman ng mga kalaban na may mga Griffin dito sa Elysian Island. "What's my schedule for tomorrow?" tanong ko at binuksan ang drawer ko sa office. Tiningnan naman niya ang schedule ko. "Ma'am, may imi-meet ka pong stockholder bukas." "Cancel it." Tumango naman siya, "By the way, where's the key for the Abandoned floor?" Dali-dali naman niyang kinuha ang susi at iniabot sa akin. Lumabas naman ako ng office ko at sumakay muli ng elevator papuntang Abandoned floor ng building na ito. Ang abandoned floor na iyon ay nasa 15th floor. Wala ni sino man ang pumupunta doon maliban sa amin ni Blaine. Ang alam ng mga trabahador dito ay ‘di na namin pinupuntahan iyon. Si Maxine at secretary ni Blaine na si Joy ay alam din ang mga nakalagay sa floor na iyon. Maraming iba't-ibang armas na nakalagay doon. Iba't-ibang mga baril, daggers, may katana, and samurai. Mga armas kung saan kami lang ang pwedeng gumamit ni Blaine. Paglabas ko ng elevator, pumasok ako sa isang pintuan at inilagay ang password saka ko binuksan ang isa pang pinto gamit ang susi. Inilibot ko ang paningin ko pagkapasok ko pa lang. It's been a year since I last went here. Hinawakan ko ang mga baril na makita ko at saka ako kumuha ng dalawang dagger saka isang ordinary gun with a silencer. Matapos kong kuhanin ang mga iyon ay bumalik ako sa office ko. Nakita ko na hinihintay ako ni Maxine sa loob. Iniabot ko naman ang susi sa kanya at pumunta sa walk-in closet ko rito sa office. Kumuha ako ng black leather jacket, then black sando na fit sa akin. I got my black boots at saka ko kinuha ang black shorts ko. All black, para maganda. Tinanggal ko ang mga damit ko at tanging underwears lang ang natira. I don't f*****g care if Maxine is here. Pareho lang naman kaming babae and besides, sanay na ako. ‘Di naman nakatingin sa akin si Maxine. Sanay na rin siya na bigla akong naghuhubad sa harap niya. Matapos kong magbihis ay umalis na ako sa Griffin's Building. Nagtungo ako sa Game Hall kung saan magaganap ang Game Fight. Pagkarating ko roon, pinagtitinginan agad ako ng mga madadaanan ko. Well, sanay na ako. Iba talaga ang maganda. Hanggang sa makarating ako sa Center Hall at nakita ang lalaking nakatayo sa gitna at nagwa-warm up, I think. Nakatalikod ang lalaki sa akin. Lumakad naman ako papalapit sa kanya. Nang marinig niya ang tunog ng mga boots ko, dahil na din tumahimik ang buong Hall sa pagdating ko, napatingin sa akin ang lalaki. "She is here! Are we going to start now?!" sigaw ng Vice Supreme. Katabi niya ang Head Supreme ng Game Fight. "Wait. I didn't expected that my opponent now is a... girl?" parang gulat pa na tanong niya. Napangisi naman ako, "Sorry, he can't attend right now. Ako na ang pinapunta niya dahil may importante pa siyang gagawin,” sagot ko. It seems like, hindi niya ako kilala. Well, sino nga naman ang makakakilala sa akin dito? Sa Italy nga ako lumaki. "So you’re not a Griffin." "That doesn't matter. So let's start?" paghahamon ko. Sigurado ako na inaalam niya lang kung may Griffin ba rito o  wala. "Hindi ako pumapatol sa babae." Napataas ang kilay ko nang talikuran niya ako at akmang maglalakad na palayo nang hilahin ko ang braso niya. "Duwag ka ba?” Ayoko sa lahat ay 'yong tinatalikuran ako kahit ‘di pa kami tapos mag-usap! "Let the Game Fight begins!" sigaw ng Vice Supreme kaya ngumisi ulit ako, "Wait-- f**k!" Hindi na siya nakapag-reklamo dahil sinapak ko na siya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Once na ma-announce na start na ang Game Fight, ‘di ka na pwedeng magreklamo pa. Simple lang naman ang rule rito sa Game Fight. Kapag nasugatan na ng isa ang kalaban mo, panalo ka na. You can use any weapon. But make sure, hindi mo mapapatay ang kalaban mo because that's a violation. "A Silvestri, right?" nakangising tanong ko. Pero sumugod lang siya agad pero naiwasan ko naman ang suntok niya. Mabilis siyang kumilos pero napapantayan ko ang bilis niya. Sinasangga ko lang ang mga pag-atake niya at saka ko siya sinikmuraan. "To make this game fast.” Bigla niyang kinuha ang baril niya at saka kinalabit ang gatilyo at ipinutok patapat sa braso ko dahil medyo nakatagilid ako sa kanya. Pero agad ko iyong naiwasan at kinuha ang isa sa dagger ko at ibinato sa kamay niyang may hawak na baril. "Damn it!" sigaw niya at nabitawan pa niya ang baril dahil sa sakit. Lumapit ako at kinuha ang dagger ko kaya napamura muli siya sa akin. Nakaluhod siya ngayon sa sahig. Niluhod ko rin ang isa kong tuhod para magkapantay ang lebel naming dalawa. "Game over." Ang boring naman. Ang bilis ko siyang natalo. Akala ko ba ay mahuhusay ang mga Silvestri? Bakit hindi man lang ako pinagpawisan sa laban naming dalawa. Hindi niya rin naman malalaman ang mukha ko dahil mayroon akong suot na maskara tapos siya ay wala. "What's your name?" tanong niya at tumayo agad na para bang hindi siya nasaktan sa nangyari kanina kahit na patuloy itong dumudugo. Tumayo rin ako at nagkibit-balikat. "It's for you to find out, Silvestri." "You know me? Oh anyway, I'm Near Shin Silvestri. Kaano-ano ka ni Ashlee?" tanong nito. Umirap na lang ako at iniwan na siya sa Game Hall. Walang kwentang tanong. Tsk. But still, I won. Masyado pa siyang mahina para sa akin. Partida pa na hindi si Blaine mismo ang nakalaban niya. Baka wala pang isang minuto ay nasugatan na agad siya. Siya pala si Near Shin Silvestri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD