"YOU SHALL START working tomorrow, is that okay, Grace?" untag ng amo niya sa kaniya.
Nilunok muna ni Melannie ang laman ng kaniyang bibig bago nag-angat ng tingin dito. "Sige po, Sir. Dashiell. Nga pala po, may sakayan pa po ba sa labas?"
Kumunot agad ang noo ni Dashiell sabay sabing, "Why?"
"Uuwi po ako. 'Di ba sabi niyo po, bukas pa ako magtatrabaho?"
Mahinang tumawa si Dashiell bago nito sunod-sunod na iniling ang ulo. Napanguso naman si Melannie nang makita ang ginagawa ng amo niya.
"Dito ka na matutulog. There's a room for you. At puwede bang huwag mo na akong galangin? I mean, huwag mo nang sabihin ang po at opo. It annoys me. Hindi pa naman ako matanda para igalang ng ganiyan."
"Sige p—Sir. Dashiell. Pasensya ka na, ganito lang kasi ako, e. Nakakahiya naman kung hindi kita gagalangin, e amo kita."
"Don't. Just don't."
"Sige. Pero seryoso ka ba talaga, Sir. Dashiell. Dito mo ako papatulugin ngayong gabi? Napakasuwerte ko naman sa iyo."
Dashiell immediately nodded. "Yes. After you eat, dadalhin kita sa magiging kuwarto mo. Aakyat lang ako para magbihis."
Tumango lamang si Melannie sa amo kaya tumalima na ito. Nang mawala na ito sa paningin niya, napangiti siya nang malapad sa hindi maintindihang kasiyahan.
Napakasuwerte niya kay Dashiell. Ang bait nito at hindi iba ang pagtrato nito sa kaniya—hindi katulad ng Tiya Salome niya na animo'y hayop siya kung tratuhin nito. Binigyan siya ng trabaho, pinakain pa siya ng masasarap na mga pagkain—tapos dito pa siya papatulugin kahit bukas pa ang opisyal na pagsisimula ng trabaho niya bilang katulong dito.
Guwapo na ito, mabait pa. Kaya masasabi ni Melannie na napakasuwerte niya. Pero hindi niya alam kung suwerte ba siya sa parteng gusto siya nitong maging alipin. Bahala na. Naka-oo na siya kaya wala nang atrasan. At nangako naman ito na hindi siya nito sasaktan kaya sa tingin niya ay tama ang naging desisyon niya. Sana nga'y tuparin nito iyon—dahil kung hindi—hindi na niya alam kung saan hahantong ang buhay niya.
Minadali na ni Melannie ang pagkain ng mga pagkaing in-order pa ni Dashiell sa online. Sinamuol na niya sa kaniyang bibig ang manok na hawak. Nang maubos ang nasa bibig, nagligpit na siya. Hindi naman naubos ang lahat nang binili ng kaniyang amo kaya inilagay niya iyon sa napakalaking ref na halos tubig lang ang laman at wala nang iba.
Nang masiguradong maayos at malinis na ang counter, nagpatiuna na siya upang puntahan ang amo niya sa kuwarto nito. Pero nang makita niya itong pababa, huminto siya at hinintay itong makalapit sa kaniya.
"Follow me, Grace. I'll show you your room."
Tanging tango lang ang isinagot ni Melannie rito kalaunan ay sumunod dito. Talaga namang malaki ang bahay at ang daming pasikot-sikot, isama pa ang maraming pinto kaya hindi malabo na maligaw siya rito.
Nang tumigil ang amo niya sa harap ng isang pinto, tumigil din siya. Binuksan nito ang pinto at inaya siyang pumasok. Nginitian niya ito bago pumasok sa loob at mabilis siyang napa-awang nang makita ang loob. Silid iyon at mayroon doong tatlong double deck na kama.
"Ito ang magiging kuwarto ko, Sir. Dashiell?" hindi makapaniwala niyang tanong sa amo.
"Exactly," tugon nito na nasa likuran lamang niya.
Humarap si Melannie kay Dashiell. "Hindi ba masyado itong malaki para sa akin na nag-iisa lamang? Baka multo na ang makasama ko rito." Kakamot-ulo siya ng sandaling iyon.
"Ghosts aren't real, Grace. It's just a myth and made to scare children."
"'Di na bali, Sir. Dashiell. Napakasuwerte ko talaga sa iyo. Naka-aircon pa itong magiging kuwarto ko."
Hindi mapigilan ni Melannie na mapansin ang aircon sa pader. Sapat na sa kaniya ang bentilador, pero itong magiging silid niya, naka-aircon pa. Sana makaya niya ang lamig dahil kung hindi, baka mag-request na lang siya sa amo niya na magbentilador na lang siya.
"Now, we can talk about the rules in my house."
"Sige, Sir. Dashiell. Sabihin mo lang at malugod kong susundin ang mga iyon," nakangiting saad niya sa amo.
"Good to know that," Dashiell said before he heaved a deep sigh then continued talking, "First rule: Follow me always. Lahat nang sasabihin at iuutos ko sa iyo, kailangan mong sundin. Clear?"
Tumango si Melannie.
"Second rule: Kapag tinawag kita, tumugon ka agad. Ayoko sa lahat ay mabagal kumilos. Mainitin ang ulo ko, Grace. Baka kung ano ang magawa ko kapag hindi ka agad lumapit sa akin kapag tinawag kita. Clear?"
Base sa tinig nito, may pagbabanta roon.
Nakakaramdam man ng takot, tumango muli si Melannie.
"Third rule: Ayoko nang tatamad-tamad. Halos kapareho lang ito ng una at pangalawa. Kapag tamad ka, sabihin mo agad sa akin para mapatalsik kita. Gusto kong magagawa agad ang inuutos ko. Clear?"
Tumango muli si Melannie. "Clear, Sir. Dashiell."
"Good to know that." Pumamulsa ito bago nagpatuloy, "Fourth rule: Ayoko nang pinapakialaman ang buhay ko. May sarili kang buhay, iyan ang pakialaman mo, huwag sa akin. I have my own privacy. I have my own office here. Kapag sinabi kong puwede kang pumasok, pumasok ka. Kapag hindi kita pinayagan, wala kang karapatang pumasok. Ganiyan din sa kuwarto ko. You also have no right to enter unless I say so. Understand?"
Tumango muli si Melannie.
"Fifth rule: Kapag natiklop mo na ang mga kasuotan ko, pagsamahin mo sila sa closet ko base on their colors. Ayokong may makikitang nakahalong ibang kulay sa pula dahil mabilis uminit ang ulo ko roon. Sa pangtrabaho ko naman, dapat mong i-hanger iyon sa closet ko. Ayokong makikitang may gusot iyon kapag susuutin ko na. Organize everything in my closet. Make it looks appealing. Understand?"
Tumango muli si Melannie.
"Sixth rule: Huwag kang magpapapasok sa bahay ng kung sino unless itinawag ko iyon sa iyo. Ikaw at ako lang ang tanging papasok sa bahay na ito at wala nang iba. Is that clear?"
Tumango si Melannie. "Clear po, Sir. Dashiell."
"Seventh rule: Water the plants everyday. Make sure na walang mamamatay sa kanila. Marunong ka bang mag-alaga ng halaman?"
Agad na tumango si Melannie. "Oo, Sir. Dashiell. Sa katunayan, plantita ang nanay ko kaya nagkaroon ako nang maraming kaalaman kung paano mag-alaga ng mga halaman."
"Good," tatango-tangong wika ni Dashiell bago ito nagpatuloy, "Eight rule: Feed my fish everyday. Nasa ibabaw na ng aquarium ang pellets na kinakain nila. Just throw right amount in the aquarium. At kapag nakita mong iniiwasan na nila iyong pagkain, stop feeding them. Is that clear?"
Nangunot si Melannie. "Nasaan po ba iyong aquarium, Sir. Dashiell? Parang wala po akong naki—"
"Nasa third floor," putol nito sa kaniya.
Mas lalong namangha si Melannie. Akala niya'y dalawang palapag lang ang bahay ng amo niya—tatlo pala. Grabe naman talaga! Napakayaman naman nito.
"Clear po. Ano po pa lang isda iyon? Gold fish? Beta fish?"
"They called arowana," sagot nito.
Arowana? Anong klaseng isda iyon?
"Ninth rule: Feed my dog everyday, too. Huwag mo siyang pakainin ng iba unless I say so. Dog food lang ang puwede mong ipakain sa kaniya."
"May aso ka?"
Pero wala naman siyang naririnig. Walang tumatahol kahit ilang oras na siyang nandito.
"Nasa third floor din. For sure he's sleeping right now. Nga pala, my dog's name is Ace. He's a labrador."
"Hindi naman ba siya nangangagat?"
"No, unless sasaktan mo siya. Don't worry, kumpleto ang vaccine ni Ace. Hindi ka mamamatay kapag kinagat ka niya."
"Sige, Sir. Dashiell."
"Tenth rule: I almost forgot it. This will be the last rule in my house. Clean the house well. Ayokong may makikitang basura sa lapag—maliit man o malaki. Ayoko rin na may makikita akong gabok. You're a maid, and it's your responsibility and priority to clean the house properly and make it spotless. Is that clear, Grace?"
"Clear, Sir. Dashiell. Susundin ko lahat iyang mga tuntunin mo."
"Mabuti naman at naintindihan mo ako. You can sleep now. Malalim na ang gabi. Nga pala, bago ko makalimutan. Nasa kama na ang magiging uniform mo. Wear it when you're working."
Hinanap ni Melannie ang sinasabi ng kaniyang amo. Nang makita niya iyon sa isa sa mga kama, nilapitan niya iyon at kinuha.
"Masusunod, Sir. Dashiell." At sinuri niya ang magiging uniform niya. Napakunot-noo agad siya nang mapansing kakaiba iyon sa uniporme ng mga kasambahay na napapanood niya sa mga teleserye. "Ganito ba talaga ito, Sir. Dashiell? Ang ikli naman masyado nitong pang-ibaba tapos parang makikita ang cléavage ko rito. Wala bang ib—"
"Nagrereklamo ka ba?"
Nang tingnan niya ang amo, matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Napalunok siya kapagkuwan ay ibinalik sa kama ang hawak at tumungo.
"Hindi naman, Sir. Dashiell. Sige, i-ito na lang ang isusuot ko."
"Grace, ayoko nang maraming reklamo, okay? Ano nga iyong una kong rule?"
"Follow you always," nanginginig niyang tugon.
"Do it, and I won get mad at you."
Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya. Nang makita niya ang paanan nito, abot-kaba siyang nag-angat ng mukha rito.
"Masusunod, Sir. Dashiell."
"Hindi mo kailangang matakot sa akin, Grace. Follow every rules I have told you, wala tayong magiging problema. Nga pala…" May dinukot ito na kung ano sa bulsa. Nang iharap nito ang kamay sa kaniya, nakita niyang cellphone ang hawak noon. "Accept this. It's yours now. Naka-save na riyan ang number ko. If you have an emergency here while I'm at work, call me. And watch the videos there."
Tinanggap ni Melannie ang cellphone. "Sige, Sir. Dashiell. S-Salamat."
Hindi na nag-atubili pa si Melannie na tanungin kung anong mga bidyo ang tinutukoy nito.
"You should sleep now. Gabi na. Don't be scared because ghosts are fake—they aren't real. Naiisip lang natin na totoo sila dahil ini-imagine natin."
Tumango si Melannie at hindi na umimik pa. Samantalang si Dashiell naman ay tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Nang maisarado nito ang pinto, nakahinga nang maluwag si Melannie.
Mabait na masungit pala ang lalaking iyon. Akala niya kung ano na ang gagawin nito sa kaniya. Buti na lang at hindi siya nito sinaktan. Kahit ganoon iyon, nanguna pa rin ang kabaitan dito dahil nagawa pa siya nitong bigyan ng cellphone.
Pero naalala niya iyong sinabi nito na panoorin niya raw ang mga bidyo na nasa cellphone. Naiiling na inayos ni Melannie ang higaan niya bago humiga roon.
Bumuntong-hininga muna siya bago binuksan ang cellphone. Wala iyong lock kaya dumiretso agad siya sa videos. Pinindot niya iyon at napamulagat siya nang bumungad sa kaniya ang sandamakmak na bóld.
Tama, bóld ang mga iyon. Sari-saring uri ng bóld. May mga babaeng nakakadena. Mayroon din namang nakaposas. At ang nagpasinghap kay Melannie ay iyong mga babaeng nakasabit habang nakikipagtalik sa mga lalaki. Diyos ko. Ano ba ito?
Pero gusto ng amo niya na panoorin ito. Bakit? Para saan? Sunod-sunod na napalunok si Melannie. Nagpalinga-linga muna siya bago kinuha ang kumot sa ulunan niya at itinaklob iyon sa buo niyang katawan. Ilang beses siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago nagsimulang panoorin ang mga bóld. At hindi pa man nagtagal—mga limang minuto ang lumipas simula nang umpisahan iyon ni Melannie, naramdaman niyang unti-unti nang nababasa ang kásélán niya at nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon at init sa kaniyang katawan kahit bukas naman ang aircon.