[ASHLEIGH’S P.O.V.] Walang gana lamang ako na nakatingin ngayon kay Annaise. Seryoso ba siya sa tanong niya? Mukhang nag-iwan pala ng impresyon ang pakilala ko sa kaniya kahapon. Baka ‘di na siya nakatulog sa kakaisip kung kaano-ano niya ako dahil parehas kami ng apilyido. Pero kailangan kong umakto na mabait ako ngayon, iba mula sa ugali ko kahapon na palaban sa harap niya. “Bakit naman tayo magiging magkamag-anak? Hindi naman kita kilala. Kahapon lang kita unang nakita sa personal. ‘Di ko rin akalain na isa ka pa lang estudyante rito,” may galang na sagot ko. Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Marahil ay nagtataka kung bakit gano’ n ako sumagot sa kaniya ngayon. Akala ba niya ay siya lang ang maaaring umakto ng dalawang pagkatao? Kaya ko rin ‘yon na gawin at doon ako magalin