CHAPTER 29 ANTHONY's POV: GABI na nang makauwi ako sa bahay. Medyo malayo rin kasi ang hospital kaya kinailangan kong bumiyahe nang ilang oras bago ako makauwi sa amin. Sa pag-uwi ko ng bahay ay kaagad kong hinanap si Janeth. Kailangan kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa mga armadong lalaki na pinaghahanap siya. Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang isipin at tugmain ang bawat pangyayari na aking natuklasan at nalaman sa pagkatao ng babaeng niligtas ko. Gwyneth pala ang totoo niyang pangalan. At hindi lang siya basta simpleng tao — sapagkat nanggaling siya sa marangyang pamilya. Muli kong tiningnan ang buong mukha ng dalaga sa litratong hawak ko. Wala siya ritong sugat sa mukha kaya nangingibabaw sa babae ang kagandahang taglay nito. Nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books