CHAPTER 22 MR. DAVID's POV: Si Janeth, halos lahat ng kilos niya — tugmang-tugma sa asawa ko. Yung boses niya, yung galaw niya at maging ang luto niya — katulad talaga kay Gwyneth. Hindi nagsisinungaling ang bata, lalo na kapag nanggaling ito mismo sa anak ko. Mas kilala ni Darryl ang kanyang ina dahil lagi silang magkasama noon na iniiwan ko sa bahay nung mga panahon na may trabaho pa ako sa Manila. Kaya alam ko, na kung ano ang sinasabi ng bata — alam ko na wala itong kasinungalingan. Kaya hindi ko na nagawang tikman pa ang naging luto ni Janeth dahil sapat na yung naging komento ng anak ko sa ulam na inihain niya. "Umalis na nga kami sa Manila para makalimutan ang asawa ko, ikaw naman ang nagpapaalala Janeth... Sino ka ba talaga? — May dapat ba akong malaman sa'yo?" tanong ng isip