CHAPTER 23 GWYNETH's POV: (JANETH) ILANG oras nang hindi lumalabas si Mr. David sa kanyang kwarto. Inabutan na siya ng gabi at hindi pa rin siya kumakain. Samantalang ang anak niyang si Darryl ay nakatulog na matapos nitong mapagod sa paglalaro at mabusog sa niluto kong sayote. Paborito talaga ng bata ang sayote. Halos naka-dalawang sandok ng kanin si Darryl dahil sa galing kong magluto. At ngayon, ay naisipan kong dalhan na lamang ng makakain si Mr. David sa kanyang kwarto. Baka kasi isipin ng lalaki na wala akong puso. Kaya bilang kasambahay niya rito sa bahay, ako na lang itong mag-aadjust na dalhan siya ng pagkain. Para sa gano'n ay hindi niya na bulabugin pa ang pagpapahinga ko mamaya. Nang ilagay ko ang plato't mangkok na may laman ng kanin at ulam sa may tray ay agad na akong t