CHAPTER 6: Touch Me, Grace

2398 Words
KINABUKASAN, MAAGANG NAGISING si Melannie upang ipagluto ng almusal ang kaniyang amo. Nagtungo siya sa banyo upang maligo dahil balak na niyang magpalit ng kasuotan. Wala nang pagpipilian si Melannie kundi suutin ang unipormeng ibinigay sa kaniya ni Dashiell. Kahit lalabas ang kaluluwa niya roon, susuutin niya pa rin. Hindi naman nagtagal si Melannie sa banyo. Lumabas siya at bumalik sa silid na tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kaniyang kahubaran. Nang makabalik sa silid, agad nagbihis si Melannie ng kaniyang uniporme. Hindi komportable si Melannie sa suot. Napaka-ikli kasi ng skirt noon na halos ipakita na ang pang-upo niya kapag yumuko siya. Halos makita na rin noon ang cleavage niya. Para kay Melannie, sa mga babaeng seksi lang bagay ang uniporme niya. Iyong babaeng may magandang kurba ng katawan at may malaking hinaharap. Sunod-sunod na umiling si Melannie bago ipinagpatuloy ang pagbibihis. Nang maisuot ang fishnet stockings sa magkabila niyang binti, saka niya isinuot ang black shoes. Hindi talaga siya kumportable. Pero ano ba ang magagawa niya, e ito ang gusto ng amo niya? Alangan namang suwayin niya ito, baka matanggal lang siya sa trabaho. Lumabas na si Melannie sa kaniyang silid at kahit maraming pasikot-sikot, hindi naman siya naligaw dahil tanda niya ang mga dinaanan nila ng kaniyang amo kagabi. Agad na dinako ni Melannie ang kinaroroonan ng kusina upang magawan na ng almusal si Dashiell. Subalit bigla niyang naalala na wala nga pa lang laman ang ref nito kundi ang mga tira lang niya kagabi. "Kakain ba iyon nang tira-tira?" tanong niya sa sarili kapagkuwan ay kinuha sa ref ang mga pagkaing hindi niya naubos kagabi. Pinag-isipan niya ang magiging desisyon niya dahil baka iyon pa ang maglaglag sa kaniya. Pero anong ihahain niya kung hindi ang mga pagkaing tira niya? Wala na na namang ibang laman ang ref nito kundi mga tubig lang. Bumuga si Melannie ng hangin sa bibig at sa huli, napagdesisyunan na lang niyang puntahan ang amo sa kuwarto nito upang tanungin kung ano ang gusto nitong almusal at handa naman siyang bumili sa labas. Ngunit hindi pa man nakakahakbang si Melannie nang may mapansin siya sa kitchen counter. Papel iyon na may katabing sobre. Nakakunot-noong nilapitan iyon ni Melannie upang alamin kung ano iyon. 'Buy groceries when you wake up. Call Manong Bong's number that I saved on your phone. Also, buy some clothes or whatever you like.' Nakangusong kinuha ni Melannie ang sobre at halos malaglag ang panga niya nang makita niyang pera iyon—lilibuhin at makapal. Kung gayon, marahil ay maaga itong umalis dahil naikuwento nito sa kaniya kagabi habang nakain siya na may pinapamahalaan itong isang kumpanya. Hindi na pala niya kailangang mamroblema sa almusal nito dahil wala na pala ito sa malamansiyong bahay nito. Kailangan na lang niyang tawagan si Manong Bong para makatulong niya ito sa paggo-grocery. Kinuha ni Melannie ang kaniyang cellphone sa silid at muling bumalik sa kusina. Nagtimpla muna siya ng kape bago tinawagan ang numero ni Manong Bong. Nangako ito na dadating matapos ang sampung minuto kaya naman binilisan na ni Melannie ang pag-aalmusal niya. Almusal na ni Melannie ang kape. Ayaw niyang kumain sa umaga kaya simula noon, kape na ang palagi niyang almusal. Sakto naman nang maubos niya ang kape, may bumusina sa labas. Inayos muna ni Melannie ang kailangang ayusin bago lumabas sa bahay ni Dashiell. Kinawayan siya ng isang lalaking may katandaan na. Marahil ay ito na si Manong Bong. Nginitian niya ito at sinigurado munang nakakandado ang pinto bago lumapit sa matanda. "Melannie?" bungad ng matanda sa kaniya. "Ako nga po," nakangiti niyang tugon. "Kayo po ba si Manong Bong?" "Ah, oo, ako nga si Bong." At pinagbuksan pa siya nito ng pintuan. "Pasok ka na at para makaalis na tayo." Tumango lamang si Melannie bago pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod naman si Manong Bong saka nito pinaandar ang sasakyan paalis. "Manong Bong, kung hindi niyo man po mamarapatin, puwede po bang malaman kung ano ang koneksyon niyo sa amo ko?" baling ni Melannie sa matanda. Marahang tumawa si Manong Bong at sumagot na hindi man lang bumabaling sa kaniya, "Tauhan kasi ako ng mommy at daddy niya noon. Family driver nila ako. Kapag busy si Sir. Mustafa, pinagmamaneho ko si Madame Diana. Pero natanggal ako dahil naakusahan ako ng amo kong lalaki na nilalandi ang asawa niya na malayo naman sa katotohanan. Pero mabuti na lang at inalok ako ni Sir. Dashiell ng trabaho. Kapag may kailangan siya, isang tawag niya lang, dadating na agad ako." "Ganoon po ba? Eh, nasaan na po ang mga magulang ni Sir. Dashiell?" "Hija, sa katunayan, kakamatay lang ng ama niya. Nag-inuman kaming dalawa sa bahay niya at nabanggit niya sa akin iyon. Ang mommy naman niya, nasa bahay nila—kakauwi lang galing sa Turkey." Napa-awang ang bibig ni Melannie nang marinig iyon mula sa matanda. Kakamatay lang pala ng ama nito? Baka iyon ang dahilan kaya naging masungit ito sa kaniya kagabi. Ayos lang iyon, alam naman ni Melannie sa sarili na lilipas din iyon. Ngayo'y naintindihan na niya ito. "Mayaman ang pamilya nila, hija. Biruin mo, bilyonaryo si Sir. Mustafa nang ipamana niya ang kumpanya kay Sir. Dashiell. Marami silang negosyo. Pero makalipas ang ilang taon, si Sir. Dashiell na ang naging bilyonaryo. Napakayaman ng amo mo, Melannie." Bilyonaryo si Dashiell? Hindi man lang naisip ni Melannie iyon. Pero hindi na siya nagulat. Talaga ngang mayaman ito. Suwerte siya at ito ang naging amo niya. Mabait na, mayaman pa, saan ka pa? "Siya lang po ba ang anak ng mga magulang niya?" kunot-noong tanong ni Melannie. "Oo, only child lang siya kaya sa kaniya lahat napunta ang mana ng ama niya. Pero matanong lang kita, hija. Saan ka nakuha ni Sir. Dashiell? Kasi sa totoo lang, hindi siya kumukuha ng kasambahay. Kapag may pinapalinis siya, ako ang tinatawagan niya tapos kaming mag-asawa ang maglilinis." "Mahabang kuwento po, Manong Bong. Pero ang bait ni Sir. Dashiell, 'no? Ang suwerte-suwerte ko sa kaniya." "Oo, mabait talaga si Sir. Dashiell. Ingat ka lang." "Saan po?" Ilang segundong naghintay ng sagot si Melannie mula sa matanda ngunit hindi na ito umimik. Nang balingan niya ito, tutok ang mga mata nito sa kalsada. Imbes na tanungin pa ulit ito, napagdesisyunan na lang niyang ilista kung ano-ano ang mga ipapamili nila. Makalipas pa ang ilang segundo, nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Pumasok na sila sa loob ng grocery store at parehong kumuha ng push cart. Dumiretso si Manong Bong sa seksyon ng mga gamit panlinis ng bahay at kung ano-ano ang kinuha nito roon. Napakunot-noo si Melannie. Wala na rin pa lang saysay ang mga inilista niya dahil kung ano lang ang madampot, iyon na lang. Maigi na rin iyon dahil hindi rin siya sigurado sa mga inilista niya. Dumiretso si Melannie sa seksyon ng mga karne at isda at kung ano-ano na lang ang mga dinampot doon. Dumampot siya ng iba't-ibang klaseng karne at isda mula sa mga naglalakihang freezer. Pagkatapos ay dumako siya sa seksyon ng mga prutas at gulay. Kung ano-ano na lang din ang kinuha Melannie. Mahilig naman siyang magluto kaya alam niyang magagamit niya ang mga pinamili niya. Sa bilis ng oras, hindi na nila namalayan na halos limang oras na silang palakad-lakad sa loob ng grocery store. Naka-anim na push cart silang dalawa at nang mabayaran, halos singkuwenta mill ang halaga ng lahat. Akala pa ni Melannie ay maso-short sila pero nagkamali siya. May natira pang bente mill. Naalala niya nga pala na pinapabili rin siya ng amo niya ng mga damit at kung ano-ano. Guwapo na nga, mabait pa. Mabuti na lang ay van ang dala ni Manong Bong kaya nagkasya ang lahat ng mga pinamili nila. Bago bumili ng damit, kumain muna silang dalawa sa karinderya. "Kaya pa ba, Manong Bong?" untag ni Melannie sa matanda na abala sa pagkain. "Kaya pa, hija. May alam akong bilihan ng mga damit sa malapit, doon na lang tayo dumiretso." "Sige po. Ang bait talaga ni Sir. Dashiell, 'no? Binigyan niya pa ako ng pambili ng damit ko. Tamang-tama, wala rin po kasi akong damit, e." "Kaya ganiyan ang suot mo?" "Ah, hindi po. Uniform ko po kasi ito, e." "Uniform mo na halos ilantad na ang kahubaran mo?" Natatawang umiling si Manong Bong kapagkuwan ay uminom ito ng tubig. "Si Sir. Dashiell talaga, ang lakas ng tama." "Bakit po?" "Wala naman. Pero baka mamukat-mukat ko, kayo nang dalawa ang magkatuluyan." "Asa ka, Manong Bong." Halos humagalpak si Melannie sa turan ni Manong Bong. "Sa tingin niyo ba, papatol ang isang bilyonaryo sa isang katulad ko na galing lang sa squatter?" "At bakit hindi? Kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo siya kung ano man siya at kung saan siya nanggaling." Natatawang umiling si Melannie. "Imposible pong mangyari iyan, Manong Bong. Guwapo si Sir. Dashiell, at maganda ang hanap niya." "Maganda ka naman, Melannie." "Naku, huwag niyo nga po akong bolahin, Manong Bong. Pero imposible po talagang mangyari iyang sinasabi mo. Maganda at mayamang babae ang bagay kay Sir. Dashiell, hindi sa katulad kong mahirap at mangmang." Hindi na ulit ito tumugon sa kaniya kaya nagpatuloy na si Melannie sa pagkain. Nang matapos, nagpahinga muna silang dalawa bago nagtungo sa bilihan ng mga damit. Hindi naman nagtagal si Melannie dahil hindi naman siya mapili sa mga kasuotan. Bumili rin siya ng sari-saring kakanin bago napagdesisyunang umuwi na. Nang makarating sa bahay ng amo niya, pinasok na nilang dalawa ni Manong Bong ang mga pinamili nila. Habang abala, bigla niyang narinig na tumunog ang cellphone niya. Nagtataka niyang nilapitan iyon at nakita niyang may nag-text sa kaniya. 'Feed my fish and Ace. Remember my rules, Grace.' Galing iyon sa amo niya. Tumango si Melannie bago nagtipa. 'Masusunod po, Sir. Dashiell.' At s-in-end na niya iyon. Ibinalik niya sa counter ang kaniyang cellphone bago nagpaalam kay Manong Bong na pupunta lang siya sa ikatlong palapag para pakainin ang mga alaga ng amo niya. Rarayumahin yata si Melannie nang marating niya ang palapag. Namangha siya dahil sa angking ganda noon. Nandoon pala iyong opisina ng amo niya. Babasagin ang pinto noon kaya kita niya ang loob noon na talaga namang maganda. Ang mga pader nito—mga babasagin din. Kita mula sa kinatatayuan niya ang labas. Sana makapasok siya rito kahit imposibleng mangyari. Sa palapag na iyon, nandoon din ang gym ni Dashiell. Katulad ng opisina, kita rin ni Melannie ang loob noon na punong-puno ng mga kagamitang pang-gym. Marahil ay nag-e-ehersisyo ang amo niya kaya napakaganda ng katawan nito at talaga namang pumuputok ang mga abs nito sa tiyan. Nandoon din ang silid ng aso ni Dashiell. Kung hindi pa sinilip ni Melannie ang munting salamin sa pinto, hindi niya pa makikita si Ace na prenteng natutulog sa kama na para sa aso talaga. Ang laki ng silid, may aircon din. Parang tao lang din kung tratuhin ng kaniyang amo ang aso. Hindi lang pala siya ang suwerte. Sa hallway naman, nandoon ang napakalaking aquarium na may mga isdang malayang lumalangoy. Sabi ng amo niya, arowana ang mga ito. Mukhang mamahalin at magandang uri ng isda ito. Iba't-ibang kulay ang mga nandoon at mga malalaki na para bang puwede nang iprito. Natawa bigla si Melannie. Baka isumpa siya ng amo niya kapag prinito niya ang mga isda. Kinuha na ni Melannie ang pellet sa ibabaw ng aquarium bago naghulog ng isang dakot na siya namamg pinagpyestahan ng mga isda. Tahimik lang niyang pinapanood ang mga ito habang kumakain at nang mapansing iniiwasan na ng mga ito ang mga pellet, tumigil na siya sa pagpapakain bago nagpatiuna sa silid ni Ace na kanina niya pang pinuntahan. Bumuga muna siya ng hangin sa bibig bago dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Itinulak niya iyon at pumasok sa loob na may kaunting takot na nararamdaman. Hindi niya alam ang lahi ng asong ito kaya hindi siya sigurado kung mabait o mabangis ba ang asong ito. Nang magising ito, halos isang minuto itong nakipagtitigan sa kaniya bago ito nagtatakbo palapit sa kaniya. Sa takot ni Melannie, hindi na siya nakatakbo. Dinambahan siya ni Ace at ang akala niya'y kakagatin siya nito, nagkamali siya. Dinilaan nito ang mukha niya habang kumakawag pa ang buntot nito. Mabait naman pala, akala niya lalapain na siya. Natawa na lang si Melannie sa naisip na iyon. Ibinaba niya si Ace at kumuha na ng dog food sa istante na nasa loob ng silid nito. Nang malagyan niya ang kainan nito, nagsimula na itong kumain. Pinanood niya muna ng ilang segundo si Ace bago lumabas ng kuwarto nito. Babalik na sana si Melannie sa unang palapag nang may makita siyang isang pinto sa dulo. Ano kaya ang nasa loob noon? Nawiwirduhan man, ipinagpatuloy na niya ang pagbaba dahil baka nahihirapan na si Manong Bong sa paghahakot sa napakarami nilang pinamili. Pagkababa niya, hindi nga siya nagkamali. Naghahakot pa rin ito. Tinulungan niya ito at nang matapos, inayos na niya ang mga pinamili nila. Inilagay niya iyong mga kailangang ilagay sa ref katulad ng mga karne, isda, gulay, prutas, juice, beer, wine, at kung ano-ano pa. Si Manong Bong ang bumili ng beer at wine. Pinaglalagay rin niya sa mga cabinet ang ibang pinamili nila. Nang matapos at maayos na ang lahat, nagpaalam na si Manong Bong sa kaniya. Madilim na ang kapaligiran kaya nagluto na si Melannie ng pagkain ng amo niya. Nagsaing siya ng isdang tulingan at nagprito rin. Tiyak na magugustuhan ito ng amo niya. Habang abala sa pagpiprito, halos mapatalon si Melannie nang biglang may tumikhim kung saan. Hinanap niya kung saan iyon nanggagaling at halos mapatid siya nang makita ang amo niya sa hindi kalayuan habang nakasandal sa pader. "Come here, Grace," mahina ngunit sapat na para marinig niyang sabi nito. Lumunok siya at dahan-dahang lumapit dito. "Sir. Dashiell, gutom ka na ba?" Umiling ito. "I'm not hungry." "Sayang naman itong niluto k—" "Touch me, Grace." Hinubad nito ang suot na coat saka tinanggal ang mga butones ng long sleeve nito kaya bumalandra sa kaniya ang maskulado nitong katawan. Kita niya ang pangungusap sa mga mapupungay nitong mata ng sandaling iyon. Lumunok muli siya. "Malansa ak—" "I don't care. Touch me, please…" Lumunok muli siya bago dahan-dahang inangat ang kamay hanggang sa masapo na niya ang tiyan nito. Tumingala si Dashiell at napamulagat si Melannie nang bigla itong maglabas ng ungol sa lalamunan nito. Putangina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD