CHAPTER 20 MR. DAVID's POV: Walang kontrol ang dila ng babaeng kinuha ko para maging yaya ni Darryl. Hindi ko mawari kung bakit pagdating sa kanya ay tumitiklop ang p*********i ko. Siguro dala na rin nang kadaldalan niya kaya ninais kong huwag na lamang patulan ang ibang mga salitang lumalabas sa bunganga ni Janeth. But kidding aside, Janeth is a good nanny to Darryl. Nakikita ko kaagad ang pagiging close nila sa isa't isa. Mabilis niyang makuha ang loob ng bata gayong kakasimula pa lang niya sa kanyang trabaho. Kaya naging kampante na ako na umalis sa bahay at ibinigay ko na ang buong tiwala ko sa kanya para alagaan ang bata. At heto ako ngayon, sa opisina kung saan ko kikitain si Mr. William para pag-usapan namin ang tungkol sa kontrata. Pagkarating ko ay agad niya akong binati at n