Sana ay bago pa malaman ni Ernst ang tungkol sa amin ni Mykolas, mabura na siya sa mundo ni Brae. At hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon. Hindi na ako makapaghintay na maisagawa ni Brae iyong balak niya, at sana ay magtagumpay siya. Alam kong mali ang mag-isip ng gano'n ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kung iyong Ernst rin naman ang mawawala rito sa mundong ibabaw, walang manghihinayang sa kanya. Marami pa siguro ang matutuwa. At hindi rin ako masyadong makapaniwala na malalim ang koneksiyon ni Brae doon sa reaper na pinatay. Bakit ba hindi sinabi sa akin ng lintik na Mykolas na 'yon ang tungkol doon? Akala ko rin ay simpleng co-reaper niya lang iyong Jeremiah na 'yon. "Jai," tawag ko sa best friend ko na nakaupo sa sahig habang may pinapanood sa phone niya. Ako naman a