Chapter 1
⚠️Warning: Bisaya ang female lead ko at sa imahinasyon ko ay matigas ang pagbigkas niya.
Kakai’s Pov
NIMATA KO og sayo para mag dung-ag kay mo lakaw ko og sayo. (Gumising ako ng maaga para magsaing dahil aalis ako ng maaga.) Mo adto unta ko sa ako amega para masabtan na kung dayon na ba gyud me ugma. (Pupunta ako sa kaibigan ko para malaman na kung tuloy na ba talaga kami bukas.)
Ako si Kathleen Llanto o mas gitawag na Kakai, 18 anyos og nagdako sa Ormoc City. (Ako si Kathleen Llanto o mas kilala sa pangalang Kakai. 18 years old at lumaki sa Ormoc City)
Karon adlawa ay malalaman na namin kung matutuloy na ba ang punta namin ng Manila. Nagsimula na din ako mag-aral ng tagalog uy kay basin ibaligya ta ani sa merkado. (Ngayong araw ay malalaman na namin kung matutuloy na ba ang punta namin sa Manila. Nagsisimula na din akong mag-aral ng tagalog at baka ibenta nila ako sa market. )
Dugay ko na talaga g pangandoy makapunta ng Manila unya karon madayon na gayud. (Matagal ko na talagang pinangarap makapunta ng Manila at ngayon ay matutupad na talaga.)
Kauban na ko ako silingan na si Gemma mo larga og Manila. (Kasama ko ang kapitbahay kong si Gemma papunta ng Manila.)
Pareho talaga kaming excited kay ugma na gyud kami larga. (Pareho kaming excited talaga dahil bukas na talaga ang alis namin.)
Nigawas ko sa among balay og nakit-an na ko si Gemma. (Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Gemma.)
“Mag tagalog na tayo talaga nito, mega.” Sabi ni Gemma kaya kumatawa ako. Hindi talaga ako marunong magtagalog kaya nangangapa talaga ako. Pero sinasanay man ako ni Gemma kaya kahit papano ay natuto ako. Yun nga lang nahihirapan talaga ako. Paeta aning bisaya tang dako. Makaintindi man ako at makapagsalita man pero kapag nagsasalita na ako ng tagalog ay matigas. Pareho kami ni Gemma kaya natatawa kami pareho sa sarili namin. Pero nakakapagsalita man ako din.
“Dapat matuto ka na talaga mag bisaya, mega. Ugma na tayo aalis.” Ingon sa kaibigan ko habang dako kaayo og ngisi. (Sabi ng kaibigan ko habang malaki ang ngisi.)
“Kahibaw ko oy! Marunong na kaayo ko. Ano man balita kay ate.. Tuloy na talaga tayo bukas?” Pangutana ko sa kaibigan ko. (Tanong ko sa kaibigan ko)
“Oo. Tuloy na kaayo! Kaya maghanda ka na talaga kasi biyahe natin bukas madaling araw pa naman. Maiwan tayo ng bus pag nag dugay-dugay tayo.” Sabi ng kaibigan ko saka tumawa. “Yatia kaayo uy! Katigo na kaayo ko mo tagalog ba! Nwng lang jud kog abat mao ilhan gihapon bisaya.” Sabi ni Gemma kaya natawa kaming dalawa.
Kinabukasan. . . .
Maaga talaga kami gumising ni nanay para lang makaligo ako ng maaga. Kanina pa kasi panay katok si Gemma sa pinto uy! Hindi makahintay talaga.
Nagpaalam na ako kay nanay ko. Naguol ko pero inisip ko nalang na para man din ‘to sa’min. Pag dito kasi ako wala akong mapasukan kasi wala man akong natapos. Hanggang elementary lang talaga ako pero pipilitin ko talaga makapag aral uy!
Mag ipon talaga ako ng maraming pera para hindi na mahirapan si nanay.
Naa na kami sa bus ni Gemma at hindi na talaga kami makapag hintay na lumarga na.
“Mo larga na talaga tayo, mega.” Sabi ni Gemma sa ‘kin.
“Kulbaan na kaayo ko.” (Kinakabahan talaga ako) Sagot ko sa aking kaibigan.
Tuluyan ng umandar ang bus kung saan kami nakasakay ni Gemma. Nakaupo ako sa may tabi ng bintana para makita ko ang magandang view. Hindi ko alam ang mahitabo sa’min ng kaibigan ko sa Manila pero kakayanin ko lahat yun. Bahala na basta makakwarta lang ako. (Bahala na basta magkapera lang ako.)
Malayo-layo pa biyahe namin kaya tulog kain lang ginawa namin ni Gemma. May baon naman kami para hindi kami magutom.
Matagal-tagal kaya masakit sa lubot kakaupo. Sabi ni Gemma na naghuwat na sa’min ang nagpapasaok sa’min ni Gemma. Papasok kasi kaming katulong sa dato na nakapuyo sa Manila.
Kinailangan pa namin mag bayad ni Gemma ng 2k para lang makaalis kami ba. Tapos si nanay ko nangutang (umutang) pa siya ng pera para lang makabayad kami ng 2k.
Lumipas ang isang araw at kalahati ni abot na intwn kami sa Manila. Nasa bus station kami bumaba ni Gemma at panay ang text sa babae na nagpapasok sa’min.
“Hindi man siya nag reply uy!” Sabi ng kaibigan ko na stress na kaayo og nwng.
“Baka natulog o di kaha ay busy.” Sabi ko nalang sa kaibigan ko.
“Hindi tayo magbisaya dito, mega. Para hindi tayo mailhan na mga bisaya tang dako. Kalmado lang ta dapat, mag tagalog lang ta bisan mura tag mga boang ga sayop-sayop.” Sabi ng kaibigan ko na nga g hinay talaga ang boses para kami rang duha makabati. (Mahina ang boses para kaming dalawa lang ang makarinig.)
Tumango din ako bisan di kaayo kahibaw mo tagalog. Bahala na gyud ni! Payt lang gyud sa kinabuhi. “Ayaw kabalaka, mega.. mag tagalog talaga tayo para hindi tayo maloko dito.” Sabi ko kaya tumango si Gemma.
Pila ka oras ang nilabay pero wa gyud ni tubag ang babae na nikuha namu ni Gemma. (Ilang oras ang nagdaan pero hindi sumagot ang kumuha sa’min ni Gemma.)
“Na unsa-on na man lang ni nato, mega. Maghuwat muna lang tayo at baka umabot yun ba.” Sabi ni Gemma na nagka bali-balintong na ang tagalog og bisaya.
Napag pasyahan nalang namin na umupo nalang muna kaya wala na talaga kaming magawa. Hindi man sumagot at sabi man niya na hintayin namin siya sa terminal. Mamuti nalang siguro amo mata ani wa pa gyud siya ni abot. (Puputi nalang siguro ang mata namin ay hindi parin yun darating.)
Nagutom na kami ni Gemma dahil lima ka oras na kami naghintay talaga dito. Natatakot kami umalis at baka maligaw kami. Ito pa naman ang unang beses na makatapak kami sa Manila. Na unsa man twn ‘tong bayhana uy! Kahilakon na kami ni Gemma kaya basin may lumapit sa’min dito. Hindi talaga kami nagpahalata na mga bago kaming salta kay basin lapitan kami at kung ano-ano ang sabihin.
Nag lagot na ako pag maayo og lami na kaayo ilamparo og taw. (Galit na talaga ako at ang sarap ng manampal ng tao.)
“Nagutom na talaga ako uy!” Sabi ni Gemma.
“Ako na lang bibili, mega. Ikaw nalang maiwan dito at baka dumating yung susundo sa’tin.” Sabi ko kay Gemma. Mas kilala kasi niya ang mukha nang babae kaya dapat lang na siya ang maiwan sa gamit namin dito at maghintay. Kapag ako kasi hindi ko man alam ang itsura ng babae. Baka magkamali ako.
Pumayag si Gemma at binigyan pa niya ako ng pambili ng para sa kanya. Kinuha ko lang ang maliit na bag na bigay ng tiyahin ko para may pag lagyan daw ako ng pera. Wala man ako cellphone dahil wala ako pera pambili. Pag naka sahod ako yun una ko talaga bibilhin para matawagan ko si nanay. Sa ngayon.. manghulam (manghiram) muna lang ako kay Gemma dahil magkasama naman kami sa iisang bahay.
Naglakaw-lakaw ako (Naglakad-lakad ako) para maghanap ng pagkain na kasya sa pera namin ni Gemma. Nagulat ako sa mga presyo kay ka mahal na lamang. Pati tubig 30. Paeta!
Nalibot ko ang terminal pero wala gyud barato na pagkain. Lumabas ako sa terminal at na isip ko na hindi naman ako lalayo.
May nakita akong lalaki na medyo matanda na kaya lumapit ako para mag tanong sana kung may malapit ba na bilihan ng bakery dito. Maayo manang pan ang paliton kay barato ra. (Mas mabuti na ang pan ang bilhin dahil mura lang.)
“Kuya.. pwede mangutana ay este.. magtanong pala..” sabi ko at naalala ko na wala na pala ako sa Ormoc.
“Sige, ano yun?” Tanong naman ni manong.
“May bilihan ba dito na tinapay? Yung malapit lang po sana..” sabi ko at hindi ko sinabi na bagong salta ako dito sa Manila.
“Ahh oo. Meron.” Sagot niya saka inangat ang isa niyang kamay na parang may tinuturo. “Nakikita mo ang kalsada na yan.. pumasok ka diyan tapos kumaliwa ka at lakarin mo lang ulit tapos may makikita ka na kanto ulit pumasok ka do’n at makikita mo na ang bakery. Malapit lang yun.” Sabi ni manong kaya tumango-tango ako habang tinatandaan ang sinabi niya.
“Sige po, kuya.. salamat po kaayo.” Sabi ko at agad na naglakad. Buti nalang hindi na ako kailangan tumawid. Natatakot ako at baka masagasaan ako dito. Hindi ko naman alam kung paano isulti ang hunong.
Sinunod ko lang ang sabi ni manong. Nagduha-duha pa ko.. lisod xad kaayo og magtulo-tulo ko. Natakot ako at baka maligaw ako ba. Pero sabi man ni manong na malapit man daw. Di man pud tingali ko masaag ani. (Hindi naman yata ako mawawala nito)
Natakot na talaga ako dahil parang malayo na ba. Pero gutom na ako amega kaya bahala na. Makatuod ra gyud ko ani pabalik sa terminal.
Nakit-an ko ang hinahanap ko na bakery. Nagpalit ako agad og pan para may pangkain na kami ni Gemma.
Sa dihang pabalik na unta ko sa akong g agian ay naay ni duol na lalaki na ko. (Pabalik na sana ako sa dinaanan ko ng may lumapit sa ‘kin na lalaki.)
Magtatanong lang pala. Ako pa talaga tinanungan na hindi ko din alam. Ka boang ba aning lakiha. Nagtaka pa talaga ako dahil dinidikit pa niya ang katawan niya sa ‘kin. Naibog tingali ni na ko. (May gusto yata ‘to sa ‘kin.)
Nagpaalam na ang lalaki sa ‘kin at nagpasalamat pa siya. Mo lakaw na unta ko ng mabantayan ko na parang wala ng bag na sumasagi sa binti ko. Agad akong tumingin sa katawan ko at nanlaki ang mata ko dahil wala na yung bag ko.
Tumingin ako sa paligid at hinanap ang lalaki na nakipag usap sa ‘kin. Og to-a ra jud ang animal. “Hoy!! Kawatan kang dako!!” Sigaw ko habang naiiyak na lamang.
“Tabang! Naay kawatan!!” Sigaw ko sa mga tao ngunit hindi nila ako pinansin kasi nag bisaya pala ako. Nakalimot pa gyud ako sa tagalog sa kawatan. Yawa gyud ani.
Wala na talaga akong nagawa kundi takbuhin at habulin ang lalaki na yun. Kasi nando’n ang pera ko. Wala na akong ibang pera kundi yun nalang. Sa kadaghan taw na pwede niyang kawatan, ako pa gyud na 300 lang sud sa bag. (Sa daming tao na pwede niyang nakawan, ako pa talaga na 300 lang ang laman ng bag.)
“Hoy! Panuway ka! Hunong!” Sigaw ko kaya napalingon ang lalaki sa ‘kin. Nakita yata na hinahabol ko siya kaya tumakbo ang boang. Piste gyud!
Hinabol ko talaga ang lalaki at hindi nag-iisip na baka maligaw ako. Do’n ko lang napagtanto ng makarating ako sa highway at napa atras na lang kay dagko kaayo ang sakyanan.
Tumingin ako sa paligid at hindi ko talaga nakita ang lalaki. Wala na talaga siya at hindi ko na nakuha ang bag ko.
Ang ka paet kay na saag na ko. Wala nako ka tuod asa ang agianan. (Ang mas mapait pa nito ay naliligaw na ako. Hindi ko na alam kung saan ang daan.)
“Ginoo ko! Asa naman twn ko ani..” (Diyos ko! Nasa’n na ako..) naiiyak ko nalang na sabi at takot na takot habang nakatingin sa paligid. Layo na pala ang tinakbuhan ko. Unsaon naman lang ni na ko. (Ano nalang ang gagawin ko.) Paano na ako makakabalik sa terminal ani. Mahadlok ko mangutana kay baka mga dautang taon din ang nasa paligid. (Natatakot din ako magtanong at baka masasamang tao din ang nasa paligid.)
Naglakad- lakad pa ako at baka may makita pa ako na pwedeng pag tanungan. Ayaw ko na ng lalaki at baka kawatan lang pala. Sana babae ang makita ko para makampante ako. Tinood pala talaga ang sinabi ng tiyo ko na mag ingat daw kami pagdating ng Manila kay daghan daw kawatan.
Ka malas ba nako uy! Ako pa gyud ang na biktima sa kawatan. Danghag lang talaga dagway nako.
Kahit anong lakad-lakad ko ay hindi ko na mahanap ang daan. Mabalik lang ako dito sa highway na nakakatakot dahil malalaking truck ang dumadaan at bus.
Makahilak nalang gyud ko kay wala pa ko’y kwarta, wala pa’y cellphone, wala pa katuod sa agianan. Ka yawaa aning kinabuhia uy! (Naiiyak nalang talaga ako dahil wala pa akong pera, wala pa akong cellphone, hindi ko pa alam ang daan.)
Napaupo nalang ako sa gilid ng nakasara na tindahan ba ‘to o ano. Basta sirado siya. Mura na gyud ko og pulubi ani.
Tinitigan ko ang tinapay na hawak ko at naiyak na lamang. Sana pala tubig nalang binili ko at hindi na ako lumabas ng terminal.
Dakong pagbasol talaga ang ginawa ko kanina. Kung hindi lang ako pumunta sa bilihan ng pan hindi sana ako makawatan ng lalaki. Hindi ko sana siya hinabol. Natakot na talaga ako sa paligid ko. Nagkurog na ako sa kahadlok at baka may mga lalaking lumapit sa 'kin dito.
Makatawag talaga ako nito og nanay. Kung nandito lang si nanay ko ay baka kanina pa niya ako binatukan sa katangahan ko talaga.
Naghilak na talaga ako sa kahadlok ko. Hindi na nga lang ako nagpahalata na hindi ko kasabot sa lugar na 'to. Ayaw ko malaman nila na dayo ako at baka utuin lang nila ako at kung saan- saan dalhin.
Sana mahanap ako ni Gemma ba. Sana maisip niya na matagal ako nawala og pangitaon ko niya diri. Siya ra gyud ako hinihintay talaga na maka salba sa 'kin. (Sana mahanap ako ni Gemma. Sana maisip niya na matagal ako nawala at hanapin niya ako. Siya lang talaga ang hinihintay ko na makakaligtas sa 'kin.)
Naisip ko nalang na umupo na muna sa gilid ng kalsada. Nakaramdam kasi ako ng pagod sa pagtakbo ko kanina.
Makatulog jud ko ani sa gilid ng kalsada. Hindi yata ako ligtas dito dahil may dumadaan man ding mga tao. Paano nalang kung may lumapit sa 'kin na lalaki at hilain ako ba at dalhin sa madilim.
Agoy ginoo ko! Ayaw intwn ako pasagdi-e. (Diyos ko! Wag mo sana ako pabayaan.)
Wala akong magagawa ngayon kundi ang magdasal dahil yun lang talaha ang meron ako ngayon. Kailangan kong magdasal na walang tao na lumapit sa 'kin. Ay mali pala.. hindi pala ganun dapat. Dapay ang dasal ko ay sana si Gemma ang lumapit sa 'kin at hindi mga masamang tao. Maboang na yata ako dito sa gilid ng kalsada habang umiiyak.
Iyak lang ako ng iyak dahil wala na talaga akong magawa. Kasalanan ko man pud 'to lagi kaya nagpatuga- tuga ko og palit og pan bisan wa gyud katuod. (Iyak lang ako ng iyak dahil wala na talaga akong magawa. Kasalanan ko din naman dahil pabili-bili pa kasi ako ng tinapay kahit hindi ko naman talaga alam dito.)