Chapter Nine: Brothers

2500 Words
[NEAR'S P.O.V.] Tahimik pa rin ang nerd na kasama ni Ixen matapos siyang tanungin nito. Miski ako ay nagtataka rin kung paano niya nalaman ang pangalan ko at na kapatid ko si Ixen. Imposible rin naman na banggitin pa ako ni Ixen sa ibang tao. Ni sambitin niya nga ang pangalan ko ay hindi niya magawa. Kaya alam ko naman na wala dapat siyang ideya na kapatid ako ni Ixen. Hindi rin naman kami magkamukhang dalawa. “I overheard your conversation with your friends the other day,” tanging sagot na lang niya saka siya umalis. Iniwan na niya kaming dalawa ni Ixen dito sa parking lot. Mukhang napag-usapan ako ni Ixen at ng mga kaibigan niya. Teka, ang sabi ni Ixen ay girlfriend niya 'yon. I still can't believe na pumatol siya sa gano’ng itsura ng babae. That was not his style at all. Kaya sigurado naman ako na niloloko lang ako ni Ixen, o ‘di kaya ay pinagtitripan lang niya ang babae na ‘yon. Poor her. Pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko ugali ang mangialam sa mga gano’n na bagay. Kahit talaga ano ang itsura ng mga tao, basta mapera ay makakapasok pa rin dito sa Elysian Island. I wonder kung sino ba ang may-ari nito. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung sino ang nagmamay-ari ng isla na ito. Para bang napakalaking misteryo nito sa aming mga Silvestri. Pero hindi naman na masiyadong pinapakilaman nina Mom ang lugar na ito dahil wala namang mga ginagawa sa amin ang may-ari nito. Sobrang ganda rin talaga ng kabuaan ng isla. Sigurado ako na baka mas mayaman pa sa amin ang may-ari nito. Gusto ko rin na magkaroon ng sariling isla sa oras na mas lumago ang mga pera ko at makahanap ako ng magandang lugar. Hindi na ako pumasok sa next class ko. Actually, alam ko na naman ang tinuturo ngayon ng Prof namin dahil advanced ang turo sa France. Strategy lang naman itong pagpasok ko rito sa Alston para mas mabantayan ko raw ng maigi ang bawat kilos ni Ixen. Para bang kalaban namin siya para bantayan ko pa. Pumunta na lang ako sa isang bar. Lumabas ako ng Alston. May klase rin naman si Ixen ngayon, kaya hindi ko siya mababantayan. Mas magtataka lang siya kapag madalas niya akong makikita na nakaaligid sa kaniya. Kailangan ko munang mapag-isa. Nakarating agad ako sa malapit na bar na nakita ko. Hindi naman ako bagong salta rito sa Elysian. Kaya kahit papaano ay alam ko ang mga lugar dito. Ni wala akong nakitang lugar dito na para sa mga mahihirap. Lahat ay mga high-end restaurants, bars, malls, resorts at beaches. Mga ospital at mga subdivisions dito ay mamahalin. Pati na rin ang mga paaralan. Sa sobrang lawak nito ay hindi aakalain na isang isla. Maraming taon ang ginugol para magawa ang isang napaka-gandang paraiso na ito. Um-order ako ng alak saka umupo sa isang table. Napa-isip ako sa mga sinabi noong nerd kanina. She's right, ako ang matanda sa amin ni Ixen kaya dapat ay hindi ko siya pinatulan kanina. Tangina kasi! Ang sakit kaya noong suntok niya sa akin! Inaalagaan ko ng ayos ang gwapo kong mukha, tapos gano’n lang ang ginawa niya sa akin. Ako na nga ang nakakatanda, pero nagawa pa niya akong masaktan. Talaga ngang hindi na ako tinuturing ni Ixen bilang kadugo o kapatid niya. Naisip ko muli ang huling sinabi ni nerd. Hindi ko alam kung bakit ko siya naiisip ngayon. Tama naman ang mga sinabi niya, babae lang naman ang pinag-awayan namin noon ni Ixen. Kung tutuusin, dalawang taon na ang nakalipas. Pero mukhang malaki pa rin talaga ang galit sa akin ni Ixen. Hindi pa rin siya nakakalimot sa nangyari sa pagitan namin noon. "Kuya Near! I want you to meet my girlfriend!” tuwang-tuwa na pagbabalita sa akin ni Ixen. Nginitian ko naman siya. Halata ko sa itsura niya na sobrang excited na siya na ipakilala sa akin ang babae na natitipuhan niya. "When?" I asked. He's so cute. He's just a second year highschool pero seryoso na siya sa relasyon nila no’ng girlfriend niya. Ang sabi niya sa akin ay mas matanda ng isang taon 'yong babae sa kanya. Kung tutuusin ay sobrang bata pa niya para makipag-relasyon, but that’s normal here. Wala naman kami sa Pilipinas kaya hindi istrikto. Isa pa ay lalaki naman si Ixen. Mag-iisang taon na rin sila na nasa iisang relasyon. Kaya masasabi ko na ang tibay ng pagmamahalan nila. “Tonight! So I want you to prepare,” nakangising sagot niya sa akin. I smirked too at ginulo ang buhok niya. Nagyayabang ang kapatid ko. Mabuti pa siya ay may kasintahan na sa edad niya na ‘yan. Samantalang ako ay walang pakialam sa mga babae. Kahit na marami akong nakikita na naggagandahang mga babae rito. "Nah, I don't need to prepare. Gwapo na naman ako. Kaya hindi ko na kailangan pang maghanda,” pang-aasar ko. Sinimangutan niya naman ako. "I'm more handsome and cuter that you,” seryosong sabi niya. Natawa na lang ako. Kalalaking tao niya ay napaka-moody niya. Mukhang nahawa na siya sa kaniyang girlfriend. Mag-iisang taon na sila pero ngayon pa lang niya ipapakilala sa akin ‘yon. "Yeah, you’re right. Pagbibigyan na kita ngayon dahil ipapakilala mo na sa amin ang girlfriend mo,” sabi ko pa. Kinagabihan ay nag-set ng dinner si Ixen sa malaking bahay namin. Miski sina Mom at Dad ay ayos na. Maayos na ang lahat at sina Ixen na lang ang hinihintay namin na dumating sa bahay. Pinaghandaan talaga ni Mom dahil spoiled din naman sa kaniya si Ixen. Maya-maya ay dumating na rin sila. May taste talaga si Ixen. Napaka-ganda ng girlfriend niya. Kung titingnan mo, halata mo na agad na matured na ang babae kung mag-isip. May pagkaseryoso ang itura niya pero ang ganda niya. Napatingin din siya sa akin at bigla na lang napalitan ng pagkagulat ang itsura niya kaya nagtaka ako. Kilala na ba niya ako? Pero hindi naman ‘yon imposible dahil malamang ay nabanggit na kami ni Ixen sa kaniya noon pa man. Ewan ko ba naman kay Ixen at ngayon lang niya naisipan na ipakilala sa amin ang kaniyang girlfriend. "Mom, Dad, Kuya Near, this is my girlfriend and soon-to-be fiancé, Kacie Gaillard,” nakangiting pakilala ni Ixen sabay akbay pa kay Kacie. Nginitian naman namin siya. Ang lakas ng loob niya at mukhang kampante na siya na magiging fiancé niya nga ang kasintahan niya na ito. Masiyado pang matagal ang panahon na ‘yon bago mangyari. Pero hjndi ko naman gustong sirain ang magandang mood niya. "It's nice to finally see you, ija,” bati ni Mom sa kanya at nakipag-beso. "Nice to meet you too, Tita and Tito,” magalang naman na sabi niya. If I know, half-filipino siya. Napatingin na naman siya sa akin. Inabot ko ang kanang kamay ko para makipag-shake hands sa kaniya. Pero medyo naiilang ako sa bawat tingin niya sa akin. O baka dahil hindi naman talaga ako sanay na makipag-interaksyon sa mga babae? "Hi, good evening. I'm Near Shin Silvestri, brother of Ixen,” pakilala ko. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o ano, pero parang namula ang mga pisngi niya noong nakipag-shake hands siya sa akin. May kakaiba talaga sa kaniya. Natapos ang dinner at maganda naman ang kinalabasan. Masaya naman kausap at kakwentuhan si Kacie. Para ngang mas kumportable siya sa akin. Lagi kasing ako ang nakaka-usap niya. Napansin ko na mas itinuon niya ang atensyon niya sa akin, kumpara kay Ixen na nasa tabi niya. Pero baka nakikipag-close lang talaga siya sa amin, kaya gano’n. Lumipas ang mga araw, lagi nang pumupunta si Kacie sa bahay namin. Minsan kami ang magkasama kasi pag pumupunta siya, wala si Ixen kaya kami ang nag-uusap. Bigla na lang kasi siyang napunta sa bahay, tapos dinadahilan niya na hindi niya alam na wala pala si Ixen sa bahay. Hindi naman na ako nagtaka roon. Baka siguro minsan ay hindi nasasabi ni Ixen na wala siya sa bahay namin. Ang effort naman ni Kaicie dahil lagi niyang pinupuntahan si Ixen. Marami na akong nalalaman tungkol sa kaniya at gano’n na rin siya sa akin. Close na close na nga kami. Magaan ang loob ko kapag kausap ko siya at para bang nakababatang kapatid ko rin. Pero napag-alaman ko na magkasing-edad pala kaming dalawa. Kaya siguro minsan ay parehas kami ng mga kumento tungkol sa ibang bagay. Minsan pa nga, isang beses ay nag-joke si Ixen sa akin. Sabi niya ay malapit na raw siya magselos sa akin. Pero siyempre ay may tiwala raw siya sa akin at lalo na sa girlfriend niya. Pero unti-unti ay nahuhulog na ang loob ko kay Kacie. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang nararamdaman ko. May kakaiba sa mga ikinikilos at ipinapakita sa akin ni Kacis. Para bang sinasadya na niyang magpunta sa bahay namin, kahit na alam niyang wala roon si Ixen. Naiisip ko na baka ako ang pinupuntahan talaga niya at hindi si Ixen. Nagi-guilty ako. Kasi pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kapatid ko. Lagi 'kong itinatatak sa isip ko na girlfriend siya ni Ixen. Pero hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Sinubukan ko naman na lumayo sa kaniya , pero siya 'yong lapit nang lapit sa akin. Nalaman niya na may gusto ako sa kanya dahil nadulas ako sa kaniya isang araw. "Sino ba kasing natitipuhan mo, Kuya Near?" "Basta. Secret." "Please tell me? Who's the lucky girl, huh? Yiii~" She kept on teasing me. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinipilit ko na nga na umiwas sa kaniya dahil hindi tama ang nararamdaman ko na ‘to. Pero siya na ang nagawa ng paraan kaya kami naglalapit. "Damn! It's you!" Nanlalaki ang mga mata niya noong marinig ang nasabi ko. Inaasahan ko na naman na magugulat siya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Near, I love you.” Agad ko siyang nailayo sa akin. Kumunot ang noo ko. Kahit na gusto ko siya, hindi pa rin tama na sulutin ko siya. Dahil mahal siya ng kapatid ko at si Ixen ang nauna sa kaniya, hindi ako. Kasalanan nang nagkagusto ako, pero mas kasalanan lalo kapag pinatulan ko siya. "What the hell?" hindi makapaniwalang sambit ko sa kaniya. "Believe me, I love you. Tanda mo ba noong unang nagkita tayo sa bahay niyo? I was so shocked that time. I didn't know that you’re Ixen’s brother. Matagal na kitang nakikita sa school at crush nga kita noon pa. Kaya I was so happy when the both of us got close to each other. I really love you, Near. Hindi ko na maramdaman pa ang pagmamahal ko kay Ixen. Nagsimula ‘to noong nakita na kita sa malapitan.” Inilayo ko siya sa akin, "Kacie— I know that I'm already falling for you, but you’re still Ixen's girlfriend." "Near, if you want me to broke up with him then I'll do it--" "No." Naisip ko na anniversary na nila bukas. Isa pa ay wala akong balak na agawin si Kacie kay Ixen. Hindi ako gano’n kababaw na tao at bilang nakatatandang kapatid ni Ixen, nag-iisip din naman ako. "But Near, I really love you.” Then the next thing I knew, she was already kissing me. Nakita ni Ixen ang nangyari na ‘yon. 'Yong part na hinahalikan na ako ni Kacie. I didn't kiss her back. Mali ang inakala ni Ixen sa amin. Umiral na agad ang galit niya dahil sa nakita niya. Sinuntok niya ako no’n at siya na rin mismo ang nakipag-break kay Kacie. Hindi man lang niya ako hinayaan na magpaliwanag sa kaniya. Where in fact, si Kacie naman talaga ang nagtaksil sa kaniya. Hindi ko ginusto ang nagawa ni Kacie. Siya rin naman ang nagawa ng paraan para magkasama kaming dalawa noon at mapalapit siya sa akin. That was all of her plan. Simula noon ay hindi na ako nagpakita pa kay Kacie. Siya ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Ixen hanggang ngayon. Kacie was her first love. And yeah, first break up. Naka-tatlong bote ako ng alak at saka ako nagpasya na bumalik na sa Alston. Kakausapin ko na si Ixen. Hindi maaari na ganito na lang kami habangbuhay. *** [MELLO'S P.O.V.] Hindi ko alam kung nasa loob ba si Near o wala. Narito ako ngayon sa harap ng kwarto ni Near. Naisip ko kasi ang mga sinabi ni Leigh sa akin kanina. To be honest, hindi ko dapat iyon pinagtutuunan ng pansin. Pero nagsasawa na ako sa set-up lagi namin ni Near. Tama rin naman siya, ang isip-bata ko pa rin ngayon. Hindi ko pa rin magawang matanggap ang kataksilan na nagawa niya sa akin noon. Lalo na at kapatid ko siya. Pero wala naman na akong pakialam ngayon kay Kaicie. Oras na rin siguro para maging ayos na kami ni Near. Ilang minuto na ako rito at hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano. Fvcj. I'm Mello Ixen Silvestri, kaya bakit ako kakabahan? Nagdesisyon na akong kumatok pero noong akmang kakatok na ako— "Ixen." "WHAT THE FUCCCKKK!!!" Napasigw na ako dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin kay Near. f**k! Ang bakla ko! Nagulat ako dahil sa sobrang kaba ko. "Bakit naritan ka? Bakit wala ka sa loob ng kwarto mo?" tanong ko. Tangina! Nakakahiya! "Ixen, I should be the one asking you. What are you doing in front of my room?" Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto niya. Napa-tsk ako sa loob-loob ko. Stupid me. "Wala.” Tumalikod na ako pero nagsalita ulit siya. "Hey, Ixen. Can we talk?" Hindi ako nagsalitapero nanatili ako sa pwesto ko. Narinig ko na huminga siya ng malalim. Mukhang nakainom siya dahil sa amoy ng alak na galing sa katawan niya. "Look, I'm sorry. Ngayon lang ako mage-explain tungkol sa nangyari sa pagitan natin noon. 'Cause you know, you didn't even gave me a chance to explain everything to you. Maybe you saw us kissing pero siya talaga 'yong humalik sa akin. Ixen, believe me. Hindi ko naman talaga siya aagawin sa ‘yo. I didn’t even kiss her back—“ Humarap na ako sa kanya, "Past is past. I've moved on already,” mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. "One question, one answer," seryosong sabi ko, "Can we be brothers again?" Bigla siyang ngumiti sa akin at iniabot ang isang kamay niya. "Of course. We're always be brothers. Forever." Napangiti na rin ako at saka kami nag-man to man hug. "Bro! Sorry,” sabi ko rin. Tinapik niya ang likod ko, "Masakit ha,” biro niya. Natawa na rin ako. Close naman talaga kaming dalawa. "EWWW~! BROMANCE FUCKERS!" Napahiwalay kami sa isa't-isa dahil may sumigaw. Tiningnan naman namin ng masama sina Ace at Dylan. "TANGINA NIYO! PANIRA NG MOMENT!" sigaw ko sa kanila saka ko sa hinabol. Masaya ako na babalik na kami sa dating magkapatid ni Near.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD