CHAPTER 1
GWYNETH's POV:
"I would like to introduce and welcome the New CEO of this Company, my one and only daughter Ms. Gwyneth Lacosta." Pagpapakilala sa akin ni dad sa harap ng maraming tao.
I've been waiting for this moment. Ang ibigay sa akin ni papa ang posisyon niya para naman mapatunayan ko sa lahat na kaya ko ring gampanan ang pagiging CEO.
Sikat kasing negosyante si papa. Bukod sa magaling siya magpatakbo ng negosyo ay may mabuti siyang kalooban sa mga taong nasa paligid niya. Kaya naman yung mga taong 'yon ay tinutulak si papa na pumasok ng politika para maging Mayor ng aming lungsod. Sa una, ayaw ni papa na tanggapin o pagbigyan ang kahilingan ng kanyang nasasakupan, pero hindi nagtagal ay bigla siyang nagdesisyon na tatakbo siya bilang Mayor dahilan para bitawan nito ang kanyang posisyon sa kompanya.
At syempre, dahil nag-iisa akong anak ni papa — wala naman na ibang sasalo ng kanyang posisyon kundi ako. Dahil ako lang naman si Gwyneth Lacosta — Serrano, ang legal na anak ni papa sa babaeng pinakasalan niya. Meron din kasi akong kapatid sa labas dahil nagkaroon ng affair si papa sa ibang babae. Pero kailan man ay hindi ko pa nakita ang half sister ko. Dad told me na makikilala ko raw ito pagdating ng tamang panahon. Kaya hinihintay ko rin ang araw na 'yon para tuluyan ko na ring makita't makilala ang kapatid ko sa labas.
"Dad, hindi na ako dalaga. Mrs. Gwyneth Lacosta Serrano na ho ako," pagkokorektang sambit ko kay papa nang lumapit ako sa kanyang kinatatayuan. Pabulong ko lang ito na sinabi kay papa dahil ayoko namang mapahiya siya sa mga tao.
I'm already married. Sa edad kong bente-singko ay nagkaroon na ako ng asawa at anak. Si Mr. David Serrano ang siyang asawa ko. Ang lalaking nagpatibok ng puso ko at ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng aking katawan.
"Mas kilala ka sa apelyidong Lacosta, Gwyneth. Kaya hayaan mong gamitin ko ang apelyido na 'yon," tanging turan ni papa dahilan para hindi na nga ako kumontra.
Hindi gusto ni papa si David sa akin. Simula't sapul, hindi boto si papa sa naging desisyon ko na magpakasal kay David. Kung hindi lang daw sa kanyang apo ay hindi niya tatanggapin si David bilang manugang niya.
"Thank you everyone for spending your time to attend on this event. Natutuwa ako dahil ramdam ko ang mainit niyong pagtanggap sa akin bilang bagong CEO nitong kompanya. I know that this position is a big responsibility for me. But I promise, na gagawin ko ang lahat para mapaganda lalo ang takbo nitong kompanya. Of course, with the help of my dad, lahat nang advice niya ay susundin ko. At alam ko namang lagi akong gagabayan ni papa," nakangiting wika ko sa maraming tao na tila'y hinihintay ang aking sasabihin.
Malakas na palakpakan naman ang kanilang ginawa matapos kong bitawan ang mga katagang 'yon.
Punong-puno tuloy nang kasiyahan ang aking puso dahil sa mainit nilang pagtanggap sa akin bilang new CEO ng kompanyang patatakbuhin ko.
Halos buong gabi ay nakangiti akong nakikipag-usap at nakikisalamuha sa mga tao. To the point na lagi rin nilang bukambibig si papa kung gaano ito kabait at kagaling na CEO. Kaya sa part ko, medyo napi-pressure ako at alam ko na magiging challenging ito sa akin. Pero hindi naman ako yung tipo ng tao na madaling sumuko.
Pakatapos ng celebrasyon ay umuwi na nga ako sa bahay. Sa bahay kung saan nadatnan ko ang aking mag-ama na masayang naglalaro. Wala akong masabi kay David. Ginagampanan niya talaga nang husto ang pagiging asawa't ama nito sa amin ni Darryl. Kaya maswerte talaga ako na natagpuan ko ang lalaking magpaparamdam sa akin na araw-araw akong mahal.
"Si mommy nandyan na! Kiss your mommy na, baby," sambit nito sa bata kasabay nang pagturo niya sa aking pwesto.
Mabilis namang tumakbo papunta ang aming anak papunta sa gawi ko. At isang matamis na halik ang kanyang binigay sa akin.
"Mommy, do you have a pasalubong for me po ba?" malambing na tanong nito na talagang pasalubong kaagad ang kanyang naalala.
Kapag umaalis talaga ako ay hindi ko dapat makaligtaan o makalimutan ang pasalubong dahil tiyak na magtagampo sa akin ang bata. Kaya bago ako umuwi, dumadaan muna ako sa mga pagkain na pwede kong bilhin para sa aking anak. Pero dahil galing ako sa isang celebrasyon na siyang promotion ko ay nagtake-out na lamang ako ng pagkain para sa aking mag-ama.
Hindi sila sumama dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ni Darryl kanina kaya nagpaiwan na lamang dito si David para alagaan ang bata.
Bahagya ko namang hinawakan ang noo ng anak ko, para i-check kung mainit pa ba ang katawan niya. Buti na lang talaga at naging normal na ulit ito kaya kahit papaano nabawasan ang pag-aalala ko sa bata.
"Of course anak. May pasalubong naman lagi sa'yo si mommy eh... Halika, sabay na tayong tatlo nila daddy David kumain," ani ko naman at ako na mismo ang umaya rito na tunguhin ang kinauupuan ng aking asawa.
Hindi ako kumain sa celebrasyon na 'yon dahil mas pipiliin kong mag-celebrate rito sa bahay kasama ang dalawang tao na mahalaga sa puso ko.
Kaya mas ninais kong dito kumain para mas ganado ako.
"Congrats honey... I'm very proud of you. Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap mo sa buhay," wika ni David kasabay nang paghagkan nito ng halik sa aking labi.
Hindi na rin sa kanya alintana kung nakikita ito ng bata. Dahil palagi naman naming pinapaliwanag kay Darryl na ganito talaga ang ginagawa ng mga taong nagmamahalan.
"Thank you honey... Sayang nga dahil wala kayo roon. Hindi niyo tuloy nakita kung gaano kasaya ang mga empleyado sa kompanya nang ipakilala ako ni dad bilang new CEO," nakangiting tugon ko naman.
"Kahit naman wala kami roon ng anak mo, masaya kami sa natatamasa mong tagumpay honey. I know you've been waiting for it. Pinagpaguran mo 'yan kaya deserve mo ang lahat ng blessing na nangyayari sa buhay mo," wika muli nito.
Nakakataba lang ng puso na ganito ang mindset ng asawa ko. Very supportive of all my achievements.
Wala na yata akong hihilingin pa — dahil halos lahat naman nang pinagdasal ko ay binigay na sa akin ni Lord.
A good career and a perfect family.