PAGKAMATAY NI GWYNETH - CHAPTER 2

2001 Words
CHAPTER 2 GWYNETH's POV: "Good morning honey... Breakfast in bed," isang matamis na pagbati ang siyang nagpagising sa mahimbing kong tulog. Ang pagbating iyon ay galing mismo sa bibig ng sweet kong asawa na si David. Nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang napaka-gwapong lalaki na may dala-dalang tray na kung saan nakapatong doon ang almusal na inihanda niya para sa akin. "Wala ka talagang absent pagdating sa pagpapakilig, honey... You're always making me happy," bigkas ko naman kasabay nang aking pag-upo. Agad niyang inabot ang mini-table para ipatong ito sa aking kinauupuan. At dito niya na rin nilagay ang tray na kanyang bitbit. He prepared a food for. My favorite toccino and sisig. Pagdating talaga sa act of service ay kuhang-kuha ito ni David. Halos araw-araw niya akong pinagsisilbihan at tinatrato na parang reyna. Kaya lagi talaga akong inlove pagdating sa kanya. Totally package na talaga itong asawa ko. "Hindi ka pa ba sa akin nasasanay, honey? — Alam mo namang nakasanayan ko nang pagsilbihan ka," nakangiting tugon nito at siya pa itong nag-insist na subuan ako ng pagkain. "Honey, ako na... Feeling ko tuloy, may sakit ako sa ginagawa mo," natatawang sambit ko naman, but deep inside, kinikilig ako sa treatment ni David. Daig pa namin ang dalaga't binata sa postura naming ito. Dahan-dahan namang inalis ni David ang hibla ng aking buhok na siyang humaharang sa aking mukha. Inipit niya ito sa gilid ng tenga ko para hindi ito maging sagabal sa aking pag-aalmusal. "You're really beautiful, Gwyneth... Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha mo," pagpupuri naman nito na ngayon ay yung itsura ko ang kanyang pinupuntiryang panoorin at titigan. "Ikaw David ha, kilala ko 'yang galawan mo... Gusto mo lang yata maka-isa," pagkukurot ko sa kanyang pisngi. Naisip ko kasi na ito yata ang dahilan kung bakit pana'y ang puri niya at pag-aasikaso sa akin dahil gusto niya ulit akong masundot. Matagal-tagal na rin kasi nung huling pumasok ang kanyang tubo sa aking lagusan. Kaya alam kong nami-miss niya na ang aming pagmi-make love. "Pwede ba honey?" parang batang paalam nito sa akin. Wala sa oras ay nadulas tuloy ito at napaamin sa kanyang kahilingan na mangyari. "Pwede naman.. But after my meeting, honey... Kailangan ko kasing humarap muna sa mga kliyente mamaya. So I need to focus on it, okay? — Kaya hintayin mo na lang ang pag-uwi ko mamaya, honey... And be ready, dahil katulad nitong toccino, ikaw naman ang kakainin ko," mapang-akit kong turan sa kanya kasabay nang pagsubo ko ng toccino para mas akitin pa ang aking asawa. Kaya sa sobrang gigil ni David sa akin ay hindi siya nakapagpigil at bigla niyang pinigilan ang kamay ko — dahil ninais nitong halikan ako. Halik na para bang wala nang bukas. Hindi na rin alintana sa kanya ang amoy ng aking hininga. Kakagising ko lang at hindi pa nga ako nagma-mouth wash pero hinalikan pa rin ako ng aking asawa. Kung hindi pa nagising ang anak namin ay wala sanang balak si David na kumawala sa labi ko. "Good morning mommy. Good morning daddy... Ano pong ginagawa niyo?" inosenteng tanong sa amin ng bata kasabay nang pagbati nito. "Ahm— wala naman baby... Nag-uusap lang kami ng daddy mo... Saktong-sakto ang gising mo dahil pinaghandaan agad tayo ni daddy David ng almusal... Bangon na dyan and join me to eat this breakfast in bed," sambit ko upang hindi na magtanong ang bata. Pasimple ko namang kinurot si David dahil sa pagiging pilyo niya. May sariling room dapat ang anak ko. Kaya lang hindi raw siya makatulog nang walang kasama kaya tumabi siya sa amin ni David dito sa kama. Kaya yung daddy niya ay talagang hindi maka-score sa akin dahil tila malakas ang pang-amoy ng bata. Nagiging bantay sarado tuloy si David, at hindi niya alam kung kailan siya sa akin makakasalakay. So I promised him na mamayang gabi, sa kanya na ang oras ko. We will be having a make love. Sa mag-asawa, kailangan din ito para naman mas maging matatag ang pagsasama namin ng lalaki... But you know what, I am really proud of David. Kasi ni minsan, hindi niya naisip na ipagpalit ako. Kahit na may pagkukulang ako sa kanya bilang asawa, hindi sumagi sa utak nito na palitan ako. He's loyal and faithful husband. Sumabay na nga sa akin sa pag-aalmusal si Daryl. Nang matapos ay agad akong tumungo ng banyo para asikasuhin ang aking sarili. This is my first day of being a CEO kaya dapat presentable ako na haharap sa bagong kliyente na makakausap ko. "Honey, ayos na ba itong suot ko? What do you think?" tanong ko sa aking asawa para naman malaman ko ang kanyang komento. Realtalk kasi 'tong si David eh. Kapag hindi kaaya-aya sa mata niya ay talagang sinasabi nito nang diretsahan. Kaya mas gusto kong marinig ang suhestyon at komento nito para malaman ko kung bagay sa akin ang aking kasuotan. "It's suit on you, honey... Bagay na bagay sa'yo," walang pagsisinungaling na tugon niya hudyat para maging confident ako. Si David ang siyang naghatid sa akin sa kompanya. Hindi na rin ako nagbilin sa kanya na sunduin ako dahil hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Tiyak ko kasing marami akong gagawin ngayong araw. Ayoko naman na pagurin pa si David — dahil alam kong hindi biro ang mag-alaga ng bata. Nag-leave siya sa trabaho ng dalawang araw para alagaan muna si Daryl. Hindi raw kasi siya makakampante hangga't hindi pa gumagaling ang anak namin. Si David muna ang nag-adjust dahil alam niyang mahalaga sa akin ang posisyon na ito. Kaya ayaw niyang magkaroon ako ng problema sa kompanya — lalo pa't kaka-promote lang sa akin kagabi. "Good morning ma'am!" masisiglang sambit ng mga tao nang pumasok ako sa loob ng kompanya. I just smiled at them as a return of their greetings. Nagmamadali na kasi ako dahil konting minuto na lang ay mali-late na ako sa meeting ko with Mr. Zeus. Sumakay na ako ng elevator para mapadali ang pagpunta ko sa itaas. Sa 6th floor kasi gaganapin ang meeting ko kaya kinakailangan na elevator ang siyang gamitin ko para makarating nang mabilis doon. "Hi, Mr. Zues.. Sorry, I'm one minute late... By the way, I'm Gwyneth, the newly promoted CEO of this company," pagpapakilala ko agad. Kung titingnan ay kasing edad ko lang si Mr. Zeus, pero mukhang binata pa yata ito dahil wala akong nakitang singsing na suot niya sa daliri. "Newly promoted, but you don't know how to manage your time... Dapat bilang CEO, aware ka sa oras mo, Ms. Gwyneth," seryosong saad nito sa akin na pinagkamalan pa akong dalaga. Well, hindi ko naman siya masisisi. Sa ganda at sexy kong ito, hindi halata na may anak na ako. Pinakita ko naman sa kanya ang daliri ko na may singsing para maging aware siya na hindi na ako single. "Mrs. Gwyneth... I'm already married. And I have a son... Nagkasakit kasi yung anak ko kaya — " Hindi ko na natapos ang aking paliwanag dahil nagsalita na rin siya. "I don't need a damn explanation, Mrs. Gwyneth... Hindi ako mahilig sa drama kaya ayokong pakinggan ang talambuhay mo," usal nito na tila may attitude yata itong kaharap kong kliyente. Breathe in. Breathe out... Ayan ang ginagawa ko upang pakalmahin ang aking sarili. Baka kasi umakyat ang aking dugo sa ulo at makalimutan ko na meron akong posisyon dito sa kompanya. "Yeah... You're right... So let's start our meeting," tanging turan ko upang ilihis na ang aming usapan at dumiretso na lamang sa kanyang pakay. At this moment, napag-usapan nga namin ang tungkol sa pagpasok ng bagong produkto ng kompanya. He offers a new product na pwedeng magamit sa negosyo namin na tiyak daw na papatok sa mga tao. Ang produktong ino-offer nito ay ang perfume product na gusto niyang i-franchise namin. Kaya sinabi ko rito na pag-iisipan ko muna ang alok niya dahil hindi ako pwedeng pumayag na lang basta-basta, without thinking the consequences. Nang matapos ang aming usapan ay umalis na nga si Mr. Zeus. Naiwan naman ako sa sarili kong opisina, kung kaya't naisipan kong i-check ang iba't ibang dokumento at mga papeles, na siyang nakapatong sa mesa. Tripleng trabaho pala ang pagiging CEO. At hindi nga ito isang laro o biro na dapat isawalang bahala. Sa dami kong binabasa ay hindi ko namalayan na naabutan na ako nang gabi rito sa kompanya. More on delivering food ang kinain ko habang nasa opisina ako. I already received calls from my husband na tila hinihintay niya na ang pag-uwi ko. Kaya saktong alas nuwebe ng gabi ay lumabas na nga ako ng kompanya dahil sigurado akong magtatampo na si David sa akin. Nangako pa naman ako sa kanya na makaka-score siya sa akin ngayong gabi. So I need to fulfill my promise to my husband. Ngayon lang siya nag-request sa akin — kaya nararapat lang na pagbigyan ko ang kahilingan nito. Nagpasundo na lamang ako sa driver dahil ayoko namang pagurin pa ang aking asawa na sunduin ako. Kaya binilinan ko na lamang siya na yung driver na lang ang papuntahin dito sa kompanya just to pick me up. So I wait my driver outside the company. Kaso sa paghihintay ko ay hindi ko inaasahan na merong van na itim ang siyang huminto sa tapat ko at mabilisan nila akong isinakay sa loob. Labis ang aking takot at kaba sa mga oras na ito. Kahit anong pagpapalag ang gawin ko ay hindi ako makakalakas dahil tatlong lalaki ang nagpipigil at nagpepwersa sa kamay at paa ko. Hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay dahil sa amoy ng panyong itinakip nila sa ilong ko. Nang magising ako ay ramdam ko ang hapdi ng aking mukha. Pakiramdam ko binuhusan nila ako ng acido dahil nang hawakan ko ang aking pisngi ay sobrang hapdi nito. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at humingi ng saklolo kahit na alam kong imposibleng may makarinig sa akin. I don't know where I am. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Masyadong madilim. Pero dahil gumagalaw ang inuupuan ko, napagtanto kong nasa kalagitnaan ako ngayon ng dagat. Nasa barko ako na walang ilaw. "Please let me go... If you need money, then I'll give you everything... Just let me go, pleasee," pakikiusap ko naman. Narinig ko kasi ang mga hakbang na tila may taong nasa likod ko. Hindi kasi ako makagalaw at makalingon dahil nakatali ako sa upuan. Hindi naman sumagot ang taong nasa likod ko, kaya hindi ko malaman kung sino ang gumawa nito sa akin. Hindi ko rin matukoy kung ano ang kanilang puntirya — kung bakit nila ito ginagawa. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong naging atraso. Ni minsan ay hindi naman ako nagkaroon ng kaaway. Halos lahat ng mga tao sa paligid ko ay naging kaibigan ko. My heart is pure and I never did anything wrong to anyone... "W—who are you? Why are you doing this to me? — Please, hinihintay ako ng asawa't anak ko.. I need to go home... Pakawalan mo na ako ohh... Kung ano man ang kailangan mo, sabihin mo lang at ibibigay ko... Pakawalan mo lang ako. Gusto ko pang mabuhay... Masyado pang bata ang anak ko para mawalan siya ng ina," pakikisumamo ko rito. Kaso sa halip na maawa siya at pakinggan niya ang pakiusap ko ay bigla niya akong pinukpok ng baril nang tatlong beses sa aking ulo dahilan para tuluyan na nga akong manghina. For the second time, muli akong nawalan ng malay. And the last time I remembered, bigla nila akong tinapon sa mismong gitna ng dagat habang nakagapos pa rin ang aking kamay at paa. Kaya sa pagkakataong ito, alam kong wala nang pag-asa na mabuhay pa ako. Wala nang pag-asa na may sumagip sa akin dahil unti-unti na akong kinakapos nang hininga sa ilalim ng dagat. Sobrang saklap nang sinapit ko. Matapos ang isang araw na kasiyahan ko kagabi, because of my promotion — ganito pala ang magiging kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD