MAGHAPONG NANATILI SINA Melannie at Dashiell sa bahay-ampunan. Nang makauwi na sila, madilim na ang kapaligiran habang bumubuhos ang napakalakas na ulan. "May bagyo yata," mayamaya pa'y saad ni Melannie habang nakabaling sa labas. Humahampas ang hangin ng sandaling iyon. Sa bawat punong nadadaanan nila ay animo'y mga nagsasayawan ang mga iyon. "Meron nga," bulalas ng amo ni Melannie na striktong nakatingin sa daan. Kaagad bumaling si Melannie sa amo. "Kaya pala malakas ang ulan at hangin. Ang sarap humigop ng napakainit na sabaw, iyong nakakapaso sa dila." "Gusto mo bang mag-stop over muna tayo sa restaurant para makahigop ka ng sabaw?" Mabilis na umiling si Melannie. "Hindi na. Malapit na naman tayo, e. Magluluto na lang ako ng sopas tutal at kumpleto naman ang mga rekado sa bahay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books