CHAPTER 24 GWYNETH's POV: (JANETH) Sumapit na ang panibagong umaga. Kaya panibagong trabaho na naman ang nakaantabay sa buhay ko. Maaga akong bumangon para paghandaan ng almusal ang bata at si Boss David. Sinangag, hotdog at toccino ang siyang inihanda ko sa mesa. Nilagyan ko na rin ng saging ang kanilang mga plato. Kasabay nito ay pinagtimplahan ko na nang gatas si Darryl. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na nga ang bata mula sa kanyang sariling kwarto. Mabilis ko namang nilapitan ito at ako na mismo ang humawi ng kanyang buhok para hindi siya mahilo. "Good morning, baby... Breakfast is ready.. Natimplahan na rin kita ng milk mo," masayang pagbati ko sa bata. "Sige po yaya. I want to drink milk na po," tugon ko sa kanya. "Sure baby. Pero bago 'yan, need mo muna magmumog ng