"MABUTI NAMAN AT nakabisita ka ulit dito, Dashiell. Matagal-tagal na rin noong huli mong bisita. Wala ngang araw na hindi ka hinahanap ng mga bata…" wika ni Sister Mary habang nasa garden silang tatlo. Nakaupo sila sa isang mahabang bench at pinagigitnaan nina Melannie at ang kaniyang amo si Sister Mary, ang madre na namumuno sa naturang ampunan. "Naging abala lang po ako nitong mga nagdaang buwan, Sister Mary. Ang daming nangyari. I wish I could visit here, but I couldn't. I couldn't fix my time management. At isa pa, namatay ang daddy ko…" tugon ni Dashiell habang malayo ang tingin nito. "Nabalitaan ko nga iyon, Dashiell. Ipinagdasal namin kasama ng mga bata ang kaluluwa ng daddy mo. Nalungkot nga sila nang malaman nilang namatayan ka kaya naintindihan nila kung bakit natagalan bago