NANG MAGISING SI Melannie, namataan niya ang sarili sa loob ng Red Room. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakapulupot ang katawan niya roon gamit ang tali. Sinubukang mag pumiglas ni Melannie ngunit lubusang mahigpit ang pagkakatali sa kaniya sa upuan. Maski ang mga paa niya ay nakatali rin sa mga paa ng upuan kaya kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay wala pa rin siyang kawala. Unti-unti nang nilukob ng kaba at takot si Melannie ng sandaling iyon. Inalala niya ang nangyari bago siya napunta rito. Binigyan siya ng amo niya ng pagkakataon na umalis pero nang paalis na siya, bumungad ito sa harap niya at may itinurok sa kaniyang leeg na wari niya ay pampatulog. Nanghina siya hanggang sa mawalan na siya ng balanse kaya natumba siya. At ngayon, nandito na siya sa Red Room na kahit ano