CHAPTER 28 MR. DAVID's POV: "Daddy, papasok ka na po ba sa trabaho?" tanong sa akin ni Darryl nang makita niyang sinusuot ko na ang aking sinturon sa pantalon. Pumasok ang bata sa loob mismo ng kwarto ko kaya ganito niya ako naabutan. "Oo, anak. May kailangan kasing tapusing trabaho ang daddy mo. Kaya nagmamadali na ako," tugon ko naman sa kanya bilang sagot sa tanong nito. "Gano'n po ba daddy? — Anong oras po ba kayo uuwi? — Gusto ko po kasing magpabasa ng story kay yaya. Kaso wala po siyang cellphone eh... Daddy, can you buy me a story book? — Para kahit wala po kayo ay meron pong babasahin para sa akin si yaya," hirit na turan ng aking anak. Eto yata ang dahilan kung bakit siya pumasok sa kwarto para lang mag-request ng libro. "Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi, anak...