Chapter 3

3090 Words
My best friend was right when she said those text messages wouldn't harm me. But she didn't say they wouldn't give me anxiety and panic attacks. That psychotic creature really disturbed my peace. Having someone being obsessed with you isn't a good thing. It is something that you shouldn't be proud of. Something you won't go bragging out to people. Obsession is a mental disease. A f*cking disorder! At ngayon na mayroong lalaki na sinabing obsessed siya sa akin, hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkabahala sa kung ano ang gusto niya mula sa akin. Isang linggo na mula noong matanggap ko ang mga creepy messages niya. At sigurado akong hindi ako muli pang makakatanggap ng kahit ano mang mensahe mula sa kanya dahil pinalitan ko na ang phone number ko. Sinigurado ko na wala nang ibang makakaalam no'n bukod kay Daddy at kay Jaica. Isang linggo na rin nang magsimula ang klase. Noong unang araw ay takot pa ako dahil baka doon rin sa siya sa university nag-aaral, ngunit nilabanan ko iyon. Kahit hindi na ako komportable sa dami ng mga taong nakakasalamuha ko do'n, hindi ko iyon hinayaang lamunin ako. Kahit na pakiramdam ko ay may mga matang pinapananood ako, umarte ako nang normal. I won't let that fucker faze me. Daddy raised no coward. Hindi ko hahayaang balutin ako ng takot dahil lang sa mga text messages na 'yon. I even deactivated all of my social media accounts. Naisip ko na baka sa social media niya ako nakita at doon nagsimula ang obsession niya sa akin. O baka mayroon siyang kinausap na isa mga kakilala ko na friend ko, at doon niya kinuha ang numero ko. Because that's what obsessed people do. Ilalapit nila ang sarili nila sa mga taong malalapit sa akin. And it's a good thing I don't have many friends. Si Jaica lang talaga iyong malapit na malapit sa akin. Kung magkakaroon man ako ng mga kaibigan dito, sisiguraduhin ko na wala siyang mapapala sa kanila. "How do I look?" Tumalikod ako sa salamin para harapin ang best friend ko na kakapasok lang dito sa kuwarto. Huminto ito sa paglakad at mahinang natawa habang pinapasadahan ng tingin ang outfit ko ngayon. Hindi siguro siya sanay na nakikita akong balot na balot ngayong alam niya na aalis kami. One f*cking obsessed guy is too much. Ayoko nang dagdagan pa kahit na wala naman talagang connect ang kung anong isusuot ko. "You still look hot, of course," tugon nito saka humugot ng isang hininga. "But are you sure you want to go out tonight? What if the guy who is obsessed with you is just there on Pub Street?" She asked in horror. Bakas rin sa tinig at mukha niya ang pangamba para sa akin, at naiintindihan ko siya. Actually, kanina pa siya gan'yan noong sinabi ko sa kanya na lalabas kami ngayong gabi. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, at na-appreciate ko naman iyon. Pero ayokong maging burden sa kanya. Alam kong gusto niyang pumunta sa Pub Street ngunit hindi lang siya makaalis rito dahil sa akin. Dapat sana ay noong last Sunday pa ngunit dahil sa mga impaktong text messages na 'yon, hindi kami natuloy dahil natatakot siya para sa akin. Kaya hindi ko talaga maiwasan ang hindi makaramdam ng galit para doon sa lalaking baliw na iyon! "Don't worry, Jai. I know how to give a flying kick." I winked at her. "At saka, hindi ko hahayaang ma-apektuhan ang buhay ko dahil lang sa kanya." Ayoko ring limitahan ang sarili ko sa mga gusto kong gawin dito sa lugar na 'to dahil lang sa isang tao. Ayokong magkulong dito sa apartment dahil lang sa alam ko na baka nasa paligid lang siya. I just f*cking turned eighteen, and I should be enjoying all the perks of being at the legal age. I won't let fear rule my body. Isa pa, hindi na rin naman siya nagparamdam sa bago kong numero so sa tingin ko ay good sign na iyon. "Fine," pagsuko nito. "But when I see something suspicious there, we'll go home." "Or we can call the cops if s**t goes south." I smiled. Sumang-ayon naman ito. Pinanood ko siyang lumabas mula dito sa kuwarto ko. Lihim rin akong nagpapasalamat dahil nandito siya. Kung wala lang siguro si Jaica dito, hindi ko na alam kung paano ko iko-compose ang sarili ko. Baka nagsumbong na ako sa ama ko at nagmakaawa na ilipat na lang ako sa ibang eskwelahan. Pumasok kami sa isang bar ng Pub Street nang makarating kami. Maingay ang mga tao sa loob at halatang ine-enjoy ang buhay nila ngayong Sunday night. Mukhang wala silang inaalalang problema, at ganito rin dapat ako -- kami ni Jaica. Wala rin dapat kaming iniisip na isang abnormal na tao. "Two glasses of Johny Walker Black Label, both served over ice, please," ani Jaica sa bartender nang magtungo kami sa mismong bar counter. Agad namang inasikaso ng bartender ang order niya. Nang maubos namin ang laman ng mga baso namin at hindi pa kami nakunteto, umulit pa kami habang nagku-kwentuhan tungkol sa lugar na 'to, at sa mga tao. Pinilit naming hindi mapag-usapan ang tungkol sa kung sino ang lalaking na-obsess sa akin at kung ano ang nakita niya sa akin, ngunit kahit gano'n ay pareho kaming pamasid-masid sa paligid. Muling um-order si Jaica. Sabay rin kaming naglabas ng pera mula sa mga purse naming dala para bayaran na ang bill, ngunit may isang taong nagsalita mula sa likuran. "Don't bother, ladies. It's on us." Sabay na sabay kaming lumingon ni Jaica, at nakita ang dalawang lalaking nakatayo. Bigla akong ginapangan ng takot nang maisip ko na baka isa na sa mga 'to ang nagti-text sa akin. Kinausap naman ako ni Jaica sa pamamagitan ng mata, at alam ko na naisip rin niya ang naisip ko. Mukhang naalarma rin siya sa biglaang paglapit ng dalawang lalaking ito. "Thanks, but no thanks. We can pay for our drinks," Jaica says in a polite way. "We're sorry for being creepy," anang lalaki na nasa tapat ni Jaica. Naka-puti itong button down shirt at itim na pants. Kulot at malabong ang kulay beach blonde niyang buhok na sa tingin ko ay hindi naman iyon ang natural na kulay. Medyo malaki ang mga mata niya ngunit bagay naman sa hugis ng mukha nito. Siguro ay napansin niya na hindi kami naging komportable sa presensya nila. "Yeah," sang-ayon naman ng lalaking nasa tapat ko. "We just thought you two look familiar. Sa USI rin ba kayo nag-aaral?" Ito namang isa ay mas matangkad, textured fringe ang style ng gupit nito kaya medyo messy kung titingnan. Matangos ang ilong niya at medyo malalim ang mga mata. Mayroon rin itong cute na dimples sa corners ng bibig niya. Muli kaming nagkatinginan ni Jaica, at hindi ko alam ngunit bigla na lamang nawala iyong pangamba ko na baka isa sa kanila ay ang taong obsessed sa akin. Malamang, if ever man na lalapitan ako ng lalaking iyon ay hindi sa ganito kadaming tao. At siguradong hindi iyon magtatanong sa amin kung sa USI kami nag-aaral dahil paniguradong alam na niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Mukha naman ring disente itong dalawang lalaking ito, at mukha rin silang mapagkakatiwalaan. Hindi ko rin naman maramdamang naiilang ako sa way ng pagtingin nila sa akin, so siguro ay wala sa kanila iyong nagti-text. Nilapitan lang siguro nila kami dahil nakikita nila kami sa USI. "Yup. Sa USI rin kami," sagot ko. "I told you." Tinapik ng matangakad na lalaki ang braso ng kasama niya saka ngumiti sa amin. They don't look creepy at all, to be honest. They both got this boy-next-door look. Sila iyong tipo ng mga lalaking babalikan mo ng tingin kapag dumaan sila sa harapan mo. "I'm Emman, by the way." Inilahad ng kulot ang kamay niya kay Jaica na agad naman nitong kinuha habang sinasabi ang pangalan niya. Atubili ko naman kinuha ang kamay niya nang sa akin niya iyon ilahad. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko rin ba ang pangalan ko ngunit sa bandang huli ay sinabi ko rin. "Brae," pakilala ng matangkad saka rin inilahad ang kamay sa akin at kay Jaica. Hinayaan namin silang samahan kami dito. Umupo sila sa mga bakanteng stool sa magkabilang gilid namin ni Jaica. Hindi ko na rin maramdaman na hindi ako komportable sa presensya nila, ngunit alertong-alerto pa rin ako sa bawat salita at bawat kilos nila kung may sensyales ba na isa sa kanila ang unknown sender. Alam ko na gano'n rin si Jaica kahit na halata na ang pagiging palagay ng loob niya, lalo na sa lalaking nasa tabi niya. Habang lumilipas ang sandali, sa pagku-kwentuhan namin tungkol sa USI at dito sa San Ildefonso, hindi ko mahanap iyong hinahanap ko sa kanila. Baka nga wala sa dalawang ito. Nasabi rin nila na taga dito lang sila, at nag-offer sila sa amin na kung gusto naming mamasyal sa ibang bayan nitong San Ildefonso, pwede nila kaming samahan. Sumang-ayon ang kaibigan ko, pero dahil hindi pa gano'n kapalagay ang loob ko sa kanilang dalawa, hindi ko iyon tinanggap. Hindi ko rin naman tinanggihan. "You sure you can drive?" Tanong ni Brae habang naglalakad kami tungo sa kung saan nakaparada ang gamit naming sasakyan ni Jaica. These guys are gentlemen enough to walk us to our car. Naubos lang rin ang oras namin sa loob ng bar habang nagku-kwentuhan at umiinom ng beer. "Yup. I'm sober." Lumingon ako sa likuran nang marinig ang tawa ni Jaica. Nasa likuran namin sila, at mukhang hindi pa sila tapos mag-kwentuhan ni Emman. At dahil kabisado ko itong best friend ko, alam kong type niya ang kasabay niya sa paglakad ngayon. Kung pwede lang siguro niya itong isama sa apartment, isasama niya. "Okay. So see you tomorrow at school?" Wika pa ni Brae. "Sure." Ngumiti ako. Though malawak ang USI at hindi naman kami pare-pareho ng kurso. Isa pa, third year na sila samantalang kami ay first year pa lang. Pero malay ba namin kung makasalubong namin sila sa USI bukas. Nagpaalam kami sa kanila at nagpasalamat bago pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi naman sila kaagad umalis at pinanood muna ang paglakad palayo ng sasakyan. Hindi tumigil si Jaica sa pagku-kwento sa kung gaano ka-attractive si Emman. But I couldn't blame her. Those guys have the looks! Pero hindi ko naramdaman ang attraction na nararamdaman ni Jaica para kay Emman. Gwapo sila oo, pero parang may kulang sa kanila na hindi ko ma-point out. They are just simply... good-looking. Pagdating namin sa apartment ay malalapad pa rin ang mga ngiti ni Jaica. Nagpaalam itong mauuna na sa taas habang ako naman ay naiwan sa kusina para uminom ng tubig. Pinatay ko ang mga ilaw at ang tanging nagbibigay liwanag na lang sa akin habang paakyat ako sa taas ay ang mga sconces. Pagpasok ko sa kwarto ay sobrang dilim sa loob. Kinapa ko muna ang switch ng ilaw bago tuluyang isara ang pintuan, ngunit bigla kong nabitawan ang handle at nagulantang nang kusang sumara ang pintuan. No, hindi kusang sumara dahil naramdaman ko ang pwersa ng pagtulak sa pinto! Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napigil ko na lang ang hininga ko nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko. Hindi ko rin magawang sumigaw kahit na gustong-gusto ko. Ni hindi ko magawang pindutin ang switch ng ilaw kahit na malapit na lang ang kamay ko doon. "How's your night?" Halos magsitaasan ang mga balahibo ko sa balat nang marinig ko ang tinig na iyon na parang nanggaling sa ilalim ng balon. Sobrang nanginig ang buo kong katawan dahil sa takot na baka kung ano ang gawin sa akin ng taong ito. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin at kung sino ito, ngunit may kutob ako na ito iyong nagte-text sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero malakas ang kutob ko na siya ito. At kailangan ay hindi ko ipakita sa kanya na natatakot ako. Getting scared means you're weak. Kapag naramdaman niyang natatakot ako sa kanya, gagamitin niya iyon laban sa akin. I should compose myself. I should be brave. And most importantly, I have to get out of here. I need to! "W-who are you?" Nauutal man ay pinilit ko pa ring tapangan ang tinig ko. Hindi ko hahayaan na may isang taong hindi ko kilala na mag-i-inflict ng takot sa sistema ko. Kung ano man ang balak niyang gawin sa akin, hindi ko siya hahayaan. Maingat kong ibinaba ang isang kamay ko na malapit sa switch ng ilaw, at iyong isa naman ay lihim kong ini-angat hanggang sa mahawakan ko ang handle ng pintuan. Pakiramdam ko ay nasa may bibig ko na ang puso ko dahil sa naisip kong plano. Ang kailangan lang ay maging mabilis ako. Hindi ako pwedeng mataranta sa gagawin ko. "Don't be afraid, love. I won't hurt you." Marahas akong napasinghap nang marinig ko mismo sa isang tenga ko ang tinig niya. Tumama pa ang tip ng ilong niya sa may itaas ng tenga ko. "Not in the way you think, at least. But if I were you, I wouldn't do that." May hint ng pagbabanta ang tinig nito. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa likuran ng palad kong nakahawak sa handle ng pintuan. Marahan niya iyong inalis doon ang ibinaba. Biglang nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko dahil sa katotohanang pinaplano ko pa lang, pumalpak na ako. Ngunit hindi ko hinayaang pangunahan ako ng emosyon ko. Kung kailangan kong pekein ang tapang ko, gagawin ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga nang maramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Lihim rin akong nanalangin na sana ay maisipan ni Jaica na puntahan ako dito sa kwarto. Sana ay mayroong biglang pumasok na tanong sa utak niya na gustong-gusto niyang masagot ngayon mismo. Iyong tipong hindi siya patatahimikin ng isip niya kaya pupunta siya dito para mabigyan ko siya ng kasagutan. Ngunit natatakot rin ako para sa kanya na baka kapag bigla siyang nagpunta rito, ma-provoke niya itong hayop na ito para gumawa ng hindi magandang aksyon. Narinig ko ang mga yabag ng lalaki tungo sa kung saan hanggang sa tumahimik ang buong silid. Hindi ko alam kung papaano siya nakakakita dito sa madilim na kwarto. And I feel so stupid for even thinking about that. Nagawa nga niyang pumasok dito sa saradong apartment! This what obsessed people can do. And it is f*cking scary! "Ano ba ang kailangan mo, huh?" Mababa ngunit mariin kong tanong. Mas mabuti na iyong marinig ko ang nakakasukang tinig niya para malaman ko kung nasaan siya. Kaysa naman sa mabalot kami ng katahimikan at masusurpresa na lang ako sa susunod niyang hakbang. "I just want you to answer this question for me, love," aniya sa malambing na tinig at gusto ko siyang sukahan sa mukha. Muli ko ring narinig ang mga yabag niya palapit sa akin. "Who caught your interest out of the two guys you were with?" Sa mga unang segundo ay napaisip ako kung ano ang itinatanong niya, subalit kaagad na sumagi sa isipan ko ang dalawang lalaking kasama namin sa Pub Street kanina. Lilingon na sana ako dahil nasa likuran ko siya ngunit mukhang naramdaman niya iyon dahil mabilis siyang humawak sa likuran ng ulo ko para pigilan ako sa balak kong gawin. Gusto kong tabigin ang kamay niya at isigaw sa mukha niya na huwag niya akong hawakan ngunit pinakalma ko ang sarili ko. "Hearing your answer would be enough. You don't have to face me." Tinanggal nito ang kamay niya sa likuran ng ulo ko. "Wala," diretso kong sagot sa nanggigigil na tinig. Mahina itong tumawa at mas lalo kong naramdaman ang paglapit nito sa akin. "Good girl, Lorna." Napakislot ako nang tapikin nito ang balikat ko. "Because the only man you should be interested in is me." Hinaplos nito ang buhok ko. "The only guy you will only like is me. And I will be the only man who is going to touch every skin of your body." Unti-unting napalitan ng galit ang takot na nararamdaman ko dahil sa mga salitang lumabas mula sa bibig niya. At mas gusto ko ang ganito dahil kapag galit ka, matapang ka. Triple ang nagiging lakas ng isang taong nakakaramdam ng galit. I'd rather choose to feel the rage than fear. "Fück you!" Sigaw ko at umambang haharapin siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang magkabilang balikat ko para panatilihin akong nakatalikod sa kanya. Inilapat niya ang katawan niya sa likuran ko para idikit ako sa pader na malapit sa pintuan. Lalong sumidhi ang galit ko dahil sa pakiramdam na wala akong laban sa kanya. "You will, love. And once you have a taste of me, you'll beg for more," bulong nito sa tenga ko. "Now, help yourself to the bathroom and clean yourself up." Lumayo ito sa akin ngunit hindi niya pinakawalan ang balikat ko. Marahan niya akong pinihit paharap sa right side ko, kung saan ang way tungo sa banyo. "I bet you have an ugly face," pang-iinsulto ko. Hindi ko kailanman ginawang basehan ang hitsura ng isang tao para insultuhin siya, but this guy is a good exception. Kaya siguro ayaw niyang ipakita ang mukha niya sa akin dahil panget siya. Kaya siguro niya ginagawa ang ganito dahil walang nagkakagusto sa kanya! "Wrong, Lorna, coz I've got the looks. I also know how to fück." Naramdaman ko ang ngisi niya sa may buhok ko. "And guess what, baby? I can fück you like a god." Wala sa sariling napasinghap ako. At sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng init dahil sa sinabi niya. And I want to hate myself for that! Mahina nitong sinipa-sipa ang heel ng sapatos ko na parang sinasabi na magsimula na akong humakbang. Ginawa ako ang gusto niya nang pakawalan niya ang balikat ko. Nang makadalawang hakbang na ako palayo sa kanya ay lumingon ako. Naaninag ko siyang nasa tapat na ng pintuan. At hindi ko maikakaila na matangkad ito. "I hope someone will shoot you in the fücking head on your way out," wika ko nang buksan niya ang pintuan. Mukhang aalis na siya. Hindi ako masamang tao ngunit mukhang deserve naman ng isang 'to ang mabaril sa ulo at mamatay ngayong gabi. May kaunting liwanag na pumasok dito sa loob, ngunit hindi iyong naging sapat para makita kahit ang side profile niya. "I'd like to see them try." Lumuwag ang pagkakabukas niya sa pintuan saka na siya lumabas. Ni hindi man lang siya nagkamaling lumingon sa gawi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD