Chapter 1

1280 Words
The crashing of waves on the shoreline is audible from where I'm sitting. And as the sun dips below the horizon, the sky turns bloody -- and it illuminates a quivering path across the water. The blue ocean earlier had turned in a burning red. If only I knew how to paint, I wouldn't hesitate to paint this jaw-dropping scenery. But I wasn't blessed with such talent. I don't even know if I have a talent. O baka mayroon, at hindi ko pa lang alam kung ano iyon. "I feel like I don't want to leave this place, Lorna." Ibinaling ko ang ulo ko sa direksiyon ng best friend ko. Relax na relax itong nakahiga sa couch nitong balcony ng bamboo house. Her skin is perfectly tanned. Nandito kami sa isang exclusive beach resort na pagma-may-ari ng kaibigan ni Daddy. Binigyan niya ako ng isang linggo para mag-relax dito, at isa na rin ito sa masasabi ko na birthday gift niya sa akin. At dahil ayoko namang magpunta rito mag-isa, nakiusap ako na isama ang best friend ko. Hindi naman umangal si Daddy sa gusto ko. "I don't either." Muli kong ibinalik ang paningin ko sa may dagat. "But we have to go back home tomorrow. Magsisimula na ang klase next week." Bumuntonghininga ako. Walang hint ng excitement ang tinig ko tungkol sa darating na pasukan. Dapat talaga ay ma-excite ako dahil college na ako, ngunit ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang pressure sa sistema ko. Another thing that adds to my pressure is the fact that I will be studying elsewhere. The province of San Ildefonso is far from home, and the university I will attend is also there. The University of San Ildefonso was the school that my father chose for me coz it was not only his and my mom's alma mater but also where they first met. Umaasa yata ang tatay ko na makakagawa ako ng sarili kong love story doon. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto niya akong makatagpo ng lalaking magmamahal sa akin. Hindi niya ako pine-pressure ngunit palagi niyang sinasabi na paano kapag nawala siya? Mas mabuti na raw iyong habang malakas pa siya ay makilala na niya ang magiging manugang niya sa akin... which I find ridiculous! Didn't my old man doesn't know he'll live a long life? Hah. At ang bata ko pa para sa seryosong relasyon o sa commitment. I just freaking turned eighteen last week! Though, I am open for dating. In fact, I dated some guys from school and from other school, but it just didn't work out. Fortunately, it didn't. Two of the guys I had dated wanted us to check in to the hotel right away. They already wanted to stick their f*cking d*ck inside me on the very first date. And the rest were just... plain boring. Parang pinapatulog nila ako sa mga kwento nila. "I'm glad we're going to the same university," pahayag ni Jaica. Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Tell me you're just kidding," I stated. Ayokong mahulog sa patibong ng isang 'to. Alam ko naman na nakapag-enroll na siya sa ibang eskwelahan na mas malapit lang. Ayaw niyang lumayo sa pamilya niya, at hindi ko siya nakumbinsi noong kinausap ko siya. "Sorry, but I'm not." Ngumiti ito sa akin at umupo. Inabot niya ang wine glass na may laman sa coffee table. Mabilis akong tumayo mula sa upuan at tumakbo palapit sa kanya. Walang sabi na niyakap ko siya na naging dahilan kaya nag-spill ang red wine at tumulo sa may cleavage niya. "I knew it! Hindi mo talaga kaya na wala ako sa tabi mo." I grinned boastfully. "We're inseparable, girl." She beams. Nang gabi na ay nagtungo kami sa isang bar para sulitin ang huling araw namin dito sa lugar. The place is jam-packed with party-goers. Abala naman ang DJ sa pagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga tugtog na nakakaindak. Nakailang shot na rin kaming dalawa, and I feel a little bit tipsy. Ngayon ko lang rin talaga nadama na nasa legal age na ako. Pwede ko nang gawin ang mga ginagawa ng mga new adults. Ang tagal kong hinintay na makatungtong sa ganitong edad dahil hindi na nalilimitahan ang mga pwede kong gawin. I can now go to pubs without worrying that the bouncers might shoo me away. I can now drink liquors to my heart's content, not just beer and wine anymore. Naramdaman ko ang paglapat ng dalawang palad sa magkabilang bewang ko habang sinasabayan ko ang tugtog dito sa dance floor. Lumingon ako sa likuran at nakita ang isang hindi pamilyar na mukha. His hair is damp, probably from sweat. He is smiling at me and he is freaking sexy! Nagpatuloy ako sa pagsayaw at hinayaan lang siya na nakahawak sa bewang ko. Ngumiti ako sa sarili nang maramdaman kong idinikit niya ang katawan niya sa likuran ko, at sinabayan ang bawat galaw ko. Maybe I am already drunk to let a stranger touch me, but I don't give a s**t. Pagkatapos naman nito ay hindi ko na makikita ang lalaking ito. And as if we will end up on his bed... or in my bed. "Hot!" Hiyaw ng best friend ko nang mapatingin ako sa kanya. Nakapulupot na ang mga braso niya sa isang lalaki na alam kong hindi rin niya kilala. Sinulyapan pa niya ng tingin ang lalaking nasa likuran ko. Mayabang na lang akong ngumisi at dinama ang mainit na palad ng lalaki na nakahawak sa mismong balat ng bewang ko. I'm wearing a white halter neck sleeveless crop top, and I paired it with tight black jeans. "You smell nice," bulong ng lalaki sa may tenga ko. "Thanks," wika ko. Gumapang ang mga kamay nito tungo sa may tiyan ko ngunit hinayaan ko lang. Wala pa naman siya sa alert level, at kapag doon dumapo ang mga kamay niya, kahit na sexy itong lalaki na ito ay iiwanan ko siya. Bigla akong nagulat nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa may likurang bulsa ng pantalon na suot ko. Mabilis kong kinalas ang mga kamay ng lalaki mula sa akin at bahagyang umusog palayo sa kanya. "What's wrong?" Nakangiting tanong ng lalaki at nalanghap ko ang amoy alcohol niyang hininga. Ngumiti lang ako saka na kinuha ang phone sa bulsa. Naglakad na rin ako pabalik sa table namin nang hindi nagpapalaam. Hinayaan lang naman niya ako at hindi na nagtanong pa. Siguro ay alam niyang tapos na ang minuto naming dalawa. Kumunot ang noo ko nang makita ang text ng isang unknown sender. Akala ko pa naman ay si Daddy na itong nag-text. Binuksan ko ang message at mas lalong kumunot ang noo ko nang mabasa ang details. Unknown: Are you enjoying having a guy touching you right now? Wala sa sariling nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin pa ako sa second floor nitong bar, at wala naman akong napansin na nakatingin o nagmamasid sa akin. Hindi ko rin naramdaman na may nagmamasid. Pero base dito sa text ay nakita niyang may humawak sa akin. And who the hell is this? Bigla akong kinilabutan dahil ang creepy ng text. O baka na-wrong sent lang ito? Maybe this message wasn't really for me? Hindi rin pamilyar sa akin ang numero. Sigurado naman akong hindi ako kilala ng mga tao dito, at wala rin naman akong kilala dito. Hindi ko rin naman ibinigay ang numero ko sa kung sino. Hindi ko na lang iyon pinagtuonan ng pansin at mabilis na binura ang message na iyon. Bumalik rin ako sa dance floor para puntahan ang kaibigan ko dahil baka kung saan siya dalhin nung lalaking kasayaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD