DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Melannie ang mga mata niya nang magising ang kaniyang diwa. Hindi niya pa maaninag ang kapaligiran niya kaya kinurap-kurap niya ang mga mata at nang luminaw na ang paningin niya, napasinghap siya nang mapagtantong hindi pamilyar ang lugar sa kaniya.
Napakalaki ng kuwartong kinalalagyan niya ngayon. Wala siyang ibang makita kundi itim na mga gamit na sa tantiya niya'y mamahalin base sa hitsura ng mga ito. At isama pa ang magarbong aranya na nakasabit sa ibabaw. Iyong amoy ng kuwarto, amoy ng lalaki. Mabango at nanuot sa ilong ni Melannie ang tapang noon. Isa lang ang ibig-sabihin nito—lalaki ang nagmamay-ari ng kuwartong ito.
Manghang-mangha si Melannie. Wala siyang ibang magawa kundi ang mapanganga dahil sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakakita ng ganitong kagara at kalaking kuwarto. Kung tutuusin, para na ngang bahay ito sa laki nito.
Ilang sandali pa ang nakakalipas, bumalik sa reyalidad si Melannie. Ano nga bang ginagawa niya rito? Paano siya napunta rito? At sino ang nagdala sa kaniya rito?
Sunod-sunod siyang umiling. Inalis niya ang nakatabing na kumot sa katawan niya at nang akmang bababa na sa malambot na kama, bigla na lang siyang napasinghap nang may makitang isang lalaki sa paanan niya. Prente itong nakatayo roon habang nakatitig sa kaniya. Mabilis niyang inilayo ang tingin dito at sunod-sunod na napalunok.
"Sino ka? Ikaw ba ang nagdala sa akin dito? K-Ki-ini-dnap mo ba ako? Anong gagawin mo sa akin? P-Papatayin mo ba ako? Sino ka, s-sumagot ka! At… at bakit ka hubo't-hubad?" sunod-sunod at ninenerbyos niyang tanong.
Paano niya hindi mailalayo ang tingin sa lalaki, e ni isang tela sa katawan ay wala ito? Bukod sa nakita niya ang napakaganda at maskulado nitong katawan, nakita niya pa ang pututoy nitong galing na galit. Oo, galit na galit iyon at para bang handa nang sumabak sa giyera.
"You can look now," sabi ng lalaki.
Naintindihan naman ni Melannie ang sinabi ng lalaki kaya dahan-dahan siyang bumaling dito. Sa wakas, may suot na itong roba kaya hindi na niya kailangang mabahala.
Umupo si Melannie sa kama samantalang ang lalaki naman ay prenteng umupo sa dulo ng kama na hindi nag-aalis ng tingin sa kaniya.
Bukod sa maskulado ang pangangatawan nito, guwapo rin ang lalaki. Makapal ang kilay nito, isama pa ang mapupungay nitong mga mata, ang ilong nito na napakatangos, at napakagandang kurba ng mga labi. Masasabi ni Melannie na perpekto ang lalaki. Mukhang alaga nito ang mukha dahil ni isang taghiyawat o kung ano mang butlig sa mukha ay wala ito. Nahiya tuloy iyong taghiyawat niya sa ilong niya.
"May I know your name, miss?" kalmadong tanong ng lalaki sa kaniya.
Lumunok siya. "Ano munang ginagawa ko rito? Dinukot mo ba ako? Para saan? Para sa ransom? Gusto ko lang sabihin na wala na akong pamilya ngayon kaya kahit anong gawin mo, wala kang mahihingian ng ransom. At isa pa, mahirap lang kami. Isang kahig, isang tuka lang ang buhay namin," tugon niya rito.
Ngumiti ang lalaki bago siya nito sinagot, "Well, kung hindi mo naaalala ang nangyari, let me tell you about it. You were walking on the street. Suddenly, you stopped when you saw me coming. Umupo ka sa kalsada tapos noong lalapitan na kita, bigla kang nawalan ng malay. Hindi naman ako baliw para iwanan ka lang na walang malay sa malamig na kalsada kaya napagdesisyunan kong dalhin ka rito sa bahay ko."
Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Melannie nang marinig iyon mula sa lalaki. Inalala niya ang nangyari. Oo nga pala, naalala niyang papaliban na siya ng kalsada nang makita niyang papalapit ang isang sasakyan sa kaniya. Dahil sa takot, napaupo siya sa kalsada. At doon na siya nawalan ng malay. Pero bago iyon naganap, naalala pa niya ang mga nangyari. Tanda niyang nagpunta siya sa milk tea shop na pinagtatrabahuhan niya upang magtrabaho ngunit nalaman niya mula kay Joana na tinanggal na siya ng manager nila. Masyadong dinamdam iyon ni Melannie kaya nagpakalayo-layo siya kahit wala siyang ideya kung saan siya patungo. Sa kagustuhang magpakalayo, dito siya napunta sa bahay ng isang estranghero.
"Aalis na ako."
Akmang bababa na si Melannie sa kama nang pigilan siya ng lalaki sabay sabing, "Please, don't leave."
Animo'y nakikiusap ang boses nito ng mga oras na iyon. Lumunok na naman siya habang nakamasid sa mga asul nitong mata kalaunan ay napahawak siya sa kaniyang tiyan nang makaramdam siya ng gutom.
"Hinayaan mo na lang sana ako sa kalsada tutal at wala na namang saysay ang buhay ko." Bumuntong-hininga si Melannie kapagkuwan ay naglayo ng tingin sa lalaki.
"Why? May problema ka ba? If you want, share it with me. I will listen to you."
Napakagat-labi si Melannie bago nagpakawala nang marahas na hangin sa bibig bago ibinalik ang atensyon sa lalaking handang makinig sa kaniya.
"Nawala na lahat sa akin. Ang pamilya ko, trabaho ko, reputasyon ko, at saysay na mabuhay pa sa mundong ito. Namatay ang mga magulang at isang kapatid ko sa sunog na tumupok sa lugar namin ilang araw na ang nakalipas. Huli na bago nakarating ako dahil wala na sila." Gustuhin mang pigilan ni Melannie ang mga luha niya, hindi niya iyon pinigilan kaya naman hinayaan na niyang mamalisbis iyon pababa sa kaniyang mga pisngi bago nagpatuloy, "Sinisisi ako ng tiyahin ko sa nangyari sa kanila. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng pamilya ko. Sirang-sira na ang reputasyon ko sa kanila kaya wala na akong ibang maaasahan ngayon kundi ang kaibigan ko na lamang. Maski trabaho ko, nawala rin sa akin. Ilang araw akong nawala, pagbalik ko, pinalitan na ako. Napakasakit isipin. Hindi ko alam kung saan pa hahantong ang buhay ko. Tapos, may naiwan pang utang ang nanay ko sa isang mayamang pamilya. Paano ko mababayaran ang halos kalahating milyong halaga na utang? Saan ko kukunin ang ganoong kalaking pera?"
Napahagulgol na si Melannie. Hindi na niya namalayan na tumabi na ang lalaki sa kaniya at inalo siya nito.
"I didn't know you've been through a lot lately. I'm so sorry for your loss. It's so hard to lose someone especially if it's your loved ones. I lost someone, too. I lost my father last week. If you need someone to talk to, I'm here for you."
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at sakto namang bumaling din ito sa kaniya. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ng sandaling iyon. Sunod-sunod na napalunok si Melannie bago iniwas ang tingin dito.
"Tama, masakit talaga ang mawalan lalo na kung mahal mo pa. Sana nga panaginip lang ang lahat ng ito, e. Nabuburyo na ako. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko gayong wala na akong pamilya. Mamatay na lang din sana ak—"
Hindi pa man siya natatapos sa kaniyang sasabihin nang bigla siyang niyakap patagilid ng lalaki. Naestatwa si Melannie ng mga oras na iyon. Hindi siya makakibo dahil nakapulupot ang bisig ng lalaki sa likod niya.
Nang mapansin ng lalaki ang kakaiba niyang reaksyon, mabilis nitong binawi ang pagkakapulupot nito sa kaniya.
"Don't say that. You lose someone at hindi ibig-sabihin noon ay kailangan mo nang sumuko. Look at me, I'm still fighting everything despite what I've been through."
Tumango si Melannie. "Salamat. Ako nga pala si Melannie Gonzales. Pero puwede mo rin akong tawaging Grace dahil iyan ang second name ko. At ikaw ay si…?"
"I'm Dashiell Kaan Yilmaz. Was it true that you have a debt—an enermous debt?"
Dudugo yata ang ilong niya sa pa-english-english nito. Pero intindi naman niya ang sinasabi nito. Debt—ibig-sabihin—utang.
"Oo."
"I want to help you. I am offering you a job."
Mabilis na nawala ang kalungkutan sa mukha ni Melannie at napalitan iyon ng liwanag. Nanliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ng lalaki.
"Job? Trabaho? Sige, kahit ano, tatanggapin ko pa iyan. Kailangan ko ng trabaho ngayon."
Ngumiti si Dashiell. "I want you to be my personal maid here in my house."
Maid? Kasambahay? Hindi pa nasubukan ni Melannie ang trabahong iyon pero para sa napakalaking utang, tatanggapin na niya iyon.
"Talaga ba? Seryoso ka ba riyan? Ako talaga ang gusto mong maging maid mo? Sa tingin mo ba, karapat-dapat ako riyan?" sunod-sunod niyang tanong.
"I'm serious."
Dahil sa sinabing iyon ng lalaki, napatalon sa tuwa si Melannie at hindi na niya namalayan na napayakap na siya sa lalaki. Ngunit nang mapagtanto niya iyon, agad siyang humiwalay dito at nahihiyang tumango.
"Pasensya na po, Sir. Dashiell. Medyo na-excite lang ako."
Simula ngayon, amo na niya ito kaya responsibilidad niyang tawagin itong Sir. Dashiell bilang paggalang dito.
Natatawang tumayo si Dashiell at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib bago siya nito pinasadahan ng tingin.
"May i-o-offer pa ako sa iyo. Are you willing to accept it?"
"Kahit ano po, tatanggapin k—"
"BE MY SÉX SLÄVĒ!"
Nabingi yata si Melannie sa narinig niya. Séx slävē? Tama ba siya nang pagkakarinig? O baka nabibingi lang siya?
"Hindi po kita maintindihan, Sir. Dashiell. Ano pong séx slävē?"
Ngumisi si Dashiell. "Kailangan mo lang ako paligayahin, that's it. When I request it from you, you have to follow me. Hindi ka puwedeng tumanggi."
"I-Iba na po yatang usapan iyan, Sir. Dashiell. H-Hindi po ako pökpók."
"It's not being a pröstïtuté. Well, kung ayaw mo, fine. Handa pa naman akong bayaran ka nang mas malaki pa sa utang mo."
Paalis na si Dashiell nang bigla itong pigilan ni Melannie. Bumalik ito sa pagkakaharap sa kaniya at may seryosong mukha na ito ng sandaling iyon.
"Payag na ako. Basta't huwag mo lang akong sasaktan. Bukod sa takot ako, wala pa rin akong karanasan pagdating diyan. Kailangan ko nang malaking halaga ng pera dahil balak kong magsimula ng panibagong buhay."
Tumango si Dashiell. "Deal. And from now on, I will call you Grace." Saktong pagtapos nitong magsalita ay biglang tumunog ang doorbell. "That's food. I know you're hungry. You need to eat. Follow me downstairs."
Nang tumango siya, tumalima na ang amo niya palabas ng kuwarto. Marahang bumaba si Melannie sa kama kapagkuwan ay sunod-sunod na nagpakawala ng hangin sa bibig.
Tama bang tinanggap niya ang alok nito na maging alipin siya nito? Naguguluhan tuloy si Melannie. Iniisip niya kung tama ba ang desisyon niya. Sana'y tama dahil ayaw niyang pagsisihan ito sa dulo sapagkat siya rin ang kawawa.