[BROWN'S P.O.V.] "Hi, baby. Good morning,” bati ko kay Cassie sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Aba! Lahat ng babae na ngitian ko ng gano’n ay naakit sa akin dahil ang gwapo ko raw. "What's good in morning if I'm seeing your ugly face?" inis na sagot niya. Oh, see? Ang gwapo— ANO?! SINONG UGLY?! "My morning is good 'cause I know one day, you'll be mine,” sagot ko din sabay kindat sa kaniya. Hindi dapat ako magpa-apekto sa babaeng 'to. Aba! Ang gwapo ko kaya! Kapag daw naasar ka, ibig sabihin ay totoo ang sinabi tungkol sa ‘yo. Kung tutuusin, sa lahat ng mga kaibigan ni Ashley, itong si Cassie lang ang medyo maayos ang itsura. Hindi naman sa ayaw ko sa mga ganitong style, ayos lang kung nerd talaga ang datingan niya. Mas gusto ko nga ang ganito tapos magagawa ko siyang ma-transform bil