PROLOGUE

350 Words
PROLOGUE... (SABIK SA SINGLE DAD) GWYNETH's POV: "Psst pogi! Tatlong libo na lang ako, ngayong gabi. Kunin mo na. Fresh pa ang tahong ko. Gagalingan ko hanggang sa umungol ka!" sambit ko sa lalaking naka-kotse na hinarang ko para huminto siya sa tapat ko. Kinapalan ko na ang aking mukha na gawin ito dahil dito nakasalalay ang buhay ni Ale na siyang kumupkop sa akin. Nasa hospital kasi si Ale ngayon at kailangan kong makalikom ng malaking pera para maoperahan ang kanyang puso. Nga pala, nakasuot ako ngayon ng maiksing short at croptop na kitang-kita ang pusod para makabingwit ako ng lalaki. Ayoko sanang gawin ito, kaso gipit na gipit na talaga ako. Kaya heto, napilitan akong sumama sa kaibigan ko na ganito mismo ang raket. Binuksan naman ng lalaking nakakotse ang kanyang bintana para tingnan ako ng maigi. Yung titig ng mata niya ay halos hubaran na ako dahil sa lagkit ng kanyang tingin. "Pogi, walang mangyayari sa atin dito kung titingnan mo lang ako. — Gusto mo bang sumakay na ako? Pwede naman tayo mag-quickie kahit dito sa kotse mo. Promise, mag-eenjoy ka kahit isang minuto lang," pagkikindat kong saad. Pero ang gago napailing lang siya ng kanyang ulo. "Miss, hindi ako pumapatol sa babaeng maraming lupa sa pusod. — Kaya kung ako sa'yo, linisin mo muna 'yan para hindi ka pandirihan ng magiging customer mo," tugon nito sa akin hudyat para mapahawak ako sa pusod. Punyeta! May lupa nga! "Wala namang connect ang pusod sa pakikipag-s*x ha? Bakit— ito ba ang papasukan mo? Kipay ko naman ang magbibigay aliw sa'yo, hindi ito!" paninigaw ko sa kanya. "Yung pusod mo nga, hindi mo magawang linisin — yung kipay mo pa kaya? Sigurado ako na hindi lang lupain ang nandyan sa kipay mo, baka nag-aalisngaw ang lansa kapag inamoy ko 'yan. — So Miss, better luck next time," tanging bigkas nito at muli niya nang pinaandar ang kanyang kotse. Ang tabas ng dila niya! Talagang ininsulto pa nito ang pagkatao ko. Akala niya kung sino siyang malinis sa katawan, baka nga puno rin ng libag ang itlog niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD