[ASHLEIGH'S P.O.V.]
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Tangina. Wala ako sa mood ngayon. Sobrang init ng ulo ko. Umagang-umaga kasi ay pinainit ni Blaine ang ulo ko. Nauna na tuloy akong nag-ayos ngayon ng sarili kaysa kina Cassie. Mabuti pa sila at maya-maya pa magigising.
I'm already going downstairs to eat my breakfast when I saw Blaine's door opened. Lumapit ako roon at akmang isasarado na nang may nagtulak noon mula sa loob kaya nauntog ang noo ko. Ang alam ko ay nasa baba si Blaine. Napindot niya kanina ang red button na nasa kwarto niya, kaya naman tumunog ang alarm na nasa kwarto ko. Akala ko ay may emergency, pero nag-text siya na matulog na ulit ako dahil napindot niya lang. Ako lang din naman ang nakarinig no’n, kaya ‘di naistorbo ang tulog ng mga kaibigan ko. Soundproof ang lahat ng mga kwarto namin dito. Tsaka sa akin lang nakakonektado ang alarm na ‘yon. In case of emergencies.
"Ouch! What the f**k!" inda ko. Inis kong binuksan ang pinto at nakita ko si Blaine na may kahalikan na babae. What the f**k?! Akala ko ba ay nasa baba ang lalaki na ‘to?! Kaya naman pala napindot ang alarm button dahil may kakaibang ginagawa. My gosh, madaling araw pa lang.
Agad akong lumapit doon sa babae at hinila ang buhok niya. Gulat na gulat naman si Blaine. Naka-bra at panty na lang kasi ang babae na kalampungan niya at si Blaine naman ay wala ng damit sa itaas.
"O-ouch, hey! Who the hell are you?!" sigaw ng babae sa akin.
"Damn you! Bakit mo sinarado ang pinto ha?! Do you know how much it hurts?” inis na sigaw ko sa kanya. Ibalibag ko rin kaya ang ulo niya sa pinto?!
"Hey Ash, easy. What happened? Can you please—“
"Manahimik ka!" sigaw ko kay Blaine. Hinila ko palabas 'yong babae kahit na naka-underwear lang siya. ‘Di ko naman siya kilala kaya wala akong pakialam sa kaniya.
"What's happening— oh,” biglang sambit naman ni Scarlett pagkakita niya sa amin. Hinila ko palabas 'yong babae at nakasunod lang naman sa amin sina Blaine. Nagising na rin sila.
"The heck! Get off me, you b***h!" sigaw pa niya. Inihagis ko siya sa labas ng gate namin.
"Guard, isarado mo na 'yang gate,” utos ko pero hindi gumalaw 'yong guard namin. Tiningnan ko siya at titig na titig siya sa katawan noong babae. Ang tanda na nito pero ang manyak pa. Ganito ba talaga sa bansang ito?
"GUARD, DO YOU WANT ME TO FIRE YOU?! I SAID, CLOSE THE GATE!" sigaw ko. Aligaga naman na sinarado niya ang gate namin. Umiiyak naman na ang babae roon at nilalamig na, pero wala akong pakialam. Pumasok na ako sa loob at nakasunod pa rin sa akin sina Blaine.
"What was that for?" parang naguguluhan na tanong ni Nadine.
"Nakakainis e! I was about to close Blaine's door kasi nakita ko na nakabukas, tapos bigla na lang itinulak noong babaeng 'yon ang pinto! Nauntog tuloy ang noo ko! Tapos nakita ko pa na nakikipag-lampungan kay Blaine! Umagang-umaga,” irita na sabi ko sa kanila saka umupo sa couch.
"What? 'Yon lang pero grabe na ang ginawa mo doon sa babae,” parang 'di pa makapaniwala si Icie. Inirapan ko naman siya.
"You know her guys, she's totally a b***h. Bakit pa ba tayo nagtataka, right? Para namang hindi tayo sanay sa ugali niyang ‘yan noon pa,” Scarlett added.
"Pati nga ‘yong guard ay sinigawan din niya,” kumento rin ni Cassie.
"Ash, nabitin ako." Tiningnan ko ng masama si Blaine saka ako tumayo.
"What the f**k? Sino ba naman nag matinong alas-singko ng umaga makikipag-s*x?” sagot ko at umakyat na sa kwarto ko. Magpapalipas na lang ako ng oras para kumalma ako bago pumasok sa university.
Hanggang sa makapasok ako sa Alston ay wala ako sa mood. Maaga rin akong pumasok kaysa sa mga kaibigan ko. ‘Di rin naman pwede na sabay-sabay kaming papasok dahil baka mahalata nina Mello na magkakasama kami sa iisang bahay. Nagugutom na ako dahil hindi ko rin nagawang kainin ang breakfast ko kanina.
Since maaga pa naman, dumeretso ako sa Starbucks na malapit dito sa Alston. I ordered a frappe and ensaymada. This would be my breakfast. While I'm eating, I saw Mello walking towards me. I just continued eating. Baka mas lalong masira ang umaga ko dahil siya ang nakita ko ngayon.
"Hey, good morning." Tinaasan ko siya ng kilay. “What's so good in the morning'?" mataray na tanong ko at inirapan siya saka nagpatuloy sa pagkain. Baka malimutan ko na naman na isa akong nerd. Buti na lang ay may makakapal na libro na nasa harap ko ngayon habang kumakain ako. Props lang naman ang mga ito para magmukha talaga akong nerd.
"Woah. Why so hot?" Nakangisi siya ngayon sa akin. “I'm always hot.” Nakakainis lalo ang presensya niya. Can't he see that I'm eating here?! Istorbo siya. Sira na nga ang umaga ko, lalo pa niyang sinisira.
"Well, just stating the obvious. By the way, what are you doing here?"
"You’re asking what's already obvious. Malamang, nakain ako ngayon kaya ako narito,” sarkastiko na sagot ko. Natatanga na yata ang lalaki na ‘to at wala na sa katinuan.
"Ang init ng ulo mo,” sagot niya tapos umalis siya para um-order ng coffee at ensaymada niya. Saka siya bumalik dito sa lamesa ko.
"You know what, sometimes I don't understand girls. Para silang panahon, paiba-iba ng mood,” sabi niya pa sabay kagat sa ensaymada niya.
"I don't understand boys too, parang ikaw… You’re a big jerk, paiba-iba ka ng babae." Tiningnan niya ako saka ngumisi.
"But I want you to be my girl." Tiningnan ko rin siya at nginisian. Gusto niya na maging girlfriend ako? Papayag sana ako, kaso hindi niya naman ako mahal. So how am I supposed to break his heart, right? Kailangan ay mapahal siya sa akin, nang sa gano’n ay manalo ako.
"Hindi na uso sa inyo ang bro code?" tanong ko. Natigil naman siya. “Naging ex ka nga pala ni Kiel. But so what? I'm interested to you,” sagot niya sabay kindat pa niya sa akin. Cringe, tangina.
"Whatever you say.” Inirapan ko naman siya. “Hindi ako naniniwala na ex ka ni Kiel.”
“Wala akong pakialam kung ‘di ka maniwala dahil lang sa itsura ko. Kahit ganito ako ay may papatol sa akin dahil sa ugali ko.”
"By the way, bati na kami ni Near." Tiningnan ko siya muli at wala man lang akong reaksiyon. So what kung bati na sila? Anong pake ko? Naaalala ko na naman kahapon na muntik na nila akong mahuli na maraming alam tungkol sa kanila. ‘Di ko na namalayan ang mga sinasabi ko kahapon dahil natataranta ako para sa sasakyan ko.
"So?"
"Anong so? It's because of you kaya kami nagkabati."
"Then just say thank you,” sarkastiko na sagot ko. “Saying thank you is not my style,” nakangising sabi niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. Pa-cool pa siya, ‘di naman bagay sa kaniya.
***
Pumasok na kami sa klase namin. Hindi ako nakikinig sa guro na nasa harapan, dahil alam ko na naman ang itinuturo niya. The second subject, nakaramdam ako ng sakit sa may bandang puson ko. s**t!
Napasubsob ako sa desk ng upuan ko at napahawak ako sa puson ko. Ang sakit! Damn it! Mukhang magkakaroon na yata ako ngayon. ‘Di pa man din ako nakapaghanda.
"Hoy. Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mello pero hindi ko siya pinansin. Napapikit ako at itinaas ang isang kamay ko.
"Yes, Miss Deville?" tanong noong terror na teacher sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ko siya.
"Can I go to the rest room, Ma'am?” tanong ko. “You’re disturbing my class, don't--" Hindi ko na siya pinatapos pa.
"Please, Ma'am?"
“Payagan niyo na Ma'am! Baka natatae 'yan!" sigaw ng isang babae kong kaklase. Saka sila malakas na nagtawanan dahil doon. ‘Di pa sumabog ang mga bibig ng mga ‘to.
"Eww~ Sige na, Ma'am. Baka bumaho pa rito sa room,” sabat pa ng isang maarte kong kaklase. Tiningnan ko sila at nagtatawanan pa talga sila habang nakatingin sa akin. Tangina ng mga ‘to. Humanda sila sa akin ‘pag nagkataon na tapos na ang pagpapanggap ko.
"Okay. You may go." Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng puson ko. f**k! Isa 'to sa kahinaan ko, ang sumakit ang puson ko. Ramdam ko na babaeng-babae talaga ako sa kada buwan na may ganito.
Pagtayo ko ay nagtawanan lalo ang mga babae sa likod ko. Pati na rin ang mga lalaki. Sobrang lakas ng tawanan nila. Ngayon ko naramdaman ang pakiramdam ng isang nerd na walang magawa para malabanan sila.
"ANG LANSA N’YAN!" sigawan ng mga lalaki. Napapikit ako, hindi kaya—
"s**t. Leigh, you have blood stain on your skirt,” bulong ni Mello sa akin. Agad akong humarap sa mga kaklase ko para ‘di nila makita ang likuran ko. Ang sakit pa ein ng puson ko. s**t! Meron ako! Kaya pala ang init ng ulo ko kahapon at kanina dahil magkakaroon ako! Ang tanga ko at 'di ko nararamdaman agad ‘yon. Natagusan pa tuloy ako. Nakakahiya!
Sinamaan ng tingin ni Mello ang mga kaklase ko at natahimik naman sila. "Who the hell shouted that?" seryosong tanong n'ya habang nakatingin sa mga lalaki.
Walang umaamin at 'di sila makatingin kay Mello. "I SAID WHO?!" sigaw ni Mello. Natakot 'yong lalaki na sumigaw kaya agad na tinaas n'ya ang kamay n'ya.
"Ako po,” takot na sagot niya.
"Get ready. You’re already included in my black list.” Hinila na ako palabas ni Mello. Walang tao sa hallway dahil may klase.
"Mello, ang sakit!" sigaw ko sa kanya kaya natigil siya sa paghila sa akin. Hindi kasi ako makapalag dahil nga MASAKIT ANG PUSON KO!
"What? Anong masakit?" tanong niya sa akin. Napayuko na ako habang nakahawak sa puson ko. Ang hirap kapag unang araw ng regl.
"Heck. Ang sakit ng puson ko,” mahinang sagot ko. Alam ko naman na narinig niya ‘yon.
"What's... puson?" Napatingin tuloy ako sa kanya. Tangina! Lalaki kasi s'ya kaya hindi niya alam. Wala naman sila no’n.
"Basta! I can't walk. It hurts,” sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin ng pang-bridal shower. Tangina. Buti pala ang haba ng palda ko. Tangina. Nakakahiya!
"Hey, Ash!" narinig kong tinawag ako ni Scarlett kaya napatingin kami sa kanya.
"Here's the key of my locker. Get my extra skit there,”bsabi niya at inabot ang susi ng locker niya kay Mello. “Do you have napkins there?" tanong ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Mukha ba akong naglalagay ng napkin sa locker?" sarkastiko na tanong niya. Oh yeah, I forgot.
"Ge." Tapos ay pumasok na ulit siya sa classroom. Inihatid ako ni Mello sa Restroom ng babae. Buti walang tao nang dumating kami. Iniupo niya ako sa isang cubicle.
"I'll just get Scarlett's skirt,” paalam niya at akmang lalabas na siya nang cubicle pero tinawag ko siya.
"Get her underwear too. And... Mello, can you… can you buy me a n-napkin?" medyo nahihiya pa ako. This is the first time that I got embarrassed’
"What's napkin?" kuno-noo na tanong sa akin ni Mello. Tangina. Gusto ko siyang murahin. Pati pala ‘yon ay hindi man lang niya alam. Puro kamanyakan at kabastusan lang pala ang alam nitong ni Mello.
"Just... ugh! Just go to the cafeteria and buy me a napkin there. Please?" Labag pa sa kalooban ko ang magplease sa kanya, pero kailangan. "And with wings,” dagdag ko. Inirapan niya ako saka siya lumabas ng C.R.
Sinarado ko ang cubicle at nanatiling nakaupo sa bowl. Medyo masakit pa rin ang puson ko. Maya-maya lamang ay dumating na si Mello at inilagay sa ilalim ang skirt, polo uniform, tissue, underwear, alcohol, at napkin.
"Here. Do you still need something?" tanong pa niya.
"Wala na. You can wait me outside,” sagot ko tapos kinuha ko ang mga ibinigay n'ya.
Nagpunas na ako at nagbihis. Nilagay ko sa plastic bag ang palda at underwear ko na may blood stain na. Sinama ko na rin sa plastic 'yong tissue at balat ng napkin. Finlash ko na 'yong bowl saka ako lumabas ng cubicle. Itinapon ko sa basurahan 'yong plastic. I feel comfortable sa skirt na suot ko ngayon. Kung ang palda ko ay halos umabot na sa talampakan ko ang haba, ang skirt ni Scarlett ay hanggang knee ko lang.
Mas gusto ko pa 'yong mas maiksi rito, but well... I'm a nerd. Mabuti nga at kinuha rin ni Mello 'yong uniform ni Scarlett. Para naman bumagay sa palda ko. Tsk. You know my uniform, pang-losyang.
Nakita ko si Mello na naghihintay sa akin sa labas. Nilapitan ko siya at tiningnan niya naman ang kabuuan ko.
"Mas bagay sa ‘yo 'yang ganyan,” puri niya pero umiling ako.
"Hindi nga ako kumportable.” I still need to act like a nerd, you know. Kahit na ganito naman talaga ang iksi ng mga tipo ko na damit, or baka nga mas maiksi pa kaysa rito. Inirapan niya ako. Akala mo ‘di siya lalaki kung makairap sa akin.
"And yeah, Mello thanks anyway for your help,” dagdag ko. I smiled at him. A genuine smile. Bilang babae ay natuwa ako sa naitulong niya sa akin, kahit lalaki siy.
I didn't know na may pagka-gentleman din pala siya. At least he helped me. Hindi kaya ay may gusto na sa akin 'to? Well, pa-hard to get pa kasi siya.