Chapter Three: His Friends

2300 Words
[ASHLEIGH'S P.O.V.] Narito ako ngayon sa salas at kausap ko si Blaine. Magkatabi kami habang kumakain ng popcorn. "Pinagbigyan ko siya ng isa,” panimula ko. "Really? That's nice. Pero ang bilis naman ata?" takang tanong nito. Right term for me? Slut, I guess. But I don't f*****g care. Alam naman ni Blaine 'yon and he's a jerk too. We're the same though, I'm a girl and he's a boy. Sanay na kami sa ganitong set up lalo na at party girl ako sa France at Italy noon. “Well, part of my plan. Classmate ko siya at nagkita kami kanina. Napahiya pa nga siya. Para na rin mas mapalapit ako sa kaniya agad. Alam mo naman na hindi ko gusto na mainip,” sagot ko. "Mom called me earlier.” Napatingin naman ako sa kanya saka sumubo ng popcorn. "What did she said?" "Mission for me. But I don't know yet kung ano o sino ang misyon ko na iuutos niya,” sagot niya. Tumango-tango ako, "Maybe about business or something?" "Well, yeah,” sabi lang niya. Ano naman kaya ang iuutos ni Mom kay Blaine? Kinabukasan ay narito ako sa Alston University at naglalakad ako papunta sa room ko and guess what? Ang sasama nang tingin sa akin ng mga babae ulit. The hell I care. "Ang lakas nang loob na pumasok ngayon ah?" "Ano kayang ginawa sa kanya ni Prince Mello kahapon?" "Oo nga. Balita ko hinila siya palabas nang classroom kahapon." "Bakit wala man lang galos o sugat? At ‘di pa siya nagda-droup out.” Lihim akong napa-irap sa mga pinagsasabi nang mga nadadaanan ko. Anong ginawa namin kahapon ng PRINSIPE nila? We just had s*x. Bakit daw wala akong sugat o galos man lang? Nakaka-sugat ba ang s*x? Well siguro sa mga first timer, except from me. Kung alam lang nila ang ginawa namin kahapon, mas matinding chismis 'yon. But I still don't care. Nang makarating ako sa classroom ko, bumungad sa akin ang isang lalaki na naka-ngisi sa akin. Pinigilan kong tumaas ang kilay ko dahil may mga stupidents na naka-tingin agad sa amin. Umakto ako na parang kawawang nerd. Yumuko naman ako. “S-sorry po s-sa mga sinabi a-at ginawa ko s-sa'yo kahapon..." sabi ko rito. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito. Napa-tingin ako sa mukha niya na naka-ngisi sa akin. "Wow ha, nerd. Anong nangyari at hindi ka ata matapang ngayon?" pang-aasar niya sa akin. "Ixen! Siya na ba 'yung nerd na kinu-kwento mo kahapon?" sabi ng isang lalaki na nasa likod niya. Pagtingin ko... siya si Mearl Dylan Lombardi. Kaibigan siya ni Ixen at kilala ko ang lahat ng mga kaibigan niya. "Kinukwento?" tanong ko. "Yes, I told them how GOOD you are..." This time, tumaas ang isang kilay ko. Did he f*****g told his friends what we did yesterday?! "Sabi niya ang taray mo raw! Ikaw lang ang nakapagpatumba sa kanya! Grabe! Ang astig mo! Pero bakit parang iba ka ngayon sa kinuwento niya sa amin?" takang tanong ni Lombardi. Tinignan ko naman siya, "Really? ‘Yon lang ang kinuwento niya?" tanong ko. "Oo naman yes-- hehehe. Peace,” biglang sabi niya at naka-peace sign kay Ixen na ang sama ng tingin sa kanya saka siya tumingin ulit sa akin. Hinila niya ako paupo sa upuan namin. Nakita ko 'yong mga kaibigan niya na tumabi din sa amin. "By the way, I'm Mearl Dylan Lombardi. Nice to meet you, Miss Nerd," pakilala agad ni Lombardi. Tinignan ko lang siya. "Boom! Tiningnan ka lang!" biglang sigaw naman ng isang lalaki. It's Ryu Ace Boulanger. "Miss Deville, right? I'm Ryu Ace Boulanger. Ixen's friend." Naka-ngiti na pakilala din nito pero gaya nang kay Lombardi, tinignan ko lang siya. "Tinignan ka lang din naman niya!" balik pang-aasar sa kanya ni Lombardi. May isang lalaki naman na iiling-iling at tumingin sa dalawa, "Mga gwapo lang kasi ang pinapansin niya. So excuse me,” sabi nito at lumapit sa akin saka nilahad ang kamay. He is Lowell Brown Nixon. "Yabang nito." "Lowell Brown Nixon at your service always, Miss Deville,” pakilala niya at ngiting-ngiti sa akin and as usual, I just looked at him blankly. "Di ka gwapo, Brown. Kaya lumayas ka na dyan sa harap niya!” Natatawa pang sigaw ni Boulanger. "Kayabangan mo kasi pare, ‘di hamak na mas gwapo naman ako kaysa sa ‘yo,” pagyayabang din ni Lombardi. "Gago. Ang taas ng pangarap mo,” dagdag pa ni Nixon. Biglang may pumasok na lalaki at lumapit sa amin. ‘Di na ako nagulat nang makita ko siyang muli... At mukhang ‘di niya ako nakilala. Tiningnan niya ako nang mabuti at saka kumunot ang noo. "You look familiar,” ani niya. Ngumiti ako sa kanya. "Long time no see, Borlstein." Bakas sa mukha niya ang pagka-gulat. Tinignan ko sila Ixen at ganoon din ang mga reaksiyon nila at saka kanya-kanya ng mga sinabi. "Woah! Kay Kiel ngumiti siya?!" "Mas gwapo naman ako kay Kiel, a? Bakit ‘di niya ako nginitian?" "Gwapo ba si Kiel? Really?" "Magkakilala kayo?" Then napatingin ako kay Ixen nang magtanong siya. "Teka! ‘Di ko nga siya kilala e,” angal naman ni Dave Ezekiel Borlstein. Ang ex-boyfriend ko na kaibigan nina Ixen. Inaasahan ko na talagang makikita ko siya. Tiningnan ko naman siya at tinanggal ko ang salamin sa mata ko at nanlaki ang mata niya. "L-leigh?" ‘di makapaniwala at gulat na tawag niya sa akin. Ngumiti muli ako at isinuot ang salamin ko. "The one and only..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at naka-kunot na tumingin sa'kin. "What--" Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay nagsalita sina Lombardi. "Kaano-ano mo siya, Kiel?" "Teka, Leigh daw?" "Sabi mo ‘di mo kilala, Kiel? Pabebe?" "What the hell?" "Guys. Si Ashleigh Autumn Gr--" "I'm Ashleigh Autumn G. Deville, Dave's ex girlfriend." Ako na ang nagpakilala sa sarili ko. s**t! Griffin pa ang masasabi ni Dave! Biglang may pumasok na kaklase naming bakla. "GUYS! WALA RAW SI MA'AM! VACANT!" sigaw nito kaya agad akong napatingin. Bigla akong napatingin kila Ixen. "Matagal kaming ‘di nag-kita ni Dave kaya kung pwede magu-usap muna kami saglit,” paalam ko at agad na hinila si Dave palabas ng classroom. Dinala ko siya sa isang garden dito sa Alston at tinignan siya ng seryoso, ganun din naman siya sa akin, "Bakit naging ganyan ka na? Kailan ka pa naging nerd? A badass Nerd. Your surname si Deville and not Griffin?" puno ng pagtataka ang boses niya. "Yes. I'm now a Deville. It's a long story and I don't give a s**t to explain it you anyway. And I'm really a nerd now,” sagot ko. s**t! Paano kapag sinabi niyang Griffin ako? Sa pagkaka-alam ko, ‘di alam ng mga kaibigan ni Ixen na magkalaban ang mga Silvestri at Griffin sa lahat. "No one dares to do that to Ixen. Not until what you did to him yesterday,” ani niya. Ngumisi lang ako. "Hey. Don't tell your friends na nag-iba na ako ng surname. You know me, ayoko ng nakikilala ako ng ibang tao." "I see. Well, I respect your decision. Akala ko ay nagbago ka lang dahil sa pakikipag-break ko sa ‘yo,” biro niya. Napairap naman ako sa kawalan. Matagal na kaming hiwalay. Bata pa rin naman kami noon, so hindi ‘yon considered as true love or what. Fling lang kumbaga. “Asa ka. ‘Di ka kawalan. And besides, past is past,” sabi ko na lang at tinalikuran siya saka balak ng bumalik ng classroom. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Bakit nga ba kami ulit nag-break? Kasi nga, nalaman niya na pupunta ako ng France at ‘di ako magpapa-alam sa kanya at ayaw daw niya ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Like what the hell? Pero mabuti na rin ‘yon. Nalaman ko rin na kaibigan siya ng taong misyon ko kaya mabuti na lang at ex ko na lang si Dave. Hindi naman madaldal ang lalaki na ‘yon. Kaya sana lang ay hindi siya mag-ingay. Lalo na at baka masira pa ang plano ko kung sakali. Naging slut ako hindi dahil sa pakikipag-break niya sa akin. Pero may isa akong minahal na tunay na lalaki sa France. After getting all of what he needs from me, iniwan niya ako. First heartbreak, so what do you expect? Masakit 'yon dahil first time at nakuha pa niya ang virginity ko. Why am I telling this anyway? Past is past! Nang makarating kami ulit sa classroom ay naroon na ang teacher. Nag-sorry lang kami at saka niya kami pinapasok. Si Lombardi, Dave, at Ixen lang pala ang mga kaklase ko at nahiwalay sa kanila sina Nixon at Boulanger ng section. May kumulbit sa akin at pagtingin ko ay si Ixen. Kunot noo ko siyang tinignan, "What?" taas-kilay na tanong ko. "Ex mo ba talaga 'yang si Kiel?" tanong niya. Tumango ako. "Yes, why?" "Tsk. Kailan pa pumatol si Kiel sa isang nerd na katulad mo? Like what the hell? Ano namang nagustuhan niya sa ‘yo?" Gusto ko siyang sampalin dahil parang nilalait niya ako. "Ask him," sagot ko na lang at tumingin muli sa guro na nagtuturo kahit na alam ko na naman 'yung tinuturo niya. "May nangyari na rin ba sa inyo?" tanong ulit nito. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata na kulay brown. "Wala,” seryosong sagot ko. Mukhang nagulat pa siya, ngumisi naman ako nang may maalala ako. “Ikaw din naman, pinatulan mo ako kahapon a? Meaning, pumatol ka sa nerd,” pang-aasar ko. "That was just full of lust, badass nerd. Libog lang ako kaya pinatulan kita. Nakakadiri na pumatol sa ibang mga babae sa bar, baka may sakit sila. Pero maluwag ka na rin pala, katulad nila,” sabi niya. I just chuckled and looked at the board. Stupid jerk. Hindi na ako nasasaktan pa kung gano’n ang sabihin niya sa akin. Lampas sampu na rin naman ang gumalaw sa akin. But who cares? I enjoyed what I’m doing. Ang mahalaga naman ay hindi pa rin ako buntis at wala akong kahit na anong sakit. "Whatever. The feeling is mutual.” "Don't you have any friends?" Bakit ba napakadaldal ng isang 'to? Ang sarap ibato. ‘Di ko na lang siya pinansin at nag-isip na lang. Nag-iba ata ang pakikitungo niya sa akin? Parang kahapon lang, galit na galit siya dahil pinahiya ko siya. Ngayon naman, daig pa babae sa pagma-daldal. Like seriously? What's wrong with this jerk? *** Naka-uwi na ako and this day is so damn tiring! Ang kukulit ng mga kaibigan ni Ixen! "Miss Nerdy Ash! Tawagin mo na lang kasi akong Dylan! Wag Lombardi!" sigaw ni Lombardi. Ugh! Kanina pa ako naiinis, bukod sa ang ingay niya, ‘yong tawag pa niya sa akin na 'Miss Nerdy Ash' ay nakakairita. Like what the hell?! "Then I'll call you Mearl.” "Mearl? Ang panget naman no’n e!" "That's still your name." So I decided to call him as 'Mearl'. "Nerdy Lele!" "Nerdy Lele! Yuhooo!" "Nerd Lele! Pansinin mo naman ako. Sobrang gwapo ko para isnabin mo." "Nerdy Le--" "What the hell, Boulanger?! Can you please stop calling me NERDY LELE?!" inis na sigaw ko. Kanina pa niya ako tinatawag. Naiinis ako sa Nerdy Lele ang tawag niya sa akin. What the hell?! Nakuha niya ang Lele sa Leigh na pangalan ko. "E sa ang ganda kaya. At wag mo akong tawagin sa apilido ko! Ace ang itawag mo sa akin o pogi na lang,” demand niya. I rolled my eyes, "I can call you whatever I want. So I'm calling you as Ryu." At tulad ni Mearl, napangitan daw siya sa pagtatawag ko sa kanya ng 'Ryu'. Aba! Pangit din naman nung tawag niya sa akin na Nerdy Lele! "Hey, Ashley. I'm so hot and handsome, right?" "Wow naman, Brown. Kapal ng face." "I'm just telling thet truth, Ace. Tsaka ‘wag ka ngang epal, hindi ikaw ang kinakausap ko." "Whatever~" "Hey, Ashley. Pati ba ang ka-gwapuhan ko iisnabin mo?" This time tiningnan ko na si Nixon. "My name is Ashleigh and not Ashley," bored na sabi ko. "Well, I want to call you ASHLEY." "Mister Nixon, you can call me Ash or Leigh." "Nah. Ang tawag sa ‘yo ni Kiel ay AUTUMN, while Ixen call you as LEIGH. Tapos sina Ace at Dylan naman ay ang tawag sa ‘yo ay Miss Nerdy Ash at Nerdy Lele. So ang itatawag ko sa ‘yo ay Ashley. Ayaw mo no’n? Ang--" "Whatever you say, Lowell." "LOWELL?! WHAT THE--! ANG PANGIT NO’N!” Pare-parehas silang tatlo ng reaksiyon nang tawagin ko sila sa mga first name nila. Seriously? That's their name pero ayaw nila? "Nerdy Lele!" -Ryu "Miss Nerdy Ash!" -Mearl "Hey Ashley." -Lowell "WHAT THE--! Ugh! I don't remember that my name is Nerdy Lele, Miss Nerdy Ash, and Ashley! My name is ASHLEIHH AUTUMN DEVILLE!" inis na inis na ako sa tatlong 'to! Mga peste sila! Gustong-gusto ko na silang murahin, pero hindi pwede. Nag-pout naman sila, hindi sila cute! "Sorry,” sabay-sabay nilang sabi. Napa-irap na lang ako. Mga kaibigan ba talaga 'to ni Silvestri? See? Sakit sa ulo. Bukod sa mga maiingay sila, ang kukulit pa! Kalalaki nilang tao, gano’n sila kung umakto. Nai-stress tuloy ako. Tapos ito pa... "Leigh, call me Mello." "And why?" taas-kilay na tanong ko, "I want you to call me as Mello dahil lahat sila tinatawag mo sa first name. And yeah, sa barkada namin puro second name ang tawagan kaya tawagin mo na lang akong MELLO." Gusto kong matawa dahil sa sinabi ni Ixen-- I mean Mello. "Okay, fine.” Silang magkakaibigan, sa first name ko na tatawagin. Except kay Dave na matagal ko na talagang tinatawag na Dave or Ezek.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD