CHAPTER 21 GWYNETH's POV: (JANETH) ABUSADO. Iyan ang salitang masasabi ko kay Mr. David matapos niya akong utusan na buhatin ang naglalakihan na kahon. Mabigat pa naman yung box kaya talagang tinanggihan ko ang kanyang utos at hindi ko ito sinunod. Nasa tamang rason naman ako... Hindi ako kargador ang trabaho ko rito para buhatin ang mga ganyang bagay. Kaya pinili kong magwalk-out sa harapan ni Mr. David at pinuntahan ang bata na naghihintay sa pagbalik ko. Masaya pa naman kaming naglalaro ni Darryl — pero nang dumating ang tatay niya ay natigil ang kasiyahan namin dahil mas pinili nito na utusan ako — kahit na kaya niya namang gawin. "Kalalaking tao, tatamad-tamad," bigkas ko nang makabalik ako sa pwesto ng bata para ipagpatuloy ang aming paglalaro. "Ayos ka lang po ba yaya?" ta