Chapter 2

1994 Words
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko habang inaayos ko ang kurtina dito sa living area ng apartment. Nakalipat na kami ni Jaica dito kaninang umaga, at hindi na kami nag-aksaya pa ng oras upang ayusin itong bago naming titirahan. Maayos naman na ito at malinis ngunit mas gusto namin ng best friend ko na iangkop ito sa taste namin. Ang balak ni Daddy ay ikukuha niya kami ng makakasama namin dito sa bahay para hindi na namin kailangang maglinis pa, ngunit tumanggi ako. Since hindi naman kami talagang maglalagi dito ni Jaica, okay na iyong kami na lang ang maglilinis nitong apartment. Sa gabi lang rin naman kami uuwi rito dahil paniguradong maghapon kami sa school. Malaki rin naman itong apartment para sa dalawa ka-tao lang. Kumpleto na ito sa gamit dahil ipinaayos na ni Daddy noong makapag-enroll ako sa USI. May pareho kaming sariling kuwarto ni Jaica na nasa taas. Dito kasi sa baba ay living area at kusina lang. Mayroon rin guest bathroom na pwedeng gamitin ng kung sino mang gusto kaming bisitahin dito. "It's wine time!" Tili ni Jaica. Lumingon ako sa kanya sabay punas sa pawisan kong noo gamit ang likuran ng palad ko. Malapad itong nakangiti habang hawak ang dalawang wine glass at isang bote ng red wine. Hindi naman kasi fully air conditioned itong apartment, at tanging iyong mga kuwarto lang namin ang mga may aircon. Magkatabi kaming umupo ni Jaice sa pahabang sofa. Binigay niya sa akin ang baso saka iyon binuhusan ng wine. Nilagyan rin niya ang sa kanya. "To our new home, to this new place, and to the new faces..." I raised my glass. Jaica clink our glasses while saying, "Cheers!" Pinag-usapan naming dalawa ang tungkol dito sa lugar na ito at ang tungkol sa university kung saan kami mag-aaral habang umiinom ng wine. Hindi pa talaga namin masyadong kabisado ang lugar na ito kung tutuusin. Nag-research naman na kami para hindi na kami masyadong mangapa, at masasabi ko na maayos naman ang pamamalakad ng local government dito sa sinasakupan nila. Wala ring masyadong naitatalang krimen, nakawan o hold-up-an dito, at sa ibang bayan nitong lalawigan ng San Ildefonso. And since dito kami sa mismong city -- where some people's life begin at night -- hindi na kami mahihirapan pa dahil malapit lang kami sa wet market, mga grocery stores, mall, at sa mga ipinagmamalaking tourist spot nitong lugar. Malapit lang rin ang university kung saan kami mag-aaral. Pwede mo itong lakarin at aabutin ka lang ng twenty minutes. Pero kung may sarili kang sasakyan, mga ten minutes lang nandoon ka na. Say, fifteen kung may traffic na hindi naman masyadong mabigat. And oh, we're just near Pub Street -- the place where it feels like heaven for party-goers like my best friend and, yeah, me. Kabilang rin ang San Ildefonso sa mga mauunlad na lalawigan sa bansa dahil rin sa pamumuno ng gobernador. Ayon sa mga nabasa ko sa internet, takot ang mga tao sa gobernador nitong lalawigan. Hindi raw kasi siya nagbibigay ng idle threats, pero matulungin siya sa mga tao. Pati iyong mga mayor ng bawat bayan nitong San Ildefonso ay ganoon rin naman sa mga nasasakupan nila. Safe rin daw ang maglakad-lakad or mag-jog sa kalye sa tuwing gabi. O kahit abutin ka pa ng madaling araw sa pag-stay sa park, walang manggugulo sa'yo. But I'm not sure about that. That was just a basis of what I've read from people who voice out their opinions on social media about this place. I don't want to risk my life just to prove that. Better be safe than dead. "But you know what, girl?" Ipinatong ni Jaica ang wine glass na may konti pang laman sa babasaging mesa. "There's something that really intrigues me." "Ano?" Curious kong tanong. At pati ako ay na-intriga na rin kahit na hindi ko pa alam kung ano nga ba 'yon. "Well, if you search the name Mykolas Von Ivanov -- the Governor of this place on the internet, nakakapagtaka na wala kang makikitang picture niya," pahayag nito. "Kahit isa, wala. He's faceless." Kumunot ang noo ko habang sumisimsim sa baso. "Is that even possible?" Tanong ko. "Public figure siya -- public servant. Imposible namang wala ni isa." Umiling ako. Kahit na hindi pa ako nag-search tungkol sa governor o sa kahit na sinong public servant nitong lugar, masasabi ko na imposibleng wala kang makikitang mukha ng gobernador sa internet. Paano iyong mga ginamit niyang posters sa campaign? Iyong mga tarps? Flyers? At ang alam ko, para mas lalong makilala ang mga kumakandidato sa panahon ngayon ay ginagamit na rin nila ang social media. Ipino-post nila ang mga achievements nila o iyong mga nagawa nila para sa nasasakupang lugar. "Iyon nga! Kaya nga na-intriga talaga ako dahil ni isang larawan niya, wala -- as in wala kang makikita." Umiling-iling ito para i-justify ang sinabi. "Ano 'yon? Camera shy si Gov?" Mahina akong tumawa saka rin inilapag sa mesa ang baso. "Baka allergic sa social media. O baka gusto niyang magpaka-mysterious sa mga hindi pa alam ang hitsura niya." Sigurado naman akong nakita na siya ng mga taong talagang residente dito noong nangangampanya siya. Mayroon rin siguro siyang mga pinuntahang events. "Siguro nga. Pero nakalatag naman ang personal information niya sa internet. And he's still young! He's just twenty-nine!" Turan nito. "Twenty-nine?" Tumaas ang dalawang kilay ko. "Bata pa nga para sa title na governor." I don't have much knowledge in politics, pero ang alam ko ay pwede nang pasukin ng mga twenty-three years old ang mundo ng politics. At sa tingin ko ay talagang bata pa ang gobernador dito dahil mostly sa mga nakikita kong gustong manungkulan sa bayan, medyo may mga edad na, at siguro ay marami na ring mga experiences. But what do I know about the governor here? Siguro ay mayroon na siyang napatuyan at may mga nagawa na rin siya para sa lugar na 'to kaya ipinanalo siya ng mga tao dito. Kaya sa kanya ipinagkatiwala ang titulo ng isang gobernador. "Yes! And that's what left me wondering about what he looks like," salaysay ng best friend ko. Natawa ako sa kanya dahil talagang napapaisip pa siya ngayon sa kung ano ang hitsura ng governor. "Don't worry, Jai. You still have four years to find out." Ngumisi ako. "O baka may batas siyang ipinapatupad na bawal siyang kuhanan ng picture at ikalat sa internet." "Well, siguro nga," sang-ayon nito ngunit halatang-halata sa mukha niya na ipu-push niya ang pagtuklas sa kung ano ang hitsura ng gobernador. At wala akong pakialam. I'm not interested in politics, let alone with governor Mykolas Von Ivanov. I just came here to study. Not to find out about what he looks like. Sigurado rin naman akong hindi magku-krus ang mga landas namin, unless may malabag akong batas nila dito which is impossible because I'm not a rule breaker. Marunong akong sumunod sa mga batas. O kung mayroon man akong malabag, I'm sure hindi ang gobernador ang makakaharap ko. Jeez, whatever. Hahayaan ko na lang na si Jaica ang malunod sa kakaisip sa kung ano ang hitsura ng governor. Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa mesa nang umilaw ang screen. Agad ko iyong kinuha dahil baka nag-text na si Daddy sa akin. Biglang kumunot ang noo ko nang hindi 'Daddy' ang nakita ko sa notification center kundi ang isang numerong hindi naka-save at hindi rin pamilyar. Unknown: I'll be seeing you so soon. I hope you like it here. Napalunok ako at biglang kinabahan dahil sa nabasa ko. Matagal kong tinitigan ang mensahe kasabay nang pagtaas ng takot sa buong sistema ko. "Hey, are you okay?" Hinawakan ni Jaica ang braso ko at sinilip ang hitsura ko. "Look at this." Ipinakita ko sa kanya ang mensahe mula sa hindi pamilyar na numero. "s**t, Lorna! That's creepy! Sino 'yan?" Bakas ang pagkabahala sa mukha nito. "Wait, hindi ba 'to 'yong sinasabi mo na nag-text sa'yo noong nasa bar tayo? Sa beach resort?" Tanong pa ni Jaica habang tutok na tutok ang mga mata sa screen. Sandali akong nag-isip at inaalala ang numero noong nag-text rin na iyon. Binura ko na kasi ang text na 'yon pagkatapos kong mabasa ngunit nai-kwento ko sa kaibigan ko kaya alam niya. Kung itong nag-text ngayon at iyon ay iisa lang... malakas na kumabog ang dibdib ko sa bigla kong naisip na baka alam talaga nitong tao na 'to kung sino ako, at alam rin niya ang whereabouts ko. Base rin doon sa word na 'here' sa text niya, nandito lang siya sa lugar na 'to! "I don't know," sagot ko sa kaibigan ko saka na binawi ang phone ko. Mabilis kong nilagay ang numero niya sa block list para hindi na niya ako magambala pa. At kung may balak pa siyang gumamit ng ibang numero para lang makapag-send ng mga nakakakilabot na messages sa akin, kailangan ko nang magpalit ng digits. As soon as possible. "Bakit hindi mo muna reply-an at tanungin kung sino?" Suggest ng kaibigan ko na ikinairap ko. I find it stupid, really. "I won't entertain that stupid motherfucker!" Mariin kong sinabi. Baka isipin pa niya ay interesado akong makipag-interact sa kanya. And as if sasabihin niya sa akin kung sino siya dahil kung balak niyang magpakilala, noong unang beses pa lang siyang nag-text ay sinabi na niya. Hindi ganitong binibigyan niya ako ng palaisipan at ikababahala ko para sa buhay ko. "Lorna, come on," anang kaibigan ko. "I didn't say you'll entertain the person behind that message, okay? Itatanong mo lang kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sa'yo. Kung paano niya nalaman ang number mo... you know, those usual questions when you received some random texts." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka bumuntonghininga. Sabagay, may point naman siya. At para na rin magkaroon ako ng ideya kung sino itong nagti-text sa akin. "Do you think the sender is a guy?" I ask, even though my instincts are telling me that the person behind this number is a guy. "Yup! I get the vibe of a guy when I read the text." Tumango-tango ako. Hindi ko rin alam kung mas lalo ba akong matatakot dahi may isang lalaki na nagse-send ng ganitong klase ng mensahe sa akin. Plus the fact that he's just probably around this place! Gosh! Ini-unblock ko ang numero at nag-type ng message, katulad ng mga sinabi ni Jaica. Agad kong sinend iyon at pagkatapos ay ibinalik sa lamesa ang phone. Pareho kaming nakatingin ni Jaica sa phone habang hinihintay ang reply ng kung sino mang iyon. At sa bawat segundong lilipas ay ginagapangan na ako ng uneasiness feeling. Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng pagsisisi dahil sa pagsunod ko sa suhestiyon ni Jaica. Sabay kaming napasinghap ng kaibigan ko nang makita ang pag-ilaw ng screen ng phone. Lumitaw ang unknown number sa notification center. Nanginig at nanlamig ang mga kamay ko habang nagda-dalawang isip sa kung gugustuhin ko pa bang malaman ang laman ng text mula sa taong iyon. Take note: hindi lang isang text, kundi tatlo. "Go," utos ni Jaica na mukhang napansin ang pag-aatubili kong kunin ang phone. "I'm here. And those messages won't harm you." Sandali akong pumikit saka na inabot ang phone sa mesa. Nang basahin ko ang mga text messages ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Marahas namang suminghap ang katabi ko, marahil ay nabasa na rin niya. Unknown: Got you so curious about me, love? I'd say it's just fair enough coz you got me so hooked up to you. You were so damn gorgeous the very first time I saw you, and now I'm obsessed with you. Soon, Lorna. You'll have my name so soon. I will make sure of that. Patong-patong na takot ang naramdaman ko sa buong sistema ko. I got someone obsessed with me without my knowledge. It's not even in my intention to make someone be freaking obsessed with me for heaven's sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD