[ASHLEIGH’S P.O.V.] Ngayon pa lamang nakauwi si Blaine. Inabot na siya ng gabi simula noong umalis na ako sa Coffeteria. Hindi ko naman na siya tinext pa simula kanina dahil alam kong sinimulan na niya ang kaniyang aksyon para kay Annaise. “How’s your first move?” tanong ko. Agad naman siyang umupo sa sofa na mukhang pagod na pagod. I wonder kung ano ba ang ginawa nila ni Annaise at ganito siya kapagod ngayon, umabot pa ng gabi. “It’s quite rough. ‘Di ko inaasahan ang gagawin ni Annaise,” sagot niya. Naalerto naman ako dahil mukhang may nangyaring hindi maganda. Lumapit pa ako sa kaniya para makinig ng ayos. “Why? What happened? Is something wrong?” sunod-sunod na tanong ko. Iiling-iling naman siya na napatingin sa akin. “Noong umalis ka sa Coffeteria ay bumaba na rin si Annaise. K