Chapter Eight: Meeting of Friends

2400 Words
[ASHLEIGH'S P.O.V.] Narito kami ngayon sa garden kasama ng mga kaibigan ko. Napagdesisyunan pala nila na samahan ako rito sa Pinas, kaya rito na rin sila titira habang narito rin ako. Mas mabuti na rin ‘yon para makatulong sila sa akin ng ayos. Lalo na at mukhang hahadlang din sa plano ko ang mga kaibigan ni Mello. Dito na rin sila mag-aaral sa Alston University. Bigla namang dumating sina Mello. "Woah! Mga sisiw— este chix!" sigaw ni Lowell nang makita ang mga kaibigan ko. Napairap naman kaming mga babae. Hindi naman sila ang mga lalaking trip ng mga kaibigan ko. "Inirapan ka man? Saklap! Kapag kasi hindi gwapo ay manahimik na lang," pang-aasar ni Mearl sa kaibigan niya. Hindi ko na pinag-disguise ang mga kaibigan ko ng sobra. Pero mukha naman din silang mga nerd, with a style nga lang. Hindi katulad ko na nerd talaga ang datingan. Ang pormahan naman ng mga kaibigan ko ay nakasuot ng mga malalaking eyeglasses, pwera kay Cassie. Makakapal din ang mga kilay nila. Make-up lang ‘yon pero mukhang natural na sa kanila. Ang buhok ni Icie ay kulot na kulot at ang pangit tingnan. Samantalang kay Nadine naman ay medyo buhaghag ang buhok na para bang bagong gising. Samantalang si Cassie naman ay nakatali ang buhok. While Scarlett let her hair down. Sinabihan ko sila na kailangan din nilang magkunwari na mga nerds katulad ko. Nang sa gano’n ay hindi magtaka ang mga kaibigan ni Mello na may kaibigan ako na katulad nila. "Gago. Pabebe lang 'yan,” sabi naman ni Lowell. Tumayo naman kami at hinarap sila. "Excuse me? Anong pabebe? What the hell?" maarteng sabi ni Cassie. Katulad ko ay sinabihan ko sila na ipakitang hindi sila basta-bastang ordinaryong nerd. "I want you guys to meet my friends from France," panimula ko. Napatingin naman sila sa akin, "Pero tinatamad akong ipakilala sila,” dagdag ko at umupo ulit sa bench. "Well, wala akong balak ipakilala ang sarili ko sa kanila,” sagot din ng kaibigan ko at nagsi-upo muli sila. Unang lumapit si Lowell at tumapat pa kay Cassie. "Hi beautiful, I'm Lowell Brown Nixon. The most handsome to us,” nakangising sabi ni Lowell. Inirapan siya ni Cassie. "Ikaw ba ang pinaka-gwapo?" Saka inilibot ni Cassie ang paningin niya kina Mello, "Then I might die if that's true," pang-aasar niya. "Oh by the way, I'm Cassie Schmidt." "I'm a playboy, I can make you mine,” banat ni Lowell, "I'm not an ordinary nerd, and I can play your game." Kumindat naman si Cassie. Sunod na lumapit si Ryu at tumapat kay Icie. "Hi, Miss. Ryu Ace Boulanger. The very most cutest on us.” "Kapal. I'm Icie Campbell," tamad na pakilala ni Icie at umirap. "Ang arte, nerd naman,” bulong ni Ryu at lumapit kay Mearl. Si Mearl naman ay tinawanan siya. Saka lumapit si Mearl kay Nadine. Ano 'to? By partners? Pero halata naman na nantitrip lang ang mga lalaking ‘to at hindi seryoso. Dahil ba sa itsura namin kaya ganoon sila? Baka maglaway sila sa oras na makita nila ang mga tunay namin na itsura. "Hi! I'm Mearl Dylan Lombardi at your service. And you are?" tanong nito kay Nadine. "Hi. I'm Nadine Vigouroux. Nice to meet you, Dylan." Wow. Sila lang yata ang nagkasundo? Kung sabagay, mabait na nerd ang inaakto ni Nadine ngayon. "Nice to meet you too." Nakangiting sagot pa ni Mearl tapos tumingin siya kina Ryu at Lowell at ngumisi saka lumapit. Biglang dumating naman si Dave, "Hi, guys! What's going on here?" tanong niya at napatingin sa mga kasama ko. "Oh, Dave? Is that you?!" gulat na sigaw ni Scarlett at nakaturo pa kay Dave. "Scarlett? Hey, guys! It's been years,” bati naman niya. Parang hindi pa nga niya nakilala agad si Scarlett. Saka siya nagtataka na napatingin sa iba pang mga kaibigan ko. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko lang siya. Alam na siguro niya ang ibig kong sabihin. Miski ang mga kaibigan ko ay kailangang magbago. "By the way, I'm Scarlett Schneider. Ikaw na lang ang hindi namin kilala, Mister," patungkol niya kay Mello. Napangisi naman ako. Kilala na naman nila si Mello. Actually, alam nila na siya ang misyon ko dahil naipaliwanag ko na sa kanila. "Mello Ixen Silvestri," tamad na pakilala ni Mello. Napairap naman ako sa kawalan. "Wow. Peymus si Kiel,” kumento ni Mearl. "Well, matagal ko na silang kilala. Remember? I'm Leigh’s ex-boyfriend," ani Dave at tiningnan si Mello. He just smirked at him at tinalasan ng tingin. Something's fishy. 'Yong pagkakasabi pa kanina ni Dave sa word na 'EX' ay parang may pinapatamaan. I'm not sure, but it seems like the both of them are not in good terms right now. "How are you, Dave? Long time no see," tanong ni Scarlett. "I'm fine. How about you guys? What... happened?" makahulugan na tanong ni Dave. Para bang gusto niyang malaman kung bakit ganito na rin ang itsura ng mga kaibigan ko ngayon. Sigurado naman ako na gusto na niyang malaman kung ano ang nangyari sa itsura namin ngayon. "We’re fine too. By the way, time na. Kailangan na nating pumunta sa rooms natin," sabat naman ni Nadine. "Let me see your schedules.” Nakakapang-init sila ng ulo. Naiingayan na ako sa kanila. They handed me their schedules then nalaman ko na ang mga sections nila, "Scalett and Nadine are my classmates. While Cassie and Icie, kaklase niyo naman sina Ryu at Lowell,” sabi ko. "Woah. Destiny nga naman. Magkaklase tayo?" nakangising sabi agad ni Lowell. Ngumisi rin si Cassie, "I didn't know a playboy like you is so corny." "Akalain mo 'yon? May kaklase akong maarte? Akala mo naman maganda talaga, nerd naman," pabulong na sabi ni Ryu kay Mearl at sumulyap pa kay Icie. She just rolled her eyes. "Baka ikaw ang maarte. Wala akong pakialam kung hindi ako maganda," Icie said. "Buti naman aminado ka na hindi ka talaga maganda?” pang-aasar pa ni Ryu sa kaniya. “Pero assuming ka, hindi naman ikaw ang sinasabihan ko ng maarte,” dagdag pa niya. "Wow ha. Ako pa ang assuming? Kapal mo naman talaga." "Siyempre, sinabi ko bang ikaw 'yon?" "Bakit ka nag-react? Ikaw ba ang sinabihan ko ng 'baka ikaw ang maarte' ha?" "Eh—" "Ugh! Just shut up! Ang ingay niyong dalawa!" inis na sigaw ko na bago pa magsalita si Ryu. Kainis! Umiinit ang ulo ko sa kanila. Halata naman kasing pinagtitripan lang nina Ryu ang mga kaibigan ko. Tapos ito namang sina Icie ay sumasagot pa at sumasakay sa mga trip nila. Ayaw na lang na manahimik. "Tara na. Magkita na lang tayo mamayang lunch break sa cafeteria," yaya ni Mello. Nauna na akong maglakad paalis. Naiirita talaga ako sa ugali ng mga kaibigan ni Mello. Gusto ko nang pasabugin ang mga bibig nila. Sa oras talaga na malaman at makita nila ang tunay naming itsura, sisiguraduhin ko na magsisisi sila sa itinrato nila sa amin. Magpasalamat pa nga si Mello at nakatikim siya ng magandang katulad ko. ••• Lunch break na at nagpaalam muna ako kina Scarlett na pupunta lang muna ako sa banyo. Tumingin din ako kay Mello at bigla niya akong hinila. What the f**k! "Hey!" tawag ko rito. Huminto kami sa labas ng classroom namin. Pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking papalapit sa gawi namin. s**t! Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito ngayon? "Ixen!" tawag niya kay Mello. Agad-agad akong yumuko. f**k! Baka makilala niya ako! Oh wait, nakamaskara nga pala ako noong nakalaban niya ako. Iba rin naman ang boses ko noon dahil sa voice changer na gamit ko. Ang itsura ko rin ngayon ay malayo sa itsura ko noong nakalaban niya ako. I just need to relax. Nagulat lang talaga ako na makita ko siya rito ngayon. "What the f**k are you doing here?" parang galit na tanong ni Mello kay Near. Hindi ko naman inaasahan ang naging pakikitungo ni Mello sa kaniyang kapatid. May nangyari ba sa kanilang dalawa? Mukhang hindi sila magkasundo, base sa nakikita ko ngayon. "Napadaan lang ako. Who's that girl beside you? Mind if you introduce her?" patukoy sa akin ni Near. Damn him! Hindi ko naman akalain na may pakialam pala si Near sa mga nerd na katulad ko. That is so not like a Silvestri. Hinawakan ni Mello ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga kamay namin, "Nah. I don't want you to know her. Beside, sino ka ba para makilala pa ang girlfriend ko?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatingin na ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang ‘yon. Pero agad akong tumalikod kay Near. Damn you, Mello! Anong girlfriend ang sinasabi nito? Napairap na lang ako. “What? Are you kidding me right now, Ixen? You have a girlfriend like... that kind of girl?” para bang nandidiri na tanong ni Near. Ramdam ko na sinusuri na niya ako ngayon. Gago na ‘to! Baka pati siya ay maglaway sa akin sa oras na makita niya ang tunay na itsura ko. “Why? What’s the problem with her? I want to try something new,” Mello answered. Natawa naman si Near sa sinagot niya. “That’s really new. I did not expect na papatol ka sa ganiyang klase ng babae. O baka naman trip lang talaga ‘yan? Kawawa naman siya.” Sige lang, kaawaan niya lang ako. Ang hindi nila alam ay sila ang pagtitripin ko. Paglalaruan ko ang mga buhay nila. "I need to go to the parking lot. May kukunin lang ako," paalam ko sa kanya. It really seems like the both of them are not in good terms. May mga sasakyan naman lahat ng mga nag-aaral dito sa Alston University. Hindi naman kami mga nerd na mahihirap, katulad ng mga mostly na nerds. Lalo na at puro mayayaman lang din naman ang nakatira rito sa Elysian. Hinila ako ni Mello at nilampasan namin si Near. Pumunta nga talaga kami sa Parking Lot. s**t. E ano naman ang kukunin ko sa kotse ko? Palusot ko lang naman 'yon para makaalis na ko roon. Nakakairita lang ang mga sinasabi ng kapatid ni Mello. Kahit na hindi naman totoo ang mga sinasabi niya kanina dahil hindi naman talaga ito ang itsura ko. But I am still offended! "Go get your thing," utos niya. Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kung may nakarinig no’n at kumalat sa buong university? Ayoko ng issue na kasangkot ka. Sa totoo lang ay gusto ko na nga na lumayo sa ‘yo. Gusto ko lang naman na mag-aral ng tahimik dito,” kunwari ay inis na sabi ko though, 'yon naman ang misyon ko. Ang mahulog siya sa akin. Nagkukunwari ako na pag-aaral lang ang gusto ko, dahil gano’n naman ang mga nerds. "Just don't go near him. He's not a good influence." Wow ha? Ako pa ang sinasabihan niya? Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa at hindi sila maayos? I want to know the reason between their personal problem. "'Wag mo nga akong idamay sa away niyong dalawa--" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil may nararamdaman akong presensiya na paparating. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko na papalapit si Near. Again?! Damn. "Sumunod ka pa talaga sa amin?!" sigaw ni Mello. Bakit ba galit na galit siya? I wonder kung anong kasalanan ni Near sa kanya. "Bakit ba nagagalit ka? I just want to know her name. She looks familiar." Napatingin na ako kay Near. I looked familiar to him? Namukhaan niya kaya ako? "Then after you know her, what's next? Aagawin mo siya sa akin?" Napangisi ako sa isipan ko matapos marinig ang sinabi ni Mello. I think I have an idea kung bakit galit na galit siya kay Near. “No, Ixen. Past is past, move on ano ba? You’re acting too childish—“ "E gago ka pala! Ako pa ang childish?!" sigaw ni Ixen at agad na sinuntok si Near. Dahil nasa harap kami ng kotse ko, natumba si Near sa harapan nito. f**k! Ang pinakamamahal kong kotse ko. "Damn it, Ixen!" sigaw din ni Near at sinuntok si Mello. Tumama ang mukha niya sa harapan din ng kotse ko. "Gosh! Lumayo kayo sa kotse ko! Not my baby!" sigaw ko. Pero hindi sila nakinig sa akin at nagpatuloy sa pag-aaway. Tuloy sila sa suntukan nila. Baka magasgasan ang magandang sasakyan ko! s**t! "Gago! Hindi na talaga kita mapapatawad!" sigaw ni Mello. Sinuntok niya ulit si Near at this time, napahiga na si Near sa harapan ng kotse ko. "f**k!" sigaw ko at nilapitan ko na silang dalawa. Sabay ko silang sinuntok sa mga mukha nila kaya napatigil sila. "Damn! Kung magsu-suntukan kayo, 'wag dito. 'Wag sa harap ng kotse ko! Kung may problema kayo sa isa't-isa, then so be it. 'Wag na lang kayong magpansinan! Dahil nagkakasakitan lang kayo. And you!" Sabay turo ko kay Near, "You’re the eldest pero kung umakto ka ay parang hindi. Bakit mo pa binawian ng suntok ang kapatid mo?!" Tumingin naman ako kay Mello, "And you Mello, what the f**k?! Kuya mo 'yan, o! Mas matanda siya sa ‘yo, tapos sinusuntok mo?! Ayusin niyo nga 'yang problema niyo! Ilang buwan o araw na ba ang nagdaan simula nang magka-problema kayo sa isa't-isa ha? If I'm not mistaken, base sa sinabi ni Mello kanina ay mukhang inagaw mo ang girlfriend niya noon, Near. Now, move on guys! Ano ba?! Maraming babae sa mundo. Maraming pwedeng maging girlfriend niyo, pwedeng-pwedeng palitan. Pero ang kapatid? Nag-iisa lang 'yan at hindi pwedeng palitan dahil permanente!" inis na sigaw ko. Nagtataka naman sila na nakatingin sa akin saka sumeryoso ang mukha ni Mello. Nagtaka rin ako kung bakit ganoon ang reaksyon nila matapos marinig ang sinabi ko. Dahil ba nangialam ako sa problema nilang dalawa? Mga tarantado ba naman! Sa harap pa talaga ng sasakyan ko nagsuntukan. Bakit hindi na lang sila magpantayan? “What?!” inis pa na tanong ko sa kanilang dalawa. “How did you knew that he is my brother? I don’t even introduce him to you, but you also knew what his name is. Care to explain?” Fuck, I’m doomed. Damn my big mouth!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD