[BLAINE’S P.O.V.] Hindi ko rin alam noong una kung bakit naisipan ko na pagdamitin si Ash bilang isang nerd. Pakiramdam ko kasi ay baka may makahuli sa amin sa oras na mamukhaan siya na nagkukunwari lang bilang isang nerd. Kahit na sobrang laki talaga ng itsura niya kapag nagkukunwari siyang isang nerd, kumpara sa totoong itsura niya bilang kakambal ko. Nagulat pa ako nang bilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. Mukhang badtrip na talaga siya dahil sa request ko kanina. Pero para naman ‘yon sa kabutihan naming dalawa. Hindi maaaring malaman ng mga kalaban namin na narito na ang mga Griffin. Lalo na at kakaunti lang naman kami rito. Baka hindi kami makalaban sa oras na malaman nila na may plano kaming inihahanda. Tinawagan ko naman si Ash at sinabihan ko na bagalan niya ang sa