[MELLO'S P.O.V.]
"Mukhang may gusto ka na kay Nerdy Ash, a?" Napatingin ako kay Dylan dahil sa tanong niya. "What the f**k, Dylan? I would never fall in love with that nerd,” inis agad na sagot ko at saka siya sinamaan ng tingin. Tanga na ba ito? Bakit naman ako magkakagusto sa kadiri na babae na ‘yon? Halata naman na marami nang nakagalaw sa kaniya. Hindi ko pa rin lubos-maisip pumatol ako sa ganoong klaseng babae.
"In love agad? Ang sabi ko lang ay 'gusto' or in english, 'like' lang," pamimilosopo pa niya sa akin. Malakas naman na humalakhak si Ace dahil sa biro ni Dylan. Hindi ko nagugustuhan ang biro nila sa akin ngayon. Hindi ba sila marunong mandiri sa mga sinasabi nila?
"Yes, 'no! Improving ka, Dylan!" sigaw naman ni Ace. "Pero bakit nagiging malapit kayo sa isa't-isa? Kailann ka pa naging malapit sa isang nerd? Lalo na at sa lahat ng mga nerd na nakita ko, siya ang pinakamalala ang itsura." Napatingin naman ako kay Brown na seryoso sa tanong niya. Ano ba naman ang pinaparating sa akin ng mga ito ngayon? "So? Trip ko lang siya."
"Baka kung saan mapunta 'yang trip na 'yan, Ixen. Alam mo naman ang rule natin.” Nagiging seryoso na sila ngayon sa usapan namin. “Rule? As if I care about that f*****g rule. Mukha bang may balak akong gustuhin ang babae na ‘yon? Kadiri kayo,” sarkastiko na sagot ko. Magkakasama kami ngayon sa dorm namin ni Dylan.
"Bawal ang talo-talo sa aitn, Xen. Naging girlfriend ko na si Leigh,” sabat naman ni Kiel. Nagsimula naman na akong mainis. "Pake niyo ba? Wala nang rule-rule ngayon. And what the f**k? Do you consider that fvcking nerd as one of your exes? Ang pangit naman ng trip niyo. Hindi ko papatulan ‘yon!”
"'Ang kuya mo ang nagpa-uso ng mga rules sa tropahan natin. Bakit ka ba naiinis? Baka naman ay may gusto ka na talaga kay Leigh? Hindi rin naman masama ang itsura niya—" Napatigil sa pagsasalita si Kiel na para bang may naisip siya bigla. Doon ko na kinuwelyuhan si Kiel. "Wala na akong kuya. ‘Wag mo nga siyang banggitin muli. Di na siya parte ng tropahan natin. Damn it! Hindi ko gusto si Autumn,” inis na sabi ko. Pumagitna naman sa amin sina Ace at Dylan.
"Awat na 'yan."
"Chill lang mga dude. Ang gwapo ko.”
"Totoo naman, Mello a? Si Near ang nagsabi no’n. Kaibigan pa rin namin siya kahit hindi na natin nakakasama. Kung nagalit ka sa kaniya, hindi ibig sabihin noon ay pati kami kailangan nang magagalit sa kanya. Kung magkakagusto ka kay Leigh, ako mismo ang maglalayo sa kaniya mula sa ‘yo,"saad pa ni Kiel.
"Bitiwan mo nga ako, Ace! Gago ka pala! E ‘di doon ko na sa bestfriend mo! 'Wag mong pakikialaman ang mga desisyon ko, Dave. At 'wag mong subukan na ilayo sa akin si Autumn,” sagot ko pa. Hindi naman nila alam kung ano ang binabalak ko sa babae na ‘yon.
"Ha! At bakit? Dahil nga may gusto ka na sa kaniya?!" Nainis na ako nang tuluyan dahil sa pagsigaw niya kaya kumawala ako kay Ace at sinuntok siya. "Gago! Wala akong gusto sa kanya! Kailan ka pa natuto na lumaban sa akin?!" sigaw ko. Ginantihan niya rin ako ng suntok pero medyo naiwasan ko ‘yon. Ako ang pinakamahusay at kilalang mafia rito sa Elysian Island. Walang makakatalo sa akin ni sino. Hindi ko inaakala na darating ang araw na ito kung kailan magagawa akong kalabanin ng isa sa mga kaibigan ko.
"Hoy! Brown, tulong naman sa pag-awat!" rinig kong sigaw ni Dylan. Biglang pumagitna sa amin si Ace kaya siya ang nasuntok namin ni Dave sa magkabila nitong pisngi. Nagulat din ako na siya ang nasuntok ko. Kahit papaano ay hindi ko naman gustong saktan ang mga kaibigan ko.
"What the fvck!" sigaw niya at saka mabilis kaming sinuntok na dalawa. Hindi ko ‘yon inasahan kaya hindi ako nakapaghanda. Damn! Nagalit na si Ace! Hinawakan siya ni Dylan at Brown sa mga braso. Kakaiba rin kung magalit ang isang ‘to. Hindi siya agad napapakalma, kaya kailangan ay kami muna ang kumalma.
"f**k it! Ano ba ang kasalanan ko?! Bakit kailangan niyo akong suntukin, ha?! Umaawat lanng naman ako sa inyo! Tapos susuntukin niyo pa ang gwapo kong mukha! Sige! Magsuntukan na kayo! Hindi ‘yong nandadamay pa kayo! Mga gago!” galit na galit na sigaw niya. Huminga naman ako ng malalim. Pinakita namin ni Dave na kumalma na kaming dalawa. Para hindi na rin siya magalit muli.
"Ace... kalma pare. Hindi ka naman gwapo— joke lang,” sabi pa ni Dylan at nag-peace sign dahil sinamaan siya ng tingin ni Ace. Marahas na hinila ni Ace ang braso niya kay Brown at nag-walk out. "Kasalanan mo 'to, Dave. Kung ano-ano kasi ang mga sinasabi mo sa akin, kaya nainis ako,” sisi ko. Kapag ang tawagan na namin ay mga first name namin, ibig sabihin ay galit o inis na kami sa isa't-isa.
"Ako pa? Wow! Baka ikaw, 'no? Apektado ka kasi masyado sa tanong ko,” nang-aasar na sagot niya. Gusto ko na namang suntukin ang pagmumukha niya. “Wala kang alam sa mga gagawin ko, kaya 'wag ka nang mangialam pa."
“May binabalak ka ba sa kaniya?” seryosong tanong niya sa akin. Ngunit nginisian ko lang siya saka tinalikuran na sila at pumunta sa kwarto ko. Nakakainis! Narinig ko na naman ang pangalan ng Near na 'yon! Kahit kailan talaga, lagi siyang tama sa paningin ng ibang tao at ako ang mali. Hindi pa rin siya nakakalimutan kahit na hindi na namin nakakasama at nakikita.
***
[NEAR'S POV.]
I can't believe na natalo ako ng isang babae! Damn it! I didn't know na may babae pala sa mga Griffin! How come na ngayon ko lang siya nakita at nakilala— wait. Hindi ko pa rin pala siya kilala. She didn't even say her name! Pinuntahan ko rin ang Supreme kanina at tinanong ang pangalan niya pero ang sabi lang nito, 'Kapag ‘di niya sinabi sa 'yo, wala kaming karapatan na sabihin ang impormasyon niya.' Mahigpit talaga ang Supreme kapag sa mga ganoong bagay. Kaya wala na rin akong magagawa. Pero ngayon ay napatunayan ko nang nagbalik na ang Griffin at narito sa Elysian Island. Gagawa ako ng paraan para makuha ko ang lahat ng mga impormasyon ng mamamayan dito sa Elysian Island.
Now, I'm on my way to Alston University. Doon ako mag-aaral. f**k! Kung hindi lang ako inutusan ni Mom ay hindi ako uuwi dito sa Pilipinas. Mom told me that I have to looked for Mello. Kailangan ko siyang bantayan. Mukhang may mga maling bagay na namang nagagawa si Mello rito, kaya siya pinapabantayan sa akin. Hindi ko na inalam pa ang mismong rason. Hindi rin naman ako makaka-hindi kay Mom. Kahit na ayaw kong makita si Mello ayaw kong mag-stay dito sa bansang ito. Mas masarap ang buhay ko sa ibang bansa.
"Mom, bakit pa? He's not a kid anymore. He doesn't need me. Hindi na kailangan na may magbabantay sa kaniya sa Pinas. Or bakit hindi na lang kayo mag-utos sa mga tauhan natin na nasa Elysian Island na bantayan ang bawat kilos ni Mello?"
"Shin! Kailan ka pa sumuway sa akin? He is your younger brother, kaya kailangan mo siyang bantayan sa Pilipinas." ‘Di ko siya masusuway at ako ang nakakatandang kapatid ni Mello. Pero galit sa akin ‘yon dahil sa nangyari noon.
"Mom, I'm not going to do that. Masaya na ako rito sa France. Maraming mga tauhan natin ang pwedeng magbantay sa kaniya. Hindi na kailangan na ako pa mismo ang magbantay sa kaniya roon. Hindi ko gusto na magpunta sa Elysian Island."
"I will cocnfiscate all of your credit cards at ibibigay ko kay Mello lahat ng businessed mo na ipinamana sa ‘yo ng daddy mo--"
"Fine, Mom! I will go there right away!"
Pero binlockmail din ako ni Mom, kaya tuluyan akong pumayag. Me and Mello are not in good terms! Ano na ang mangyayari kapag nakita niya ako mamaya? I'll study on Alston as college student though, isang year na lang naman ay graduate na ako. Doon ako sa dorm nina Ixen at Dylan dahil magkakasama na sina Kiel, Brown, at Ace sa iisang dorm. Si Mom naman ang nag-ayos ng mga papeles ko sa pag-transfer. Ang bilis niyang naayos agad na para bang matagal na niyang plano na papuntahin ako rito sa Elysian Island. Kahit yata hindi na niya hinihingi ang permiso ko ay wala akong magagawa kung ‘di ang pumunta rito.
Nang makarating ako sa Alston University ay dumeretso agad ako sa dorm nina Ixen. Well, mabilis naman akong nakapasok dahil kilala ako ng bodyguard. ‘Di na ako kumatok at dere-deretsong pumasok sa loob. Naabutan ko si Dylan na nanonood sa salas. Gulat na gulat siyang napatingin sa akin na para bang nakakita siya ng multo.
"S-shin?" Parang ‘di pa siya makapaniwala na narito ako sa harapan niya ngayon. Natawa naman ako, "Yo, Dylan! Long time no see,” bati ko.
"What the hell are you doing here?!" Bago pa makapagsalita si Dylan ay dumating na si Ixen at sumigaw. "Chill, bro. I'm—“
"I said, what the hell are you doing here right now?!"sigaw pa niya at kinuwelyuhan na ako. Ngumisi ako sa naging reaksyon niya nang makita ako. ‘Di pa rin siya nagbabago. Makita pa lang niya ako ay nag-iinit na agad ang ulo niya.
"I'm here to study.”
"Bakit dito ka pa mag-aaral?! Doon ka sa ibagng eskwelahan mag-aral o sa ibang lugar, huwag dito sa Elysian!" Hinawakan ko naman ang kamay niya at marahas na tinanggal sa kwelyo ko. "Mom wants me to study here. And besides, aasikasuhin ko rin ang business ko rito sa Pilipinas. Mom said na rito na lang ako sa dorm mo matulog," paliwanag ko.
"What?! Bakit hindi ko alam ang tungkol d’yan? Damn it!" inis na sigaw niya. "Bakit kailangan na dito pa? E ayaw nga kitang makita o makasama man lang! f**k!"
"I don't have any choice, Xen. Hindi rin naman kita gustong makita. Pwede ba? Stop acting like a kid and act like a man. Move on,” sabi ko na mas ikinainit ng ulo niya. "I'm not a kid, dumbass!" Akmang susugod siya sa akin nang pumagitna na si Dylan. Hindi pa rin niya kayang makontrol ang emosyon niya. No wonder, kaya wala pa ring tiwala si Mom sa kakayahan niya. Dahil malaki pa rin ang posibilidad na matalo si Mello kapag may hindi magandang naganap. Hindi siya nag-iisip at basta kilos na lang. Kaya siguro talaga pinapunta ako rito ni Mom para bantayan siya. Batang-bata pa rin talaga siya kung mag-isip at kumilos.
"Hep! Bro, chillax. Sige na Shin, ako na ang bahala dito kay Xen. Punta ka sa isa pang room sa taas. Mas maganda na hindi muna kayo magkasalubong ng landas sa ngayon,” aniya. Tumango na lang ako at sumunod. Wala rin naman akong lakas para makipagtalo pa kay Ixen ngayon. Pagod pa ang katawan ko dahil hindi pa ako nakakapagpahinga ng ayos simula kagabi. Marami pa akong iniisip at isa na roon ay ang babaeng Griffin. Kailangan ko pang mag-isip kung ano ba ang dapat ko na gawin para malaman ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Ang kilala ko lang ay ang lalaking Griffin na kalapit lang din ng edad ko. Tapos dumagdag pa sa isipin ko si Ixen.
Paano na lang kapag nalaman ni Ixen na inutusan ako ni Mom na bantayan lahat ng kilos niya? Na parang itinuturing pa rin siya ni Mom na isang bata at hindi kayang protektahan ang sarili niya? Baka mapatay na ako ni Ixen ng dahil sa galit niya kapag nalaman niya ‘yon. Knowing Ixen? He wil do everything that he wants just to get rid of me.